Episode 3

24 2 1
                                    

Ang saklap lang na naghahanda ako para sa debut ni Mitch, pero ang lungkot-lungkot ko naman. Mas matindi pa ata ito sa lungkot, kasi nasasaktan ako!

Bakit ganun? Hindi ba talaga ako kamahal-mahal? Hindi ba talaga ako kagustu-gusto na kahit panakip-butas lang, ayaw niya pa? Sinabi ko naman sa kanyang gawin niya kong panakip-butas pero kapag ayos na sila nung talagang mahal niya, hahayaan ko naman siyang umalis para balikan 'yung mahal niya. Gusto ko lang talagang maranasan na nandiyan siya sa tabi ko kahit sandali lang. Tsaka kung papayag siyang maging panakip-butas ako, may chance na baka mahalin niya ulit ako. Kung hindi naman, siyempre masakit pero kailangan kong tanggapin.

Ang sakit lang kasi kahit panakip-butas lang, ayaw niya! Sabi niya, maging magkibigan na lang kami. Um-oo na lang ako, kahit sa tingin ko hindi ko ata siya kayang maging kaibigan lang. Mas gugustuhin ko pang maging panakip-butas kaysa manatiling kaibigan niya.

Nagsuot lang ako ng itim na pantalon na tinernohan ng puting T-shirt. Ganun lang talaga, kasi ganun naman talaga ako kasimpleng tao, eh. Walang taste, hindi marunong pumorma, at torpe. Kaya nga nagkaroon ng ibang mahal ang mahal ko, eh. Ang bagal ko kasi. Ang hina ko kasi. Parang hindi lalaki. Bakit ba kasi kailangan maging ako pa ako? Sana hindi na lang ako ito. Sana, ibang tao na lang ako!

Tumingin ako sa salamin. Sobrang simple ko ata para sa isang debut. Nagdesisyon akong patungan ang puting T-shirt ng sweater na ang kulay ay pinaghalong pink and white. Naglagay din ako ng wax sa buhok ko para may style ito.

Nang maging handa na ako, naupo ako sa kama ko, nakatapat sa electric fan para magpalamig. Nakakainis kasi sobrang pawisin talaga ako, 'yun ang totoo. Konteng kilos, pawis. Gusto ko sana fresh ako pagdating sa venue. Siyempre, debut 'yun ng first love ko na hanggang ngayon ay love ko pa rin.

Pabalik-balik ang tingin ko sa wristwatch ko. Isang oras pa bago magsimula ang debut party niya. Nagstay pa akong nakaupo sa kama ng kalahating oras bago tuluyang maglakad papunta sa venue. Kinakabahan ako, sa totoo lang. Excited akong makita siya at makasayaw ulit, pero natatakot ako. Lalo na hindi ganun kaganda ang huling pagkikita namin. Hindi na issue sa 'kin ang pagiging mahina ko. Nahihiya lang akong humarap sa kanya dahil sa alam niyang mahal ko pa rin siya, at alam kong may iba na siyang mahal.

Narating ko ang isang air conditioned covered court kung saan gaganapin ang debut ni Mitch. Pagpasok ko sa loob ay marami-rami na rin ang tao. Maraming round table and chair na pinatungan ng puting tela para mas magmukhang sosyal. Sa ibabaw ng mga mesa ay may mga pares ng plato, kutsara, tinidor, kutsilyo, at baso na nakaayos sa disenteng paraan. Sa gitna ay may flower vase para mas magmukhang magara. Meron ding stage kung saan merong parihabang mesa at dalawang upuan. Siguro doon uupo ang debutant at escort niya. Ang sakit lang! Hindi ako ang escort niya sa debut niya.

Ilang minuto lang ay nagsimula na ang program. Dumating sa puntong ipinakilala na ng host na lalaki ang debutant, umakyat si Mitch sa stage kasama ang escort niya, ang best friend niyang lalaki. Naupo sila sa upuan kung nasaan ang parihabang mesa. Ang masasabi ko, ang ganda ni Mitch. Actually, ang simple niya lang. Nakasuot siya ng mini dress na kulay asul. Sa loob nito ay itim na T-Shirt. Nakalugay ang kinulot niyang buhok at meron ding konteng make-up na nilagay sa kanyang mukha. Hindi ko sigurado kung may lipstick din siya sa mga labi niya. Mukha kasi siyng may lipstick kahit wala naman. Pero 'yung pagiging simple niya, 'yun ang nagpaganda sa kanya.

Habang dumadaloy ang programa, hinanap ng mga mata ko si Loren, ang lalaking mahal ng mahal ko. Pero bigo akong makita ito. Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako kasi wala dito ang lalaking ipinalit sa akin ng mahal ko, o magiging malungkot dahil wala sa debut ng mahal ko ang mahal niya. Ang lupit ng pag-ibig, no?

Ito ang unang pagkakataon na makita ko ang mama at papa ni Mitch. Siyempre, nandito rin ang mga kapatid niya pero matagal ko na silang kilala. Nakakalungkot kasi kahit nandito ako, alam kong sa totoo lang, hindi naman ako 100% welcome dito. O at least, hindi ako 100% welcome sa puso ni Mitch!

Nakatayo ako sa gilid ng stage, pinapanood si Mitch habang kasayaw ang lalaking kabilang sa 18 roses. Ako na ang sunod na magsasayaw sa kanya. I am his 13th rose. 13 kasi ang number namin ni Mitch noon. Pang-13 kasi ang M sa english alphabet. Kapag pinagdikit mo naman ang 1 at 3, magiging B ito. Initials namin ni Mitch. Ang cute nga, eh. Kaso ngayon, mukhang wala na 'yon.

Natapos na siyang isayaw ng 12th rose. Oras na para sa 13th rose niya, at ako 'yon. Nakangiti at dahan-dahan akong lumapit sa kinatatayuan niya. Nakangiti rin siya sa akin. Bumilis ang tibok ng puso ko, as usual. Nangangatog na ako sa kaba. Pinagpapawisan na rin ang mga palad ko. Ang tanda ko na, pero ganito pa rin ako. Ang bagal talaga ng improvement sa akin.

Six years ago, unang beses ko siyang nakasayaw. After six years, makakasayaw ko siya ulit. Marahan niyang ipinatong sa kaliwang kamay ko ang isa niyang kamay, habang ang kabila ay ipinatong niya sa balikat ko. Hinawak ko naman ang kanang kamay ko sa beywang niya. Nagsimula kaming gumalaw, sinasabayan ang daloy ng musika. Sa parehong posisyon, sa ikalawang pagkakataon, naisayaw ko ang taong mahal ko.

"Kamusta ka naman?"

"Ayos lang. Ang tagal nating hindi nagkita."

Halata sa mukha niya ang lungkot nang sabihin niya 'yon. Totoo naman kasi na ang tagal na naming hindi nagkita. Namiss ko talaga siya.

"Namiss kita Mitch!"

Ngumiti lang siya, walang 'I miss you too'. Haha, asa pa ako. One sided love na nga ako, mukhang one sided miss pa ako. Ako na ang nasasaktan!

Mitch & Brix: Walang ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon