HINDI NA kami gaanong nag-uusap. Pagdating niya sa umaga ay parang iniiwasan pa niyang mag-usap kami, tuwing gabi na lamang at maikli pa iyon. Nakatutuwa, pero hindi maiwasang malungkot sa kadahilanang nasanay na yata akong palagi siyang nag-uutos at nakikipagbangayan sa akin.
"May kailangan po ba kayo, sir?" tanong ko sa kaniya bago ako mag-out. Hindi siya sumagot. Hindi ko na narinig ang usual na, "wala na,", "you may now go, Katriel."
Tumaas ang kilay ko na agad ko ring ibinaba. Nakaupo siya sa swivel chair niya paharap sa gawi ng bintana at hindi sa direksyon ko, kaya hindi ko alam kung narinig ba niya ako hindi. Para bang wala ako rito dahil ang atensyon niya ay nasa madilim na kalangitan sa labas at iilan lamang ang mga bituing makikita mula sa aming kinaroroonan ngayon.
Humakbang ako nang lima, medyo malapit sa mesa niya. "Sir?" malakas ang boses kong pukaw sa kaniya, pero wala akong natanggap na sagot kaya naisip kong nakatulog siya. Humakbang na ako palabas ng opisina niya nang bigla siyang magsalita.
"Why did you do it?" bigla ay tanong niya. Pumihit ako paharap para makita ito nang harap-harapan. Subalit, nakatalikod pa rin pala siya.
"Sir?" nag-aalinlangan kong tanong dahil hindi ako sigurado kung tama ba ang narinig ko. Pumihit siya paharap sa akin at nahugot ko ang hininga ko. Bakit parang biglang kumabog ang dibdib sa paraan ng pagkakatitig niya sa akin. There is something will happen that I don't want to happen.
"That night, when we met," pagpapaalala niya. Blanko ang mata niya ngunit ang ekspresyon nito ay punong-puno ng curiosity.
"Bakit mo ako hinalikan?" nakatungong tanong niya. Muling bumalik sa aking isipan ang pangyayari sa araw na iyon.
"Bakit mo hinayaang may mangyari sa atin?" muling tanong niya. Napalunok ako nang wala sa oras.
"I don't think that this is an appropriate topic inside the office," pikit-mata at buntonghininga kong sambit. Iwinawala ang gusto niyang pag-usapan sa ibang paksa sapagkat hindi ko nagugustuhan kung saan ito patutungo.
"Utang na loob, Katriel!" Nagulat ako sa paghampas niya sa mesa. Galit na galit na tila manglalapa ng tao.
"Huwag na tayong magpaikot-ikot pa, diretsahan na. Let's be honest. Hindi puwedeng kalimutan na lang natin 'yong nangyari dahil pakakasalan mo ang kapatid ko," saad niyang hindi ko na talaga maiiwasan pa. Seryoso siyang ito ang gusto niyang pag-usapan, pero sana makita niya mismo sa mga mata kong ayaw ko itong pag-usapan. O hindi kaya ay maisip niyang hindi na dapat pa ito pag-usapan dahil wala na, tapos na't dapat ng kalimutan kahit na dapat ay big deal.
"Sagutin mo nang tapat ang tanong ko. Why did you do it?" Hinihigop ako ng mata niya, kaya sa halip na mas tumagal ang pagtingin ko ay naibaling ko sa plorera ang mata.
Pumikit ako. Bakit sa dinamirami ng puwedeng pag-usapan ito pa ang gusto niya? Ano ba kasi ang gusto niyang malaman? "H..hindi ko alam." Iniikot ko ang mata sa kabuuan ng opisina niya at sinuguradong hindi magtatama ang mata namin.
"Hindi mo alam? That's all I got? Hindi mo alam?" Pagak itong nagpakawala ng tawa.
Nagsiakyat ang dugo ko, naiinis sa inaasal niya. "Ano ba ang gusto mong maging sagot ko?" pabalang kong tanong.
Umangat sa ere ang dalawang kamay niya. "Anything, Katriel, huwag lang hindi mo alam. Hindi iyan ang tamang sagot na gusto kong marinig. Niloko mo ang kapatid ko by sleeping with me. Sa tingin mo, makukuntento ako sa sagot mong iyan?" Umiling siya, sobrang dismayado.
I sighed. "Exactly. Kay Maurel dapat ako magpaliwanag dahil siya ang fiance ko, at hindi sa 'yo dahil walang tayo." Umirap ako. May karapatan man siyang marinig ang paliwanag ko dahil nga sa gabing iyon, subalit mas may karapatan si Maurel malaman ang katotohanan kahit peke ang aming uganayan sa isa't isa.
BINABASA MO ANG
Roses of Affection
Romance𝙎𝙤𝙤𝙣 𝙩𝙤 𝙗𝙚 𝙥𝙪𝙗𝙡𝙞𝙨𝙝𝙚𝙙 A/N: The edited version of this story is posted in Finovel/Novelah/StoryOn. You can check it out there. Thank you for reading my stories! Visit my fb account, check my pinned post on how to read it on Novelah. ...