ABALANG-ABALA ako sa pagtitipa sa palapindutan ng laptop. Panandilaang pumikit at dinama ang lamig sa loob ng kaniyang opisina. Imbes na sa dating cubicle ako mamalagi, ay dito na lang daw ako mamalagi nang sa ganoon ay segu-segundo raw niya akong makikita. Paulit-ulit na tumirik ang mata kong nakangiwi nang sambitin niya iyon.
Bigla na lang ako natawa nang mag-isa nang maalala iyon. Ginagawa niyang roller coaster ang emosyon ko, pero hindi niya ako pinapalungkot sapagkat inis ang palagi niyang idinudulot sa akin. Sinulyapan ko ang wrist watch ko't alas siete na pala.
Iniayos ko ang kalat sa mesa ko, and since I am alone here at his office while Frence is still on his way to meet Mr. Guevarra for their business meeting, tumayo ako at lumabas. Nakasandal sa nakasarang pinto kong tinitigan ang nakabukas na dating opisina ni Maurel.
It's empty. Nakalulungkot dahil hindi ako sanay na hindi naririnig ang boses niyang tumitinis lamang kapag ako ang kasama niya, at ang paglabas-pasok niya sa opisina niya dahil sa sobrang abala siya't ang pag-asta niya na lalaking-lalaki ang dating. Marami siyang naloloko sa tindig niya.
I missed him. Saang lupalop ng bansa kaya iyon nagtatago? Hindi nagpapahanap, at hindi man lang nagpaparamdam. Madalas ay napapatanong ako sa kalangitan sa tuwing tumitingala ako kung kumusta na kaya siya, kung nahilom na ba 'yong sugat niya sa puso dahil sa ginawa kong pag-reject sa kaniya. Subukin ko mang alamin ang rason niya kung bakit siya umalis, ay parang nakikita kong dahilan ang ginawa ko.
Sa kalagitnaan ng pag-iisip ay kaagad akong napabalik sa kaninang kinauupuan nang marinit kong tumunog ang cellphone ko. Akala ko may tumatawag na pero may nag-text lang pala. Maliwanag ang ekspresyon kong pinindot ang inbox saka ko binasa ang mensaheng nanggaling kay Frence.
"I guess, I need a companion. Makakapunta ka ba rito? Let's date after the meeting."
Kunot-noong ngumuso ako sa pagkalabit ng kilig sa aking sistema. Partida, wala pang kami ngunit kung makaasta ay tila may kami na. "Let's date, let's date pang nalalaman, pero baka ito ang paraan niya para mapa-oo, ako," bulong sa sarili.
Magrereklamo pa sana ako kung bakit ganito siya simula noong makabalik ako rito two weeks ago, ay nahagilap ko na lang ang sariling lulan na ng taxi patungo sa sinabi niyang hotel. Three blocks away from Makati City plus traffic, at sa tantiya ko ay hindi yata ako makakarating on time from what he is expected time and I'm sure, he will be upset again to me for being late.
Inabala ko na lang ang sariling pagmasdan ang mga nakakasabayan naming sasakyan sa klasada, na nago-overtake para lang makasingit at makaalis sa walang pagbabagong trapik sa bansa.
Pagkaraan ng halos isa't kalahating oras na naipit sa traffic jam ay nakarating din ako. Hinanap kaagad ng mga mata ang lalaki sa lobby pagkatapak ng paa sa loob ng mamahaling hotel.
Hindi ako natagalan sa paghahanap sapagkat nakita ko itong nakaupo nang dekuwatro't nakahalukipkip itong nakasandal sa couch. Humagikgik ako nang bahagya habang palapit sa kaniya nang hindi niya napapansin matapoa kong matitigan ang nakabusangot niyang ekspresyon mula sa pagkainip.
"Oh, nasan iyong ka-meeting mo?" paunang tanong ko pagkaupo ko sa tapat niya. He just rolled his eyes and look away.
"I don't know," kibit-balikat niyang sagot.
Kunot-noo pa rin akong nakatingin sa kaniya. "E, pero tinawagan ka na mahuhuli ang dating?"
He took a deep sigh. Ibinalik niya ang paningin sa akin. "Ang sabi ay sa room 66 daw," walang gana niyang sagot.
Tumayo ako sa narinig saka siya nilapitan. "Tara, pumunta na tayo doon." Tinapik ko ang braso niya para puntahan na doon. Hinawakan ang kamay niya at sinusubukan kong itayo ito subalit masyadong mabigat ang katawan niya.
BINABASA MO ANG
Roses of Affection
Romantizm𝙎𝙤𝙤𝙣 𝙩𝙤 𝙗𝙚 𝙥𝙪𝙗𝙡𝙞𝙨𝙝𝙚𝙙 A/N: The edited version of this story is posted in Finovel/Novelah/StoryOn. You can check it out there. Thank you for reading my stories! Visit my fb account, check my pinned post on how to read it on Novelah. ...