Kabanata 23

71 4 1
                                    

TUMATAWANG pinunasan gamit ang likod ng palad sa tumatagaktak na pawis sa aking noo. Mahina akong hinampas ni mamita sa braso habang nailing ako. Hindi alintana ang bigat ng aming dala. Muli niyang bubuhayin ang ilang taon ng naluging sari-sari store niya.

Matagal na naming sinasabi sa kaniya na muli niyang buksan ang sari-sari store dahil kusang-loob kaming nagbigay ni Maureene ng pera, ngunit masyadong matigas ang ulo ni mamita at idinaan pa sa birong sa susunod na lamang dahil walang magbabantay. At ngayon, naisipan niyang buksan ito dahil alam niyang ako ang magbabantay? Magaling talaga si mamita.

Liningon ko si mamita na halos hindi mapagod-pagod sa katatawa. We're having fun about random things. Kung ano ang makita namin at pumasok sa isip na mga bagay ay binibigyan namin ng hugot, which is now's society's hobby.

Mahina kong tinampal sa braso si mamita, a cue for him that it is his turn. "Bataw: Kumain ng bataw bago humataw," tumatawang anito. My forehead creased and cringed. Kung korni sa akin, mas korni pa pala kay mamita.

Humigpit ang pagkakakapit ko sa braso ni mamita. May kalayuan ang bayan mula sa bahay, ngunit napagdesisyunan naming maglakad kaysa sa lumulan sa tricycle.

Bonding na rin namin ito at nang makalanghap kami ng hangin, hindi man ganoon kasariwa dahil sa pollution sa lugar. Pagsinghap ko'y iba ang nalalanghap, kundi ang usok na buga ng mga tambutso ng sasakyan kaysa sa dulot ng preskong hangin.

Tinapik ni mamita ang palad ko. Napaisip naman ako. "Buto: Buto pala 'yon, akala ko buto na sila sa akin." Sabay halakhak kong nakangiwi. Samantalang walang naging reaksyon si mamita kundi nanahimik lang ito sa aking tabi. Korni.

Nag-iisip pa ng iba para bawiin ang naunang sinabi, ay biglang tinapik-tapik niya ang palad ko nang may kalakasan.

Hindi ko siya pinansing ngumuso nang lumingon ito sa kanan. "Sandali, sinong fafabells iyan?" tanong niya. Nangunot ang noo kong nakatungo sa aming dinaraanan.

Ilang hakbang na lang ay makakarating na kami sa bahay. Sunod-sunod ang pagtapik ni mamita, walang tigil. "Sino?"  walang gana kong usisa nang hindi nililingon ang itinuturo niya.

Maya-maya pa ay naramdaman ko ang kamay at ang tumutusok na kuko ni mamita sa aking pisngi. Pinihit niya paharap doon sa kanina pa niya tinitingnan.

Namilog ang mata sa gulat nang makita itong nakasandal sa kaniyang kotse. Nakapamulsa itong nakasuot ng sunglasses. Hindi man niya tanggalin iyon, alam ko na kung sino siya. The trendy clothes na suot niya, I know that it is him.

Nakayuko ito, ang tingin ay nasa kamay niyang iniikot-ikot ang susi sa daliri. Mabilis kong binawi ang tingin ko at suminghap.

"Siney etech? Kaloka, deny pa." Hindi ko pinansin si mamita, bagkus humiwalay ako sa kaniya't nagtuloy-tuloy sa paglalakad nang hindi lumilingon sa likod.

Napatakbo si mamita upang habulin ako. Niyugyog niya ang braso ko, nangungulit siyang makilala ang lalaking iyon. Wala naman kasing lalaking mag-aabang sa harap ng bahay kung hindi dahil sa akin o kay Maureene.

Sabay-sabay kaming umalis na tatlo kanina, at kung nandito si Maureene, hindi niya hahayaang tumayo ang bisita niya at lalong hindi niya magiging bisita ang kilala ko.

"Is that the one you talking about? Hindi ko maamoy ang kabaklaan niya," pabungisngis na sambit ni mamita sa aking tainga.

Umiling ako. "Hindi siya 'yan, mamita. Kapatid niya."

Natutop niya ang bibig. "Oh, ano'ng ginagawa ng fafa na 'yan dito?" usisa niya at narinig ang mahina niyang pagtili. Kinukumbinsi akong magsalita kung ano ang ginagawa niya rito. Hindi ko rin alam kung ano ang sadya niya.

Roses of AffectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon