Episode 17

14 3 1
                                    

Anim na araw na kaming hindi nagkikita o nag-uusap ni Mitch. Nagdesisyon kasi siyang hindi muna kami mag-uusap sa loob ng isang linggo. At kapag nag-usap ulit kami, doon na siya magdedesisyon kung hahayaan niya ba akong  magpatuloy sa panliligaw sa kanya, o patitigilin niya na ako.

Hindi ako mapakali. Gusto kong bumilis ang oras. Gusto kong magbukas na. Ginawa kong busy ang sarili ko. Nagsulat ako nang marami sa notebook na kulay violet, 'yung notebook na ibibigay ko kay Mitch, sa first monthsary namin. Nakakatawa ako. Hindi pa nga kami, malabong maging kami, pero meron na agad akong hinahandang regalo para sa monthsary namin.

Kung anu-ano lang ang ginawa ko maghapon. Madalas, nakahiga lang ako sa kama, nag-iinternet, social media, o kaya'y nagbabasa ng mga nobela gamit ang phone ko. Sa loob din ng anim na araw na hindi namin pagkikita at pag-uusap, walang araw na hindi ko siya inisip. Walang araw na hindi ako umiyak. 'Yung ideya na mawawala na siya sa akin?

"Ang sakit nu'n, promise! Tagos sa puso. Hindi ko kayang mawala ka sa akin, Mitch!"

I was twelve years old when I first met her. I was twelve years old when I fell in love with her. I was twelve years old when I felt I am a male. I was twelve years old back then when I had the sweetest days of my life. And I was fourteen years old when I left the girl I love the most, just because I felt unworthy for her. I was fourteen when I tried to forget her, to move on. Now, I'm twenty-one. But still, I love her. I don't wanna lose her.

Dumapa ako at sinubsob ang ulo sa kama. Heto na naman, gusto ko na namang umiyak. Puro negatibong bagay na naman ang naiisip ko, nakakainis! Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya naman nabasa na nang tuluyan ang kama.

"Mitch, please naman, huwag mo kong patigilin. Ayoko! Atokong tumigil, please!"

Kinuha ko 'yung phone ko. Tinitigan 'yung wallpaper ko na picture ni Mitch. Miss na miss ko na siya. Gistung-gusto ko na siyang makita at makausap. Pero paano? Ayaw niya pa. Bukas ko pa siya puwedeng makausap. Inip na inip na ako. Sobrang bagal ng oras.

Nawalan ako ng ganang gumawa ng kahit ano. Tinatamad akong kumilos kaya maghapon lang akong nasa kama, paiba-iba ang posisyon dahil sa sobrang inip.

Alas-sais ng gabi nang lumabas ako para kumain sa karinderyang malapit lang sa apartment na tinutuluyan ko. Mag-isa na naman akong kakain. Sanay naman na ako, kaya walang problema. Ang tagal kong nagstay doon. Wala naman akong ibang gagawin. Dakilang tambay lang ako, ang kapal ng mukhang mag-apartment pa, mahirap lang naman kami.

Gusto kong bumilis ang oras. Kailangang may gawin ako. 'Yung gagawin kong 'yon, kailangang mapagod ako para mabilis na makatulog mamaya. At gaya ng madalas kong ginagawa kapag stress ako, pinapagod ko ang sarili ko sa pamamagitan ng paglalakad sa kung saan.

Naglakad ako papuntang palengke at kumain ng street food. Sunod kong pinuntahan ang malayong village na wala naman akong kakilala. Nakakapagod, pero iyon mismo ang nais kong mangyari. Nagpunta ako sa Paraiso, isang kilalang sementeryo dito sa amin. Kung saan-saan pa ako nagpunta bago bumalik sa apartment.

Hinubad ko 'yung damit ko at nagpunas ng katawan. Mahirap talaga kapag pawisan. Kumuha ako ng damit mula sa kabinet at sinuot ito. Maginhawa na rin ako, sa wakas.

***

Alas otso ng umaga nang mapagdesisyunan kong ako na ang unang magtext kay Mitch. Alam kong mahirap, nakakatakot ang posibilidad na mangyari kapag natext ko na siya. Pero miss na miss ko na siya, gusto ko na siyang makausap.

Mitch, kamusta ka na? Grabe, ang tagal nating hindi nakapag-usap. Miss na miss na kita, alam mo ba 'yon? Sana okay ka lang. Sana hindi ka palaging umiiyak, huwag ko kong gayahin, haha.

Sinend ko ang unang message ko sa kanya. Ilang minuto akong naghintay ng reply niya, pero wala akong natanggap kaya naman nakapagpasya akong itext ulit siya.

Alam kong nahihirapan ka na. Kaya sige, kahit gaano pa kasakit at kahirap, kung patitigilin mo na ako, tatanggapin ko. Basta huwag mong kalilimutan na meron isang Brix na nagmamahal sa 'yo ng totoo. Kahit na malaki ang pagdududa mo sa kanya, totoong mahal na mahal ka niya. I love you, and I mean it.

Sinend ko ulit. Parang gusto ko na namang umiyak. Nakakainis! Akala ko puwede kong itago kahit sa text lang 'yung sakit na nararamdaman ko. Kaso, hindi ko pala kaya. I feel the need to tell her what I really am feeling.

Hon, hayaan mo kong tawagin ka sa endearment natin na 'yan sa huling pagkakataon. Ang sakit-sakit lang, hon. Akala ko kasi magkakaroon pa ng pag-asa sa ating dalawa. Kaso mukhang wala na, pinipigilan mo kasi ang sarili mo. Pero ayos lang. Kapag tumigil na ako, wala nang mangungulit sa 'yo. Wala nang mamimilit sa 'yo na sunduin ka sa work mo kahit abutin pa ng madaling-araw. Wala ka nang kailangang ilibre ng pamasahe at pagkain. Wala ka nang poproblemahin at di mo na iisipin kung masasaktan ako o hindi. Wala nang mangungulit na maghugas ng pinggan o magbantay ng tindahan sa inyo. Hindi na mapapagod 'yung mata mo kakabasa sa marami at mahahaba kong messages sa umaga pagkagising, hapon habang hinihintay ang break mo at gabi habang nag-aabang ng out mo sa work. Wala ka nang kailangang ipagtanggol mula sa mga magulang mo, na mahal mo kahit hindi pa college graduate. Please lang, huwag mong kalimutang mahal na mahal na mahal kita! I will miss you so much!

Umiiyak na ako, pero merong pagpipigil. Ewan ko ba, ang weirdo ko talaga. Wala naman akong kasama sa apartment, pero heto pa rin ako, nagpipigil. Sa pagitan ng paghikbi ko ay tumunog ang phone ko. Sa wakas, nakatanggap ako ng message mula kay Mitch.

Brix, huwag mo kong iwan. Please, stay with me. Totoong nahibirapan ako kung ipagpapatuloy mo ang panliligaw mo sa akin. Pero mas mahirap pala kung mawawala ka. Ilang beses ko nang pinipigilan at niloloko ang sarili ko. Sinasabi kong hindi kita mahal, pero hindi ko na kayang magsinungaling sa 'yo. Brix, I love you so much. Yes, I do. Huwag mo kong iiwan.

Lalo akong humikbi dahil sa text message niya. Pero sa mga oras na ito, hindi dahil sa kalungkutan, kundi dahil sa kaligayahan.

Mitch & Brix: Walang ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon