Episode 14

9 3 1
                                    

Hindi kami, pero feeling ko, kami. Pero feeling ko lang 'yon, kasi siya, hindi naman 'yun 'yung feeling niya. Hay buhay. Napakaganda. Napakasarap. Pero, napakasakit din.

Tatlong linggo ko nang hinahatid si Mitch sa trabaho niya tuwing Linggo. Ang sarap lang sa pakiramdam na kahit sa ganu'ng paraan lang, ay nakakasama ko na siya. Ang sarap sa pakiramdam, sa totoo lang. Kahit wala kaming pormal na date, parang date na rin 'yung ginagawa namin. Hindi naman kasi tungkol lang sa pagkain sa magandang restaurant ang date. Para sa akin kasi, pagdating sa date, ang makasa mo yung taong gusto mong kilalanin ang pinakamahalaga. Masaya akong nagagawa namin 'yon ni Mitch.

Biyernes ngayon. Nakatanggap ako ng text galing kay Mitch na sunduin ko raw siya mamaya mula sa trabaho niya sa Pasig. Pumayag ako kahit sa totoo lang, kinakabahan ako. Bibiyahe ako mula San Mateo hanggang sa Pasig, kaya ko ba? Oo, tatlong beses ko na siyang naihatid doon. Pero kasama ko si Mitch. Kaya ko bangpumunta doon nang mag-isa? Kakayanin, para sa babaeng mahal ko.

Nang sumapit ang alas singko ng hapon, naghanda na ako ng aking sarili. Naligo ng halos kalahating oras, bihira sa isang lalaki. Mas mabilis pang maligo sa akin si Mitch. Nakatapis ang asul na tuwalya sa ibabang bahagi ng katawan ko ay naghanap ako sa cabinet ng maisusuot. Isa-isa kong isinuot ang aking undergarments, brown pants, at  blue polo shirt. Naglagay ako ng hair wax para ayusing ang style ng buhok ko. Kailangan guwapo ako kapag nakita niya ako mamaya.

7pm na nang matapos ako maghanda ng aking sarili. Isa't kalahating oras lang naman daw ang biyahe mula dito hanggang sa Pasig, pero 7:15 pa lang ay nagsimula na akong bumiyahe kahit 10pm pa ang out niya sa trabaho. Sobrang advance ko ba? Ayoko kasing paghintayin siya. At isa pa, natatakot akong baka maligaw ako.

Nakasakay na ako ng jeep papuntang Marikina. Nanginginig ang kamay kong kinuha ang phone ko na nasa aking bulsa. Nagchat ako kay Mitch at sinabing on the way na ako. Nag-ok lang siya. Kinakabahan na talaga ako. Tumingin ako sa mga kapwa ko pasahero. Ang weird ng tingin nila sa akin. Hehe, para akong batang ngayon lang bumiyaheng mag-isa. Nasa isip ko, merong malaking "peace sign" para humingi ng paumanhin sa kanila. Kaso napaisip ako. Bakit ako hihingi ng paumanhin sa kanila? Wala naman akong ginagawang masama. Bahala na nga.

Mayamaya ako kung tumingin sa kalsada. Natatakot kasi ako na baka malampasan ko 'yung bababaan ko. Mahirap na, ayokong maligaw. Hindi ako sanay bumiyaheng mag-isa. Natuto akong bumiyahe noong nasa mission pa ako. Apat hanggang pitong oras na biyahe pa nga, eh. Pero kasi, isang bus lang, tuluy-tuloy na hindi tulad dito na cutting trip. Probinsiya kasi doon, hindi siyudad.

Nakahinga ako nang maluwag kasi nakababa na ako sa terminal ng jeep. Nakarating ako sa Marikina ng buhay, at mag-isa lang akong bumiyahe! Unang beses ito, ang saya sa pakiramdam. Ngayon naman, ang poproblemahin ko ay ang papuntang Pasig. Sa kaparehong terminal din lang naman ang sakayan papuntang Pasig. Kaso ang pagbaba ang inaalala ko.

Mabuti na lang at hindi puno sa jeep kaya naman nakasakay agad ako. Naghintay lang na mapuno ang jeep bago ito umandar. Nagsimula na naman akong kabahan. Nakakainis, ang tanda ko na, pero pagbiyahe lang, kinakabahan pa ako. Bigla kong narealize, nakakahiya kasi ganito ako pero nanliligaw na ako. Pero ayokong panghinaan ng loob nang dahil lang dito. Sasagutin pa ako ni Mitch.

Kahit kakaandar lang ng jeep, mayamaya na ko tumingin sa daan. Alam ko namang malayo pa, pero ginagawa ko 'to dala ng niyerbos. Ang landmark lang naman ng babaan ko ay 'yung mahabang school, malapit na 'yon sa 7 eleven kung saan ako maghihintay ng jeep papuntang company na pinapasukan ni Mitch.

Agad akong pumara nang makita ang mahabang school na ang kulay ng pintura ay asul.

"Pambihira. Ang layo pa pala ng 7 eleven dito. Nagpara kasi agad ako, mamaya na dapat, eh. Pero ayos na 'to, para hindi na rin ako lumagpas sa bababaan."

Noon kasing teenager pa ako, madalas akong lumalagpas sa bababaan ko sa tuwing sumasakay ako ng jeep. Meron ding time na pinababa ako ng driver ng jeep kasi mali pala 'yung nasakyan ko. Hiyang-hiya talaga ako. Kaya nga hanggang ngayon, wala pa rin akong kumpiyansa sa sarili na bumiyaheng mag-isa. Mabuti pa noong nasa mission pa ako, sisiw lang bumiyahe. At isa pa, air conditioned na bus naman 'yung madalas naming sakyan doon. May kundoktor na kukuha ng bayad ng pasahero, hindi tulad sa jeep na kapag malayo ka sa driver, kailangan mong ipaabot sa kapwa mo pasahero 'yung bayad. Isa pa 'yon sa ayaw ko, nahihiya talaga ako.

Sa mabalis na pangyayari, nandito na ako sa company na pinapasukan niya. Quarter to nine na. Nakatayo lang ako sa harap ng gusaling may anim na palapag, naghihintay sa babaeng mahal ko.

Umabot na ng 9:30pm, medyo naiinip na ako at nangangalay na rin kahihintay. Pero ayos lang naman, kayang-kaya. Mayamaya, nagring ang phone ko na nasa bulsa ng pants ko kaya naman kinuha ko ito. Merong unknown number na tumatawag. Madalas, pinapatayan ko kapag unknown number, natatakot kasi ako na baka masamang tao lang 'yon. At iyon nga ang ginawa ko. Kaso ang kulit, tawag pa rin nang tawag. Sa pangatlong subok niyang tumawag ay sinagot ko na lang, at hindi ako nagsisisi sa ginawa ko.

Si Mitch lang pala, nakitawag lang. Himingi siya ng pasensya. Napaaga raw ang uwi niya kasi may activity sa company ng 8pm at nasa kanila kung pupunta sila dito o uuwi na lang, at pinili niya ang huli.

Kasama niya sa apartment si ate Carms. 'Yon 'yung kinukuwento niya sa akin na medyo maypagkatibo kaya iniiwasan niya rin. Kaso kung iniiwasan niya, bakit niya kasama ngayon? Hindi maipinta ang mukha ko. Nakakainis.

Gusto ko nang umuwi, pero mayamaya na raw sabi ni ate Carms. Kainis. Hindi niya ba iniisip si Mitch? Pambihira. Pero siyempre, kailangan kong makisama. Kung anu-ano lang ang oinagkuwentuhan namin, at may pagkamayabang siya. Pero konte lang naman.

Bitbit ko ang mga gamit ni Mitch habang naglalakad papuntang sakayan ng jeep. Nasa likod nila ako. Tapos itong si Mitch, pinunasan ng pawis si ate Carms gamit ang tissue. Mabuti pa dito, nagagawa niya ang ganu'ng bagay. Pero sa akin, never.

Hindi naman kami, pero nagseselos ako. At nagseselos ako, hindi sa isang lalaki, kundi sa isang babae. Isa sa mga kaibigan niya.

Mitch & Brix: Walang ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon