Episode 5

18 2 1
                                    

Dalawang taon na ang lumipas simula nang umalis ako papuntang mission. Marami na ring nagbago sa sarili ko. Dalawang taon na sakripisyong malayo sa pamilya, mga kaibigan, at ganun na rin sa pag-aaral. I can say that I'm a better person now. I'm still far from being perfect, but at least I improved. That's the most important thing. Sometimes, we don't always have to strive for perfection, strive for improvements.

Sa dalawang taon ko bilang isang missionary, marami akong natutunan. Isa na rito ang mahalin 'yung mga taong hindi mo naman kilala. 'Yung tipong ngayon mo lang sila nakilala, pero mahal mo na sila kaya gusto mo silang tulungan para mabuhay nang mas maayos. Gusto mong ipaalam sa kanila na merong plano ang Diyos para sa ating lahat, kasi mga anak Niya tayo. Natutunan kong huwag tingnan 'yung mga tao sa kung ano sila ngayon. Kung ano 'yung mga maling bagay na nagagawa nila sa kasalukuyan. Natuto akong tumingin sa ibang tao kung paano sila tingnan ng Diyos. To see them in their fullest potential as sons and daughters of our loving Heavenly Father.

Maraming nagbago sa dalawang taon. Pero 'yung feelings ko para sa kanya, hindi 'yun nagbago. Hanggang ngayon, siya pa rin talaga. Akala ko, makakamove on ako kapag hindi ko siya nakita sa loob ng dalawang taon. Marami raw kasing nagbabago pagkatapos ng mission. Totoo naman 'yun, pero hindi naman lahat, magbabago.

Oo, meron akong mga nagustuhan. Crushes, kumbaga. Pero tinatak ko na kasi sa sarili ko na hindi ako nagmission para maghanap ng babaeng puwede kong maging kasintahan. Hindi naman kasi talaga 'yon ang purpose ng isang missionary. At isa pa, hindi ko naman kayang itanggi sa sarili ko na mahal ko pa rin talaga siya. I wanna be honest with myself. I love Mitch, and I love her still.

Tuwing Lunes, meron kaming dalawang oras para mag-email sa mga pamilya at ilang mga kaibigan na naiwan namin. Sa unang 21 buwan ng serbisyo ko bilang isang missionary, palagi kong nakakausap si Mitch tuwing Linggo. Mas madalas ko pa siyang maka-email kaysa sa pamilya ko. Malaki talaga ang pasasalamat ko sa kanya. Siya ang unang napagkukuwentuhan ko kapag meron akong problema, kapag stress ako. Malaki ang naitulong niya para makayanan ko ang dalawang taon na mawalay sa amin.

21 buwan na ako sa mission nang may nagtanong sa akin na kapwa ko missionary. Ito 'yung best friend ni Mitch na last dance niya rin sa debut niya. Kumakain kami ng lunch nun sa isang fastfood restaurant. Ang tanong nito, mahal ko pa ba si Mitch. Natahimik ako nun. Alam kong mahal ko pa siya, pero parang wala na akong pag-asa sa kanya. Dahil dito, ang naging sagot ko ay nakamove on na ako sa kanya kahit na hindi naman ako sigurado kung totoo 'yon. Kasi kahit sinabi ko 'yon, pakiramdam ko mahal ko pa rin siya.

Nasa computer shop kami ng companion kong missionary para mag-email. As usual, meron na naman akong message na natanggap galing kay Mitch. Pero nabigla ako sa message niya. Tinanong niya kasi ako kung mahal ko pa ba siya. Kinuwento ko 'yung pagtatanong ng kapwa ko missionary tungkol sa kaparehong tanong niya, pero sinabi ko ring hindi ako sigurado doon. At labis akong nasaktan sa reply niya sa akin.

Haha, ayos lang. Pero gusto ko lang malaman mo na mahal kita. Yes, I do! I love you Brix! Pero ayokong baguhin mo 'yung desisyon mo. Siguro, huwag muna tayong mag-email. Magfocus ka na lang muna sa mission mo. Come what may na lang after ng mission mo. Ingat ka! See you in three months!

Ang sakit! Sobrang nasaktan ako nung panahon na 'yun. Bakit ngayon niya lang sinabi? Gustung-gusto kong itanong 'yan sa kanya, pero 'Ok' lang ang reply ko sa message niya. Hindi ko na mapigilang lumuha. Hindi lang ako basta lumuha, humagulhol ako ng iyak, wala nang pakialam sa ibang taong nasa loob ng computer shop. Kasi nung araw din na 'yon, naging sigurado ako sa nararamdaman ko para kay Mitch; mahal ko pa rin siya.

Sa huling tatlong buwan ko sa mission, marami akong matinding problema at pagsubok na hinarap. Naging mahirap ito kasi wala na akong message na natatanggap mula kay Mitch. Namiss ko 'yung mga message niya na kahit simple lang naman, nakakapagpagaan sa pakiramdam ko. At natakot din ako. Natakot ako na baka pag-uwi ko, meron na siyang iba, meron na siyang boyfriend, pero hindi ako.

Pagbaba ko ng eroplanong sinakyan namin, mariin kong ipinikit ang aking mga mata at dinama ang mainit na hangin ng Manila. Sa wakas, nakatapak na rin ulit ako sa pinanggalingan kong lugar. Pero aminado akong mamimiss ko ang probinsya kung saan ako nanirahan sa loob ng dalawang taon.

Masaya akong sinalubong ng Tita, kapatid at pinsan na babae, at Tito ko. Siyempre, masaya akong makita ang pamilya ko. Pero sa totoo lang, isa lang ang taong gustung-gusto kong makita pag-uwi ko. Siya 'yung unang tao na gusto kong makita pagtapak ko ng Manila. Pero ilang Linggo na ang nakalipas simula nang makauwi ako, hindi ko pa rin siya nakikita.

Gusto ko siyang itext, pero wala akong number niya. Gusto ko siyang ichat sa messenger, pero hindi ko alam kung bakit hindi ko ginawa. Siguro kasi hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon niya kapag ginawa ko iyon. Pero, paano ko malalaman kung hindi ko gagawin?

Tatlong linggo ang lumipas simula nang umuwi ako dito sa Manila, magkakaroon ng post valentines party sa Church namin. As usual, meron na namang dance social night. Isang gabing ginagamit para makipagkilala sa ibang mga tao. Pero sa puntong ito, adult age na ang kikilalanin ko, mga 18-30 taong gulang na lalaki't babae ang kabilang, hindi tulad noon.

Sa totoo lang, wala akong balak pumunta, pero pumunta pa rin ako. Ang balita ko kasi, nasa Pasig si Mitch. Doon na kasi siya nag-istay dahil sa work niya. Ano pang ipupunta ko sa party na 'yon kung wala naman ang taong gusto kong kilalanin? Taong gusto kong kilalanin, pero hindi sa text, chat, or call. Gusto kong makilala si Mitch, sa personal.

Mitch & Brix: Walang ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon