Kabanata 17

75 5 0
                                    

TUMIKHIM akong kumatok sa pinto niya nang madatnan ko itong may siwang. Napailing ako nang bahagya dahil hinayaan niyang nakabukas ito. Katatapos lang ng aming business meeting sa isang kliyenteng nais makipag-negotiate sa amin. Hindi naman nagkakaroon ng problema ang kompanya dahil nandiyan si Maurel upang ayusin.

Maurel is graduated in a business field, as well as I am, while Frence is graduated as a civil engineer. Napakalayo ng kinuha niyang kurso sa posisyon niya ngayon. Well, madali lang naman siyang matuto at tila may experience na rin kahit paano sa paghawak ng business, but unlike to Maurel that he is expert on this field.

Pagpasok ko ay naabutan ko siyang nakatitig sa palad niya. Tila napakalalim ng iniisip at para itong malulunod sa lalim, na hindi man niya napansin ang presensya ko. Ni ang pagkurap ay hindi niya magawa. Titig na titig ito sa palad niya, nakatulala. Kaagad akong nagsalita matapos kong tumikhim. "Ipapaalala ko lang na may meeting tayo kay Mr. Fernandez." Unti-unting lumihis ang tingin nito sa akin. Binigyan niya ako ng blankong tingin.

Matipid ko siyang nginitian. Niyakap nang mahigpit ang hawak-hawak kong folder. "Also, may business meeting din kayo with Mr. Lorenzo. Kasama natin si Maurel to meet him," paalala ko sa kaniya pero parang hindi siya nakikinig dahil nanatili itong nakatingin sa akin. Nalunod yata o nadala sa inaangkin kong kagandahan. Bigla akong napailing sa sumagi sa isip upang iwaglit.

I am pretty, but not that much to be proud of. Dahan-dahang tumataas ang aking kilay sa pagtitig niya. Para akong tinitusok sa titig niya, nakakapaso na nakakailang, na nakapagpapabilis ng tibok ng aking puso. My forehead wrinkled as he show his annoying smirk. Magsasalita ulit sana ako pero inunahan niya ako. "Cancel all the meeting."

Bahagyang dumilat ang mata. Bago sa pandinig ko ang katagang binitiwan niya. "Pero..." angal kong pinigilan niya agad. Iwinagayway nito ang palad. May inis na sa ekspresyon niya, hindi gaya kanina na walang kaekspre-ekspresyon kundi ang pagtitig lamang ang nagawa.

"Tell Maurel that he'll be the one to take care of it," utos niya. Mas dumoble pa sa jolen ang panlalaki ng mata. Ano na naman ba ang pumasok sa isip nito?

Imbes na ipaalala kung gaano kahalaga ang kikitain naming tao, ay malugod akong tumango sabay ngiti nang matipid. Wala akong magagawa kung sinumpong siya ng kaniyang sayad sa ulo. "Sasamahan ko na lang siya," presinta ko, hindi nawawala ang iniukit kong maliit na ngiti.

"No. Stay beside me. We're going somewhere." Nagpantig sa tainga ang isinatinig nito. Umawang nang maliit ang bibig ko sa bahagyang pagkagulat.

Umangat nang unti-unti ang kilay sa labis na pagtataka. Bakit pa ba niya ako kailangang dahil kung saan, at ano ang gagawin namin? Nakukuryuso akong parang nagugustuhan din naman ng puso ko ang ideya niya. "Saan naman, aber?" Nakapamaywang kong usisa.

"Kung saan kita puwedeng mas makilala," seryoso niyang turan. Napa-"huh" ako sabay iling.

"Mas importante pa ba iyan kaysa sa kailangan mong  gawin as a boss?" I showed my dismay expression. Mas inuuna niya ang hindi importante kaysa sa mas importante. No wonder why kung bakit walang tiwala ang family niya sa kaniya sa pag-handle ng business, pero masuwerte siya dahil kung wala si Maurel, wala siya rito ngayon. Sana nga hindi naging mabait si Maurel noong mga oras na iyon upang sa ganoon ay hindi siya ang boss ko.

I still remember that day kung saan ipinagdiwang pa nila, at kung gaano ka-big deal sa pamilya nila ang pagbibigay pansin at halaga ni Frence sa family business nila. Hindi ko makakalimutan ang saya nila, as well as him na nakitaan ko ng saya sa kabila ng sakit na nakita ko noon sa mga mata niyang paboritong inumin ng mga nagpupuyat, kape. Not literally because of Maurel, but he persuade their parents to let Frence to co-manage their business.

Roses of AffectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon