ISANG LINGGO na rin ang lumipas at wala akong anong naging balita. Paano nga pala ako magkakaroon ng balita kung isang linggo na rin palang nakapatay ang selpon ko. Ayaw kong makatanggap nang anumang mensahe mula sa kanila.
Napag-isip-isip kong patayin muna hanggang sa makahanap ako ng trabaho. And maybe, It's time to move on and walk alone from the another journey in my life.
Lumingon ako sa maingay na tunog ng sandals ni mamita na kumakatok sa aming sementadong sahig. Tinapunan ko ng tingin si mamita na nasa harap ng maliit na salamin, naglalagay nang makapal na lipstick. "Pamangkinak, sigurado ka bang ayaw mo akong samahan mamalengke?" tanong niya nang hindi ako nililingon.
"Pass muna ako, mamita." Sumimsim ako sa kape sabay kagat sa pandesal na hawak-hawak pagkatapos.
Tumango siya matapos niyang makuntento sa kapal. "Sige, babush! Ikaw muna bahala dito sa bahay," kumakaway niyang paalam habang naglalakad palapit sa aking gawi.
"Opo, mamita." Kumaway ako pabalik bilang pagpapaalam.
Pagkaalis ni mamita ay may isang yabag pa akong narinig na dadabog-dabog kung maglakad. Umangat ang isang kilay ko nang makita ang naiwang kasama sa bahay, na nakatapis lamang ng tuwalya.
"Insan, pahiram naman ako ng damit mo, o," nakangusong sambit niya, nakatayo sa harap ko nang ilang hakbang.
"Bakit hindi mo pa kasi nilabahan 'yong mga damit mo?"
Napakamot ito sa basang-basa niyang buhok. Mas lalo pa siyang ngumuso. "Busy ako kaya hindi ko pa nalalabahan lahat." Umirap ako. "At baka naman..." pasaring niyang nakanguso pa rin, tila bibe na sa haba ng nguso.
"Oo na, ako na ang maglalaba mamaya pero may bayad ang paglalaba ko, ha?" biro kong ngisi sa kaniya. Napalitan ng simangot ang nakaguhit sa labi nito.
"Grabe ka naman, insan, parang wala tayong pinagsamahan." Tumawa lang ako dahil hindi ko naman siya sisinglin. Mabuti na lang at mabait ako ngayon dahil kung hindi, hindi ko siya pahihiramin ng aking damit. Isang irap lang ang ibinigay sa kaniya nang iwan niya akong mag-isa at dumiretso sa aking silid.
Inubos ko ang natirang pandesal, kahit na alam kong hindi pa nag-aalmusal ang kasama ko. May ngiti sa labing isinawsaw sa medyo mainit-init ko pang kape.
Pagkalipas ng ilang minuto ay umalis na rin ang aking pinsan, at as usual ako ulit ang mag-isa. Itinutok ko ang electric fan sa akin para mahanginan ako nang maayos. Lingon nang lingon, e, nandito lang naman ako.
Pikit-mata akong napasimsim sa tasa. Kahapon ay buong araw akong nag-ikot-ikot upang maghanap ng mapapag-apply-an na trabaho, ngunit walang available. May nahanap ako sa internet, at bukas ko pa 'yon mapupuntahan dahil nangako akong ako ang maglalaba ng mga damit namin ngayon.
Pagkaubos ay dumiretso ako sa labas, sa may teresa namin na hindi naman teresa kung matatawag dahil labahan.
Nag-inat-inat akong tumingala nang bahagya upang dumungaw sa kalangitan. The sun is waving at me, happily. Even the skyblue sky amuse me like a toddler from seeing it like it's my first time. I roamed around to search a rose-like flower formation of clouds like I usually do every morning.This time, I failed to search something. Nakatatawa ring isipin na noong bata ako ay pinaniniwalaan kong nanggaling sa usok ng tambutso ang mga ulap, but during my days as a student my science teacher explained well the formation of clouds and where it came from.
As I could remember, clouds are made from water droplets or ice crystals that are so small and light they are able to stay in the air. Clouds form when moist, warm rising air cools and expands in the atmosphere.
"Tao po!" Napatalon ako nang bahagya nang marinig ko ang malakas at may katinisang boses.
"Ay bakla ka!" gulat kong sambit. Nilapitan ang nakasarang gate na patuloy sa pagkatok ang bisita sa labas. Nawala ako sa aking pagbabaliktanaw sa asignatura kong siyensa noong panahong mag-aaral pa lang ako.
BINABASA MO ANG
Roses of Affection
Storie d'amore𝙎𝙤𝙤𝙣 𝙩𝙤 𝙗𝙚 𝙥𝙪𝙗𝙡𝙞𝙨𝙝𝙚𝙙 A/N: The edited version of this story is posted in Finovel/Novelah/StoryOn. You can check it out there. Thank you for reading my stories! Visit my fb account, check my pinned post on how to read it on Novelah. ...