Kabanata 2

199 7 4
                                    

“Ang ganda talaga ng pamangkinak ko,” puri ni mamita pagkalabas ko ng kuwarto nang madatnan ko siyang papasok din sa kaniyang sariling kuwarto rito sa aming mumunting palasyo. A bungalow type of house and this is the old family house of mamita’s parents’. There are three rooms and the life of us are average. I mean, sakto lang ang aming pamumuhay na tatlo. Hindi sobrang mayaman, at hindi sobrang mahirap dahil nakakakain pa naman kami ng tatlong beses sa isang linggo dahil sa magandang hanap-buhay naming tatlo.

“Oh, bakit mo ako tinititigan? Gandang-ganda ka ba sa akin?” tanong ni mamita kasabay ng kaniyang pag-flip sa imaginary long hair niya. Ngiwi lamang ang isinagot ko. Maganda si mamita kahit naging matandang binata na ito—or should I say, matandang dalaga. He is the eldest brother of my mother, and I owe him a lot dahil kung wala siya, hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral at wala akong magandang buhay ngayon. Simula kasi nang mamatay si mama, sa isang breast cancer noong anim na taong gulang pa lamang ako, at nang maaksidente si papa, ay siya na ang nag-alaga sa akin—sa aming dalawa ni Maureene, ang pinsan kong ulila na rin.

“Oh, anong ngiwi-ngiwi mo diyan? Nako! Aminin mo na kasi dahil sa akin ka naman nagmana ng kagandahan.” Pumikit akong ngumiwi bilang sagot sa sinabi niya, at bilang pagbibiro na rin sa kaniya. Iwinagayway ko ang palad bilang pagpapaalam.

“Mamita, late na ako, mamaya ka na lang magyabang sa kagandahan mo kapag nandito na si Maureene,” wika ko habang nagsusuot ng sandalyas na bagong bili sa akin ni mamita kahapon. Nahuli kong iginala ni mamita ang mga mata niya, tila may hinahanap.

“Speaking of my another pamangkinak, bakit hindi kayo sabay ngayon?”

“Ayaw na raw niya akong kasabayan dahil mabagal daw ako kumilos.” Naupo ako sandali sa sofa para maisuot nang maayos ang sandalyas. Hindi na yata magkasya sa akin, at maling shoe size yata ang binili ni mamita kaya hindi magkasya.

“Ayan kasi, ang bagal gumalaw parang pagong. Nagpapaganda ka ba para sa boss mo?” tukso ni mamita sa akin. Sinimangutan ko lang siya at mabilis na tumalikod nang maisuot.

“Mamita, boss ko lang iyon saka…” Tumigil akong kinagat ang ibabang labi dahil muntik ko ng masabi ang hindi dapat mabunyag pa. Naningkit ang mga matang nakakunot-noong nag-aabang si mamita ng idudugtong ko sa sinabi. “Magkaibigan lang po kami.” I smiled and I tried to make my smile real. Alam na alam ni mamita ang baho ko. I mean, mula ingrown hanggang sa libag ko’y alam niya, kaya madali niya akong mahuli kong nagsisinungaling ako o hindi.

“Taray! Boss na nga, kaibigan pa. Kabugin mo ng iyong ganda!”

Nailing na lamang ako sa kaniya. Kung ano-anong kaharutan na naman ang pumapasok sa isip ni mamita. “Aalis na po ako. See you later!” nakangiti kong paalam nang buksan ang gate.

“Mag-ingat ang boss mo sa ‘yo!” Dinig kong pahabol pa ni mamita na ikinatawa ko.

TANGING ang tunog ng keyboard lamang ang maririnig sa bawat cubicle, at kaunting hagikgikan ang naririnig ko. Nakangiting nakatutok ang mga mata sa screen ng laptop ko habang nagtitipa ng mga salita para sa mahalagang dokumento.

“Althea, in my office please,” Rinig kong pagtawag ni Sir Maurel mula sa intercom. Kahit hindi ako lumingon, alam kong nag-angat ng mga tingin ang kababaihan. Mabilis akong tumayo at pinagpag ang black skirt. Ilang bulungan na naman ang narinig ko, at hindi ako bingi para hindi maulinigan ang mga iyon.

Kung alam lang nila kaya niya ako pinatatawag dahil may gusto siyang ipakitang guwapong lalaki sa magazine, na may malalamang pandesal. Ibibida lang naman niya ang mga iyon sa akin dahil gusto niyang magkaroon ng nobyong ganoon, pero nakalulungkot dahil hindi siya puwedeng bumigay sa kung sino siya. He needs to hid his gender preference.

Roses of AffectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon