Episode 16

9 3 1
                                    

Mahal na mahal ko talaga ang babaeng iyon. At ang sakit lang isipin na hanggang ngayon, nahihirapan siyang pagkatiwalaan ako. Nagkaroon kami ng kaunting tampuhan kagabi habang nag-uusap sa messenger. Basta, tungkol sa tiwala 'yung pinag-uusapan namin. Nakakainis lang kasi ilang beses ko nang sinabi sa kanyang ayos lang kung hindi niya pa maibigay sa akin ang buo niyang tiwala. Mahal ko siya, at handa akong maghintay kung kailan siya magiging handa. Hindi naman ako nagmamadali.

Kahit anong paliwanag ang gawin ko, minamaliit niya pa rin ang sarili niya. She feels worthless, at naiinis ako. She's not. She means everything to me. She's my future. I want her to be my girlfriend and grow with her. I want to hold her hands. I want to hug her tight. I want to kiss her. I want to marry her and make her my wife, my queen. I want our love to have fruits, she will be the beautiful mother of my children. I want to love her, forever.

Nagkaiyakan kami kagabi. Pero nagkaayos naman kami agad. At ngayon nga, pinapapunta niya ako sa kanila. She misses me so much, and I do likewise.

Nang makarating sa kanila ay nagkuwentuhan lang naman kami. Kung anu-ano lang ang napag-usapan namin. Nakaupo lang kami sa sahig sa may sala nila. Ang suwerte ko talaga kapag nakatuluyan ko 'tong babaeng 'to. Napakaganda niya, pero napakasimple. Walang kaarte-arte sa katawan.

Sa kalagitnaan ng pag-uusap ay nagkatitigan kami. Nakatingin siya nang diretso sa mga mata ko, habang ako ay nakikita ang lungkot sa kanyang mga mata. Bumilis ang tibok ng puso ko nang inilapit niya ang sarili sa akin. Ang lapit ng mukha niya sa akin. Alam ko namang hindi niya ako hahalikan ngayon, pero minsan gusto ko pa ring umasa.

Ginawa niya ang higit sa inaasahan ko. Hinaplos ng isa niyang kamay ang ibaba ng mata ko.

"Ang hon ko, umiyak kagabi. Kawawa naman. Ayokong umiiyak ka. Nalulungkot ako."

"Ayoko ring umiiyak ka hon. Nasasaktan ako. Sikapin nating dalawang huwag nang umiyak, ok?"

Tumango siya. Hinawakan ko ang kamay niya at nilayo ito nang bahagya sa aking mukha bago ko dahan-dahang nilapat ang mga labi ko dito. Isang napakasayang pakiramdam ang naranasan ko nang gawin ko ito. Nilagay ko sa mukha ko ang kamay niya at nanatiling hawak nito. Ngumiti siya. Ipinikit ko ang aking mga mata para damhin ang mga kamay ni Mitch. Napakasarap sa pakiramdam na maramdaman ang presensya ng taong mahal mo.

Hindi ko pa siya girlfriend. Isa pa lamang akong hamak na manliligaw. Pero naiisip ko na ang hinaharap ko kasama soya bilang aking asawa. I see the end from the beginning.

***

Nandito kami sa apartment niya. Kahahatid ko lang sa kanya. Ang labo-labo lang, kainis! Mabuti na lang, wala 'yung ibang mga kasamahan niya. Kung nandiyan kasi sila, alam kong mas magiging malabo ang lahat.

Minsan, sobrang seeet niya. Akala ko, mahal niya na rin ako. Umasa ako, eh. Ang sakit lang kasi pakiramdam ko, binigyan niya ko ng chance. Pero sa chance na 'yon, wala naman talagang chance.

"Hon. Meron bang problema?"

Hindi siya nagsalita. Nalilito na ako. Nababalisa. Gustong umiyak. Kung merong problema, bakit hindi niya na lang sabihin sa akin?

"Brix."

Brix? Hindi niya ako tinawag sa endearment namin. Meron ngang problema. Naiiyak ako, kasi natatakot ako.

"Natatakot ako, Brix."

Hindi ako nagsalita. Pareho lang naman kaming natatakot, pero bakit siya parang sumusuko na agad? Nakakainis naman, eh. Ano ba talaga ako sa kanya? Ang sakit sa puso.

"Hon, meron bang problema?"

"Alam mo Brix, ang hirap, eh. Meron akong gustong sabihin sa 'yo."

Hindi niya na naman ako tinawag sa endearment namin. Mukhang may problema nga. Ayos naman kami, ah? Ano bang problema? Wala kasi akong maisip na maaaring problema sa 'ming dalawa.

"Sabihin mo, Mitch."

Ako na lang kasi ang tumatawag sa endearment namin. Mukhang ayaw naman na niya. 'Yung puso ko, napakabilis ng tibok. Nakakatakot kasi pakiramdam ko hindi ko magugustuhan ang sasabihin niya. Sana, nagkakamali ako. Sana, hindi niya sabihin sa akin 'yung naiisip kong sasabihin niya. Ayoko!

"Brix, please lang. Tigilan na natin 'to. Mukhang masasaktan lang kita."

Mga salitang ayokong marinig mula sa kanya. Napakasakit. Ang hirap tanggapin. Hindi katanggap-tanggap. Ang sarap magmura kahit hindi naman ako nagmumura. Ang sarap sumigaw, kahit alam kong di ko 'yon magagawa. Bakit siya nag-iba? Bakit ipinaramdam niya sa aking gusto niya ako, pero ngayon, gusto niya nang tapusin ang lahat sa amin?

"Mitch, ano bang nagawa kong mali? Bakit kailangang tigilan natin? Eh ano kung masaktan ako? Wala naman akong pakialam kung masaktan ako. At isa pa, lahat naman ng nagmamahal, nasasaktan."

"Pasensya na, kailangan na nating tapusin 'to. It won't work."

"Pero bakit? Sabihin mo naman sa akin 'yung dahilan."

"Tinanong ako ni mama kung mahal kita. Ang sabi ko, hindi. Pero alam mo, kahit 'yun 'yung sagot ko, meron akong nararamdaman na kakaiba. Na para bang, na para bang..."

"Na para bang ano?"

Yumuko siya, para bang pinipigilan ang kung anomang lumabas mula sa kanyang mga mata. Tumingin siya sa aming mga mata bago sinserong nagsalita.

"Kapag wala ka, namimiss kita. Lagi kitang hinahanap-hanap. Palagi kitang naiisip. Gusto ko palaging nandiyan ka sa tabi ko. Gusto ko palagi mo kong ihatid sundo sa trabaho ko. At ayoko ng feeling na 'yon."

At siya'y tuluyang umiyak.

"Ayoko ng ganu'ng feeling. Ayoko ng feeling na, para bang, mahal na kita!"

Tumulo ang mga butil ng luha mula sa aking mga mata. Hindi ako sigurado kung ito ba ay luha ng kaligayahan dahil nalaman kong posibleng mahal niya na ako, o luha ng kalungkutan dahil hindi niya gusto ang katotohanang mahal niya na ako. Masaya, pero mas nangingibabaw ang kalungkutan.

"Mitch naman!"

"Itigil na lang natin 'to. Tama na ang panliligaw. Huwag na nating paabutin ang panliligaw mo ng dalawang buwan. Masyado nang matagal 'yon para magsayang ng oras. Tama na, Brix."

Tumayo ako at tumingin sa kung saan. Nakakainis lang. Ang sakit kasi! Hindi ko na alam kung ano'ng dapat kong gawin. Haist. Tumingin ulit ako sa kanya.

"Mitch naman! Ngayon pa ba tayo titigil? Ayos naman ang lahat sa atin, eh! Wala akong pakialam kung wala ka pang tiwala sa akin. Huwag mo lang akong patigilin!"

"Kung ikaw walang pake, puwes ako, meron! Natatakot akong baka masaktan lang kita!"

"Saktan mo ako, wala akong pake! Ang mahalaga, nandiyan ka! Kasi alam mo Mitch, ayoko nang wala ka!"

Mitch & Brix: Walang ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon