WALANG NAGBAGO sa pakikitungo namin sa isa't isa. As usual, bangayan pero ang pinagkaibahan nga lang ay nagpatuloy ito sa pagiging mabait sa akin. He is really serious for making me love him back. But, I am doing my best to stop myself from loving him so hard, even my heart won't cooperate for stopping it.
Inalisan ko ng balot ang nabili isinukli sa aking lollipop. Nais kong pera ang maging sukli, pero ginawa pa akong bata para paikut-ikutin ito sa bibig hanggang sa maubos. Sayang naman kung itatapon ko at hindi kakainin. Hindi ko na kasi matiyempuhan iyong batang aaligid-aligid sa daan na mangangalabit sa akin para mamalimos.
Habang inaaliw ang sarili sa lollipop ay biglang lumingkis sa aking braso si Maurel. "Tara, kumain tayo sa labas," bulong niya.
Nangunot ang noo sa biglaang pagiging madikit nito sa akin. Dikit na dikit, ayaw humiwalay. Binalingan ko ito ng tingin. "Hayaan mo na akong ilibre ka't maging sweet sa 'yo ngayon dahil aalis ulit ako."
"Bakit ka aalis?" naintrigang tanong. Ismid itong bumuga ng hangin.
"Huwag mo akong pigilan dahil baka maniwala ako," nakanguso niyang sambit. Itinaas ang kamay at pinisil ang pisngi niya. Hindi alam kung bakit nakagawian ko ng pisilin ang pisngi niyang hindi naman mataba. Marahan niyang hinawi ang kamay ko.
Tumaas ang kilay. Hindi na yata mawawala sa akin ang ekspresyon kong pagtaas ng kilay dahil ang magkapatid ay palagi akong binibigyan ng dahilan para gawin ito. Namamawis ang braso ko habang nakalingkis pa rin nang mahigpit si Maurel. Hinayaan ko na lamang dahil bihira lamang maglambing. Nagpatuloy kami sa paglalakad palabas para kumain sa kung saan niya ako dadalhin.
Hindi nagtagal ay pumasok kami sa isang fast food restaurant, chowking. Habang naghahanap ng bakanteng mauupuan ay tiningnan ko siyang nakanguso. Nagpapa-cute. "Homosexual lang dapat ako, e," reklamo niyang imik.
Mahina kong hinampas ang braso niya. "Bisexual ka, bes. Nagkakagusto ka pareho sa lalaki't babaeng tulad ko. Lakas talaga ng charms ko!" Sabay flip ng mahabang buhok, saka ito hinila sa upuang binakantehan ng dalawang magka-ibigan.
"Ewww! Hindi ka man lang nandiri," nakangiwing sambit nito, samantalang natawa ako. Umirap-irap pa ito sa akin ngunit naging mapagmasid ako dahil baka may makakita sa aming kakilala namin ay mabubunyag nang wala sa oras ang pinakaiingatan naming sekreto. Lalo na ang sekreto niya.
"Oo na, ikaw na ang maganda." Nagpaalam itong pipila sandali upang bumili ng makakain. Itinuon ang tingin sa labas. Hindi man katabi ng glass wall ang puwesto namin subalit sapat na para matanaw ko ang mga sasakyang dumadaan. Isa-isang biniling ang mga 'yon at halos kulay puti ang madalas kong namamataang dumadaan. Wala na bang ibang kulay? Rainbow.
Napansin ko mula sa gilid ng mata ang paglapit niya habang hawak-hawak ang tray. Nang makaupo siya't mailapag ang aming pagkain ay nakita ko ang pagguhit niya ng kaniyang pinakapaborito kong ngiti niya. His charming smile, showing his natural pink lips.
Takam na takam kong kinyuha ang kutsara't tinidor at mag-uumpisa na sanang kumain subalit nagulat ako sa mga salitang binitiwan niya. "Do you have any feelings for my brother?"
Magtatanong ako sana kung kailangan ko pa bang sagutin iyon, pero kailangan nga dahil sa pagtingin niyang naghihintay ng aking kasagutan.
Sumilay ang maliit na ngiti sa aking labi sabay buga ng hangin. Dahan-dahan kong ibinaba ang tingin ko sa pagkaing nakahain sa harap ko. "Parang... siguro... ewan," kibit-balikat kong sagot.
Medyo ayaw kong ibunyag na oo, mayroon nga akong nararamdaman kay Frence. Nahihiya ako sa kaniya. Ayoko siyang mas saktan pa dahil sa malalaman niya. I already rejected him, at malalaman niya ang totoong magpapadurog sa kaniyang puso.
BINABASA MO ANG
Roses of Affection
Romance𝙎𝙤𝙤𝙣 𝙩𝙤 𝙗𝙚 𝙥𝙪𝙗𝙡𝙞𝙨𝙝𝙚𝙙 A/N: The edited version of this story is posted in Finovel/Novelah/StoryOn. You can check it out there. Thank you for reading my stories! Visit my fb account, check my pinned post on how to read it on Novelah. ...