Episode 21

6 1 1
                                    

Habang naglalakad patungong sakayan hanggang sa makasakay na kami ng jeep, hindi ako iniimik ni Mitch. Galit na galit nga siya. Ayaw niya na akong makausap! Magkatabi nga kami, pero hindi niya naman ako pinapansin at ang layo pa ng distansya namin kumpara sa karaniwan. Umusog ako para mas maging malapit sa kanya, pero umuusog lang siya. Ginawa ko 'yon ng paulit-ulit hanggang sa nasa dulo na kami.

"Hon."

Tawag ko sa kanya, nakailang ulit. Pero hindi ako pinapansin. Parang wala siyang naririnig.

"Hon naman!"

Nag-tsk siya tapos tumingin sa akin. Halatang galit na siya, at nadudurog ang puso ko kasi parang... parang iiyak siya. Umirap siya tapos inalis na ulit ang tingin sa akin. Ayaw niyang tingnan o kausapin manlang ako.

Sinubukan kong hawakan 'yung kamay niya, pero inalis niya lang din. Napatingin ako sa iba pang pasahero na lulan ng jeep at bahagya akong nahiya dahil alam kong iniisip nilang masama akong boyfriend dahil inaaway ko ang girlfriend ko. Pero mas mahirap isipin na 'yung babaeng mahal na mahal ko, 'yung babaeng lahat ng kaya ko gagawin ko, 'yung babaeng kaya kong ligawan kahit hindi ko alam kung paano, 'yung babaeng kaya kong isakripisyo ang pras at tulog ko at 'yung babaeng kaya kong hintayin gaano man itp katagal, ay hindi niya gustong kausapin o kahit hawakan lang ako!

"Huwag kang iiyak! Lagot ka talaga sa akin kapag umiyak ka."

Hindi na ako sumagot. Kapag nagsalita pa ako baka umiyak na ako, eh huwag daw umiyak.

Naglalakad na kami papuntang bahay nila Mitch. Nang una, wala pa ring pansinan. Galit na galit siguro siya sa akin. Ewan ko ba kung ano ba talagang nararamdaman niya. Mukha kasi siyang galit sa akin. Pero kanina sa jeep, nang tingnan ko siya sa mga mata, ang lungkot niya at para bang iiyak na siya. Hindi na ako makatiis kaya tinawag ko siya sa kanyang pangalan.

"I'm sorry."

Nagpatuloy lang siya sa paglalakad, hindi pa rin ako pinapansin. Wala na ata siyang balak na kausapin ako nang huminto siya sa paglalakad at hinarap ako, para bang gusto nang tumulo ng mga luha mula sa kanyang mga mata nang titigan ko siya.

"Bakit mo ginawa 'yon? Bakit ka naghintay ng ganu'n katagal?!"

Nagpatuloy siya sa paglalakad. Sinundan ko lang siya. Gustung-gusto ko nang umiyak dahil sa inaakto niya, pero hindi ko magawa. I don't wanna disappoint her by crying knowing that she doesn't want me to cry. Galit na nga siya, ayokong mas lalo pa siyang galitin.

"Wala namang problema sa akin kung naghintay ako nang matagal."

"Pero ang tagal mong naghintay, Brix."

Huminto siya nang malapit na kami sa bahay nila at hinarap ako.

"Hindi ka papasok ngayon."

"Hon naman."

Nangingilid na ang mga mata ko. Galit nga talaga siya. Ito ang unang beses na hindi niya ako hinayaang makapasok sa loob ng bahay nila.

"Subukan mong umiyak, humanda ka talaga sa akin. Bye na."

Paalis na siya patungong bahay nila pero nahawakan ko siya sa braso  at inilapit sa akin, naglapat ang aming mga labi.

"H-happy second m-monthsary."

Binuksan ko ang zipper ng sling bag na dala ko at kinuha ang picture frame na may litrato namin na kuha habang nasa biyahe kami isang araw. Kasama nito ang isang love letter. Bakas sa mukha niya ang kalungkutan at alam kong gusto niya nang umiyak, pinipigilan niya lamabg ito. Pero nang makapasok na siya sa kanilang bahay, di na napigilan ng mga luha ko ang pagtulo. Hindi lang ako basta umiiyak, humihikbi ako. Ang dibdib ko, nahihirapan akong himinga. Natatakot sa kung anong puwedeng mangyari.

***

Nagkita kami sa isang park na malapit lamang sa bahay nila. Nakaupo kami sa isang bench, hindi imiimik ang kahit na sino sa amin. Tila ba naging walang saysay ang pagkikita namin dahil wala namang gustong magsalita. At dahil lalaki ako, naisip kong siguro ay ako ang dapat na manguna.

"Hon."

Tumingin siya sa akin, ang lungkot ng mga mata niya. Nanghina ang puso ko, hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin kung alam kong nalulungkot at nasasaktan siya kaya nag-iwas ako ng tingin sa kanya.

"Brix."

Ang sakit, tinawag niya na naman ako sa pangalan ko, na maaring hudyat na hindi pa rin ayos ang lahat sa amin. Hindi ako tumingin sa kanya kasi natatakot ako kung ano ang puwede niyang sabihin.

"Hindi naman ako galit sa 'yo. Galit ako sa sarili ko. Pinaghintay kasi kita nang matagal. Habang ikaw na naghihintay sa akin kasi monthsary natin, tapos may hinanda ka pa para ibigay sa akin."

Tumawa siya nang mapakla. Hindi ko alam kung paano sasagot, pero tumingin na ako sa kanya.

"Anong ginagawa ng girlfriend mo? Ayun, kasama 'yung kaibigan niyang ayaw sa 'yo at alam kong hindi mo rin ganu'n kagusto. Kasama niya itong kumain, at sa totoo lang, nanood pa ng sine."

Inaasahan ko nang nanood nga sila ng sine. Hindi ako tanga para hindi malaman iyon dahil napakatagal niya bago makarating sa kinaroonan ko nang gabing iyon. Hindi masakit ang maghintay. Sa loob-loob ko, gusto ko nang umiyak.

"Hindi naman masakit na naghintay ako. Alam mo kung anong masakit? 'Yung araw ng monthsary natin tapos mas pinili mong sumama sa taong alam mong ayaw ako! 'Yung araw na mahalaga sa akin, sa atin, ninakaw niya. Kaya ngayon, nasasaktan ako."

Kinagat niya ang labi niya, nagpipigil ng luha. Hindi ko alam kung paano ko pa nakakayang tingnan siya. Kasi alam kong nasasaktan din siya.

"I'm really sorry for being so insensitive. I'm so sorry for hurting you. I'm so sorry for choosing her over you."

Kaunting luha ang tumulo mula sa mga mata niya na agad niya namang pinunasan. Ang sakit-sakit! Ayoko nang ganito, pero heto na, nangyayari na. Nasasaktan ko na siya!

"Mahal kita Mitch. Pinatawad na kita hindi ka pa nagsosorry."

Huminga siya nang malalim bago tumingin sa akin. Ilang beses niyang binalak ibuka 'yung bibig niya, pero hindi niya magawa. Ngunit nang magawa niyang sabihin ang kanina pa nais sabihin, nadurog nang husto ang puso kong walang ibang ginawa kundi mahalin siya.

"Masasaktan lang kita kapag pinagpatuloy natin 'to. Itigil na natin 'to, Brix."

Mitch & Brix: Walang ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon