MINUTO kaming nakatitigan sa isa't isa. Mga mata niyang wala akong ibang mabatid kundi punong-puno ng kaseryosohan. Katahimikan ang namayani. Walang gustong magsalita kundi ang magtitigan sa isa't isa. Ang saliw ng musika sa radyo ay tila naging mala-emosyonal para sa akin, kahit na nakakaaliw at memoryado ko ang kantang ito.
Ang dating hindi ako naiilang sa pagtitig niya, ay bigla akong nakaramdam nang kaunting pagkailang. I didn't expect this, never in my life that he will fell in love with me.
Nakalimutan kong lalaki pa rin pala siya kahit puso niya'y babae, na may pagkakataon pang maituwid ang kumurba niyang pagkalalaki. Ewan ko kung paano ako magbibigay ng reaksyon— kung ano dapat ang magiging reaksyon na ipapakita ko sa kaniya ngayon.
Iyong pakiramdam na hindi mo alam ang gagawin. Wala namang pumasok sa isip kong iiwas porque umamin, pero... hindi ba't nagkakaroon ng lamat ang pagkakaibigan kapag may isang umibig? Hindi ba't nakakakonsensiya dahil hindi mo siya mamahalin pabalik?
"Althea, I know na nagulat ka pero—" Hindi nito tinapos ang sasabihin nang magpakawala ito nang malalim na buntonghininga't napahilamos. Ramdam kong tila napahiya siya.
"I'm sorry," Nakayuko niyang hingi ng paumanhin. Nakagat ko ang aking ibabang labi sabay buga ng hangin.
"I fell in love with my best friend~"
"Tila bagay nga sa atin ang kanta," nakangiting sabi sa kaniya.
Nanatili itong nakayuko, ang tingin ay nasa sahig. Hindi magawang mag-angat ng tingin sa akin. "Alam kong nakakagulat, pero hindi ko mapigilan. Tao lang ako at may karupukang iniinda." He deeply heaved a sigh.
"So, all this time itong pagpapanggap natin ay talagang sinadya mong ako ang mapapayag mo?" nakakunot ang noo at nakataas nang bahagya ang isang kilay kong tanong.
"Yes. It's really awkward to confess my feelings, pero masisisi mo ba ako kung biglang umikot ang mundo?" nakayukong tanong nitong inilingan ko. "Yes, you know who I am, the real me, pero may puso rin ako't nahuhulog sa bitag ng pag-ibig. All I thought I will fell in love with the same gender of I am, but unfortunately I fell in love with my best friend," malungkot niyang tugon.
Gusto kong kiligin at magtatalon sa tuwa dahil ang boss ko ay gusto ako, katulad ng nababasa ko noon sa pocket book na minsan kong pinangarap. A love story of the boss and his secretary where they fell in love with each other, and this is dream come true for someone, kung saan ang mga gaya ko ring babae ay natupad na ang kanilang pinapantasya.
Sa kaso ko... hindi. Nagustuhan ko siya, pero kaibigan lang ang turing ko sa kaniya. Kung may mababago man sa bugso ng damdamin ko, siguro pipigilan ko. Ewan. Hindi ko alam. Nakakabigla at medyo nakakailang.
Iniangat ko ang kamay at hinawakan ang palapulsuhan niya. "Ayokong umamin dahil baka magbago itong friendship natin kaso... wala na, nangyari na. Alam mo na, at hindi ko puwedeng sabihing biro lang. At saka gusto ko na ring umamin nang mas maaga kaysa sa lumala pa ang nararamdaman ko sa 'yo," patuloy niyang paliwanag. Maging siya rin siguro ay nadama ang pagbalot sa amin ng pagkailang.
Marahan itong nag-angat ng tingin. Mga mata niyang malungkot at sawi ang tumitig sa aking mata. Nanginginig ang labing ngumiti ito. Ang awiting tumutugtog sa speaker ay birit na birit sa chorus. Mga katagang: "I fell in love with my best friend".
"May pag-asa ba ako?" Tiningnan ko ang labi niyang nanginginig matapos niyang bitiwan ang mga salitang isinambit.
Kukurap-kurap akong napangiti nang mapait. Paano ko nga ba ito sasabihin? "Maurel, hindi sa ayaw kong suklian ang nararamdaman mo para sa akin. Pero... natatakot akong madismaya ka't pandirihan mo ako sa huli." Nag-iwas ako ng tingin. Ako 'yong puting panyong may mantsa na't kahit matanggal man ang mantsa, ay hindi maipagkakailang minsan na itong nadungisan. Nagamit na ako't, hindi na ako kasing-linis ng dati.
BINABASA MO ANG
Roses of Affection
Romance𝙎𝙤𝙤𝙣 𝙩𝙤 𝙗𝙚 𝙥𝙪𝙗𝙡𝙞𝙨𝙝𝙚𝙙 A/N: The edited version of this story is posted in Finovel/Novelah/StoryOn. You can check it out there. Thank you for reading my stories! Visit my fb account, check my pinned post on how to read it on Novelah. ...