Episode 7

11 2 1
                                    

Awkward. Nakakahiya. Paano ba naman, nang pupunta na kami sa gitna para sana magsayaw, wala nang tao. Katatapos lang nung unang kanta. Kami na lang ang natitirang nakatayo para magsayaw. Tumingin-tingin ako sa paligid ko na may hiya sa aking sarili. Nagtawanan kami ni Mitch.

"Aww, ano ba 'yan. Ang bagal mo kasi akong isayaw, eh. Haha."

"Sorry na po."

Pinalo niya ko sa balikat nang mahina. Hinintay na lang naming magplay 'yung sunod na kanta. Nang magsimulang magsitayuan ang iba para magsayaw, hinawakan ako ni Mitch sa pulsuhan ko at hinila sa gitna para magsayaw.

Twelve. Eighteen. Twenty. Twenty years old na kami ngayon, at ito ang third dance namin. Kagaya pa rin ng dati, ipinatong niya ang isang kamay sa balikat ko, at ang isa ay sa kamay ko naman. Ang natitirang kamay ko ay hinawak ko sa beywang niya. Pero hindi na gaya noon na naiilang ako. Mas komportable na ako ngayon. Para ngang yakap ko na siya sa isang kamay ko, eh. Namiss ko kasi talaga siya.

Habang nagsasayaw ay nagkaroon ako ng pagkakataon na matitigan siya. Medyo nahiya ako. Mas lalo na kasi siyang gumanda ngayon. As in, ang ganda-ganda niya na ngayon. Tapos ang sopistikada niya pa tingnan. Iba na siya ngayon. May trabaho na rin kasi siya.

Nahiya na naman ako. Gusto ko siyang ligawan, totoo 'yon. Pero may trabaho na siya, samantalang ako mag-aaral pa lang. Hindi ko kaya, o ayaw kong magworking student. Gusto ko kasi kapag nag-aral ako, focus lang. Pero bahala na, sasabihin ko pa rin sa kanyang liligawan ko siya. Mahal ko, eh. Kung kailangan kong kainin ang pride ko, gagawin ko. Tsaka masama naman talagang magkaroon ng pride, eh. Humble lang. Ganun.

"Kamusta ka naman?"

Ganun na naman ang tanong ko, as usual. 'Yan ang madalas na tanong namin sa mga natuturuan namin nung missionary pa ako. Applicable sa buhay ko ngayon.

"Ayos naman. Stress. Kagagaling ko sa sakit. Medyo may sinat pa nga ako ngayon, eh."

"Ganun talaga. 'Pag stress ka, magkakasakit ka. Pero bakit ka na-stress?"

"Hayy, mahabang kuwento. Pero para paiksiin, broken ako. Niloko. Ginawang rebound. Next time ko na lang kuwento sa 'yo, focus lang tayo sa atin ngayon, okay? Be happy tonight."

Medyo nasaktan ako sa sinabi niya. Masakit kasi may nanloko sa kanya. Pero masakit din kasi parang may mali. Akala ko ba, mahal niya ako? Umasa pa naman ako.

Dalawang kanta pa ay natapos ang unang parte ng social night. Dalawang kanta ang naisayaw namin, sa panghuling kanta kasi ay naupo na kami. Mukhang napagod kasi siya tsaka meron pa kasi siyang binat ngayon.

Nagkainan na kami. Ang saya nga ngayon, eh. Dati, kapag may ganitong okasyon, lugi ako. Marami kasing karne, baboy man o manok. Eh, pareho kong ayaw 'yung mga 'yon bago ako magmission. Pero dahil sa mission, natuto akong kumain ng karne. Pati nga gamu-gamo, natutunan ko ring kumain. Ang sarap pala nung mga pagkaing ayaw ko noon.

Pagkatapos magkainan, merong mga games to get to know each other. Siyempre, 'yung hindi magkarelasyon ang kasali, for the chance to find 'the one' for them. Sayang nga, eh. Sana kasali kami do'n ni Mitch. Kaso hindi.

Meron ding nagperform ng kung anu-ano. Nandiyan 'yung nagrecite ng spoken poetry, tumugtog ng gitara, nagbeatbox, at kumanta ng mga love song. Sobrang astig nung gabing 'to kasi masasabi mo talagang, love is in the air.

Hayy, buhay. Mayamaya ko tinitignan si Mitch. Namimiss ko talaga siya. Napapasimangot ako kapag naaalala ko 'yung kanina. Nalilito ako. Mahal niya pa rin kaya ako?

Nagsimula ulit 'yung social night. Nakaupo lang ako. Wala na akong ganang magsayaw, naisayaw ko naman na si Mitch. Masaya na akong naisayaw ko ngayong gabi ang mahal ko.

Last song. Bigla akong napaisip, gusto ko pala siyang isayaw, isang beses pa. Puwede naman siguro 'yon, dalawang beses siyang isayaw. Nilakasan ko na ang loob ko. Niyaya ko siyang sumayaw, at sa isang iglap, nagsasayaw na kami sa gitna, malapit na naman sa isa't isa.

"Pasensya na, baka napapagod ka na, nakakadalawang sayaw na kasi ako sa 'yo, eh."

"As if may choice ako? Charot lang. Ayos lang 'yon. Ayos nga, eh. Pambawi mo 'to sa 'kin. Ilang social night mo ba naman akong hindi sinayaw. Kainis ka."

"Eh, kasi, nahihiya ako. Kilala mo naman ako, eh. Mahiyain, noon. Ngayon, slight na lang."

"Haha, slight na lang. Talaga ba 'yan?"

"Oo kaya. Kaya nga kaya na kitang yayain ngayon, eh."

"Saan, sa date?"

"Hehe, ewan. Walang pera, eh."

"Biro lang, ito naman. Ang seryoso mo pa rin, alam mo 'yon?"

"Seriously speaking, nahihiya talaga ako kaya hindi kita sinasayaw, lalo na nung nalaman kong may something na kayo ni Loren."

Katahimikan. Maling topic ata ang na-open ko. Pambihirang bibig kong 'to, hindi nag-iisip. Kainis! Binasag niya 'yung katahimikan. Humiwalay muna siya sa akin. Magpicture muna raw kami. Gamit ang front camera ng cellphone niya, nagpicture kaming dalawa. Unang kuha namin pag-uwi ko ng mission.

Tapos na naman 'yung kanta. Bago kami naupo, sabi ni Mitch magpicture raw ulit kami mamaya bago umuwi, para mas maliwanag. Nandito na naman ako, nakaupo, habang nakikinig sa message ng isang leader. Basta, about love 'yung message niya. Habang nakikinig sa kanya, si Mitch talaga ang naiisip ko. I'm disappointed with myself. Hindi ko nasabi sa kanyang liligawan ko siya.

'Yung mga kakilala kong kasabay ko sana pauwi, mga leader sila at meron silang biglaang meeting. Ang ending, mag-isa akong naglalakad papuntang sakayan ng jeep. Malayu-layo rin 'yon. Sa gitna ng paglalakad ay nagring ang phone ko. Si Mitch, tumatawag. Ano kayang kailangan niya, o bakit siya tumatawag?

"Hello!"

"Uy, nasaan ka na? Magpipicture pa tayo."

"Ay, oo nga pala. Nakalimutan ko. Pasensya na, naglalakad na ako papuntang sakayan ng jeep."

Ay ganun? Wait lang..."

Naramdaman kong lumipat siya ng puwesto. Wala na 'yung ingay na naririnig ko kanina.

"Ahm, naalala mo ba 'yung sinabi ko kaninang broken ako? Last time kasi, may nanligaw sa akin. Mahal niya raw ako. Umasa ako. After one week, nagkabalikan sila ng girlfriend niya. Ang galing lang no? Rebound lang pala ako. Kaya 'yon iyak ako ng iyak hanggang sa magkasakit ako. I'm so marupok."

Nalulungkot ako para sa kanya, sa sakit na nararamdaman niya. Pero nalulungkot din ako. Confirmed! Hindi niya na nga ako mahal. Three months are long.

"I'm sorry for you."

Pero hindi na ako magiging mahina. Liligawan ko pa rin siya. I will do everything I can just to win her heart, again. I don't wanna loose her ever again.

"Mitch, liligawan kita."

Mitch & Brix: Walang ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon