Kabanata 24

74 4 0
                                    

INIS KONG ibinato ang nahablot kong tsinelas sa sahig. Tumama ito sa pinto, at akala ko ay titigil na ang dalawa sa pagtili nang wala ng bukas, ngunit mas lalong lumakas.

Napabalikwas ako sa pagkakahiga at halos mag-usok ang ilong ko sa sobrang inis. Hindi ako panatag dahil alam kong bubuksan nila ang aking pinto kahit isinara ko ito sa mismong seradura.

Mariin kong ipinikit ang mata nang bunukas ang pinto ng silid. Nagtatalon-talon sila't nagsisisigaw nang malakas. May tama sa alak kung umasta ang dalawa kahit hindi ko tapunan ng tingin. Hinila ko ang kumot na nasa paanan ko pataas, tinakpan ang mukha't isinubsob ang mukha sa unan.

"Althea Katriel, bumangon ka!" sigaw ni Maureene sabay sipa pa sa aking puwet.

"Pamangkinak, pamangkinak!" patiling sigaw ni mamita, parang mangingitlog na inahin.

Niyugyog nila nang niyugyog. "Bakit!?" sigaw ko sa sobrang inis sabay upo sa kamat at tulak nang bahagya sa kanila.

Namaywang si Maureene. "Aba, aba! Umagang-umaga nagsusungit? Isubsob kita sa arinola kong may laman pa, e," reklamo niyang sinamaan ko lamang ng tingin. Sino ang taong ngingiti kapag binulabog nila ang mahimbing mong pagtulog?

Iyong pakiramdam na nandoon na, e, maganda na 'yong panaginip ko. May boyfriend na ako, makikilala ko na siya pero... lintek! Nakakabuwiset!

"Bakit ba kasi?" inis at masungit kong tanong sa kanila. Magkasalubong ang dalawang kilay, halos magkadikit na nga.

"Manliligaw mo nandito," kinikilig na sambit ni mamita. Napakembot pa ito.

"Naligaw lang 'yan." Ikinampay ang kamay at muli sana akong babalik sa paghiga nang magsalita si Maureene

"Si Frence, nasa harap ng bahay, manghaharana yata."

Nagising ang diwa sa nagpantig sa aking tainga. Dilat na dilat ang mata sa pamimilog, at nagmamadaling bumaba sa hagdan nang mamalayan kong wala na pala ako sa aking silid sa sobrang pagmamadali upang salubungin siya.

Dire-diretso akong tumatakbo. Hinihingal na tumigil ako sa tapat ng poste, isinandal ang braso doon.

"Bakit ka nandito?" taas-kilay kong bungad. Masuyo niya akong tiningnan  nang may nakakalokong ngisi mula balikat hanggang sa paa kong hubad. Mabilis akong nagtago sa gilid ng poste. Nakayakap tuloy ako't nakapaa-paa dahil hindi man lang ako nagbihis ng presentable.

Suot ang medyo manipis na blouse at maaaninag ang maliit na kulay kayumangging bundok, kahit alam kong nakita niya na ito, pero matagal na iyon. Ilang buwan na ang lumipas.

"To court you," nakanguso niyang sambit nang maibalik niya ang tingin sa aking mata at hindi nawala ang ngisi niya. He handed me the boquet of pink and blue roses. Salubong ang kilay kong kinuha iyon nang pahablot. Dinaanan ko 'yon ng tingin. Napangiti nang tipid. Pink roses are representative of healing. Blue roses signify the unattainable or the impossible.

Nangunot ang noo. Siguro gusto niyang magkatotoo ang imposible, ang magkaroon ng kami.

"Sorry, hindi ko nagpapaligaw," sagot ko sa kaniya. Hindi ipinahalata sa kaniya ang pagkibot ng labi.

Lumingon ako sa kaniya. His forehead wrinkled. "Ano bang ayaw mo sa akin na hindi ako puwede?" naguguluhan niyang tanong. Nagkibit-balikat ako.

"Because not all are worth it to risk." Matipid akong ngumiti  sa kaniya. Namalagi ang mata nito sa aking labi.

"Because thorns are painful when you touch it?" Nahuli kong nanginig ang labi niyang napatikom nang mariin.

Hindi ko siya inimikan, bagkus ay luminga-linga ako at humakbang pabalik ng bahay habang mahigpit kong hinawakan ang ibinigay niyang bulaklak na ginawa kong pantakip sa damit.

Roses of AffectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon