Kabanata 10

76 4 0
                                    

PALAGI na lamang akong napapatanong sa hangin kung kailan ang hangganan ng pagpapahirap sa akin ng bago kong boss. It's been a week since he is here, and tomorrow will be his one month for being a boss at Eustaquio Corporation.

Yes, I am his executive assistant pero hindi ba't lagpas naman na yata sa posisyon ko ang paglinis sa buong opisina't labahan ang damit niya? It's hell to be his assistant.

Nanggagalaiti akong nagpigil ng inis dahil baka maibuntong ko kay manong driver. Nagmumukha akong katulong, hindi assistant. Sirang-sira ang araw ko palagi, wala na yatang bago at unti-unti na akong nasasanay. Nagpakawala ako nang malalim  na buntonghininga nang sa wakas ay wala na itong iuutos pa sa akin para pick-up-in ulit.

It took me hour para kunin ang pinapa-pick-up niya kanina. He texted me: "Pick up the clothes on the laundry." Umikot ang mga mata ko nang maalala ko ang nakakairitng mensahe niya.

Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niya pang ipa-pick up sa akin araw-araw ang mga coat na pinapa-laundry niya. Ni minsan ay hindi ko siya nakitang nagsuot nito, he always wear his usual trendy coat that it suits to him well. Sino ang gumagamit nito? Multo?

Maagap kong binayaran si manong nang tumigil ang sasakyan sa tapat ng kompanya. Bitbit ang dalawang malaking supot na pina-laundry niya, at ang kape niya.

Pagpasok ko sa entrada ay agad akong nilapitan ng guwardiya't kinuha sa akin ang dalawang supot. Ngumiti ako nang malawak nang makita si Maurel. Hindi ko alam na ngayon ang dating niya. Malawak ang ngiti nitong lalaking-lalaki ang tindig habang palapit ito sa aking direksyon, sa gilid ng mga mata ay nakita ko si Frence na nakapamulsa sa kaniyang pantalon.

Isang mainit at mahigpit na yakap ang natanggap iginawad namin sa isa't isa. "Why are you so late?" tinig ng kontrabida dahilan para tumirik sa mataas na kisame sa kompanya ang mata.

"Traffic," maikling sagot ko pagkakalas sa yakap namin ni Maurel. Tumaas ang dulo ng kilay nito, nagdududa.

"As usual lame excuses are not allowed." Taas ang kilay kong napairap sa narinig. Imbes na mag-init ang ulo ko't pumutok ang butsi sa sinabi niya, nginitian ko nang matamis ang kapatid niyang nasa aking tabi.

I miss his charming smile. Ramdam kong pinipisil-pisil niya ang braso ko, balik pagpapanggap na naman kaming dalawa as a couple.

I was about to ask Maurel when he speak. "Why are you so unfair?" Bumaling ang mata sa kaniya nang tanungin niya iyon bigla.

"Huh, sir?" kunot-noong tanong.

Inilihis nito ang tingin sandali sa guwardiya bago ibalik sa akin nang nag-aapoy ang matalim niyang mga mata. "If you only know, would you— damn! Remember that I will do anything for you to not marry my brother!" sigaw nitong nakatinginan lamang kaming dalawa ni Maurel sabay kibit-balikat.

Patapos na ako sa aking ginagawa kaya't nagtungo ako sa opisina ni Maurel upang makipagkuwentuhan sandali at pinapatawag niya rin ako. Tuwang-tuwa ako sa kuwentuhan naming dalawa  na nakalimutan ko na ang tapusin ang ipinapagawa sa akin ni Frence.

I am enjoying the chitchat of us, most especially the laugh of him that I miss. I like him, and I know my limit as his best friend and we are just faking our relationship as couple. Hindi ko hinihiling na magkatotoo ang pagpapanggap  na 'to. Gustong-gusto ko na ngang tapusin dahil nasasakal na ako nang kaunti sa aming lumalaking kasinungalingan  sa lahat.

Nababahala ako dahil baka maging masama ako sa mata ng pamilya niya kung nalaman nila ang sekretong ito— ang katotohanan, at kinunsinti ko pa siya imbes na magpakatotoo.

Nakarinig kami ng isang katok mula sa pinto. Parehas na nagawi roon ang tingin namin ni Maurel nang bumukas ito. Sumungaw ang ulo ni Maureene na hindi nakatakas ang ngisi ng pinsan.

Roses of AffectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon