Episode 18

5 2 0
                                    

Natapos na rin sa wakas ang kalungkutan dito sa aking puso. Ang hirap pala talagang magmahal, pero lahat ng hirap, sakit, at luha ay nababalewala kapag nagtagumpay ka sa pag-ibig. Napakasarap sa pakiramdam na sa wakas, mahal na rin ako ng babaeng mahal na mahal ko.

Sayang, hindi ko siya nakasamang magsimba ngayong araw ng Linggo. Tinanghali kasi siya ng gising. Sana sa susunod na Linggo, magising na siya nang maaga para naman makasama ko na siya ulit magsimba. Bihira lang kasing mangyari 'yon.

Pumunta ako sa Plaza, meron lang kinailangang bilhin. Matapos bumili, nakatanggap ako ng text message galing kay Mitch. Sinabi niya sa akin na hindi muna raw ako pupunta sa kanila ngayong araw. Ihahatid ko naman daw kasi siya bukas sa Pasig. Napasimangot ako. Inaasahan ko kasing magkikita kami ngayon. Miss na miss ko na siya.

Nagtext lang ako ng 'Ok' sa kanya. Sa halip na sumakay ng jeep, naglakad na lang ako. Nang magtext siya at nagtanong kung nasaan ako, sinabi kong nakalampas na ko ng dalawang barangay mula sa Plaza na naglalakad lang. Nainis siya kasi naglakad lang ako. Tinanong niya kung gusto ko raw bang pumunta sa kanila ngayon. Um-oo ako, siyempre. Kaya nang may dumaan na tricycle, sumakay na ako kasi nag-alok ang driver nito ng murang bayad para sa pamasahe.

Ilang minuto lang ay nakarating na rin ako sa bahay nila. Nandoon si May at ang mama niya. Nagkuwentuhan lang kami. Minsan, hahawakan ko ang kamay niya, tapos tititigan siya sabay ngiti. Ngingiti rin siya sabay iwas ng tingin. Babawiin niya rin agad ang kamay niya. Nahihiya ako kasi hindi pa naman kami, pero hinahawakan ko na ang kamay niya.

"Hay naku! Nakakainis na talaga 'yang Jackie na 'yan! Sabihin ba namang pinagsamantalahan natin 'yung asawa niya. Tayo pa talaga, eh, tayo na nga 'tong tumutulong sa kanila."

Galit na ang mama ni Mitch. Paano itong si Jackie na pinsan niya, sinabi ba namang pinagtrabaho ng mama niya tapos hindi babayaran. Paanong babayaran kung hindi naman tinapos 'yung trabaho. Isang oras lang na trabaho, tapos wala na, iniwan na. Mag-iisang linggo na, hindi pa rin bumabalik para ipagpatuloy ang paggawa ng comfort room nila Mitch. Kaya binawi niya 'yung pera. Ngayon, itong Jackie naman, nagtatatalak dahil sa pagbawi ng pera.

Kinagabihan, nagkagulo na talaga. Napuno na si May. Oagod na pagod siya sa pag-aalaga sa pinsan niya na anak ni Jackie, tapos ang huli pa ang galit. May mga sinabi siya kay Jackie na hindi kaaya-aya sa pandinig, at narinig iyon ng kapatid ni Jackie kaya sumugod ito sa bahay. Muntik na ngang manakit. Ganu'n talaga yung mga 'yon, sabi ni Mitch. Dapat nga raw pinapakulong na 'yon, lalo na 'yung asawa ni Jackie.

Nagkasigawan at nagkabatuhan na ng masasakit na salita sa isa't isa. Ang gulu-gulo na talaga. Ang ingay. Matapos ang ilang minutong bangayan, natahimik din. Lumabas muna ang mama ni Mitch, samantalang naligo si May. Pumasok ng kuwarto si Mitch kaya sinundan ko. Nakatagilid siyang nakahiga hanggang sa narinig kong umiiyak na pala siya. Nag-aalangan man, niyakap ko pa rin siya mula sa likod. Iyon ang unang pagkakataon na nayakap ko ang babaeng mahal na mahal ko. Bitter and sweet. Sa wakas ay nayakap ko ang babaeng mahal na mahal ko, pero nayakap ko siya sa pagkakataong lungkot na lungkot siya.

Sa kabilang banda, naisip ko, hindi rin naman pala talaga ganu'n kasama na sa ganitong sitwasyon ko siya nayakap sa kauna-unahang pagkakataon. Kasi sa ganitong sitwasyon ko rin maaaring mapagaan ang pakiramdam niyang bigat na bigat na.

Inakala kong hindi niya gusto ang ginawa kong pagyakap sa kanya dahil inalis niya ang mga braso kong nakapalibot sa kanya. Medyo nahiya tuloy ako. Humarap siya sa akin, kinusot ang mga mata at bumilis ang tibok ng aking puso nang maramdaman ko ang pagyakap niya sa akin. Unti-unti akong yumakap pabalik sa kanya. Humigpit ang pagyakap niya sa akin, at ganu'n din ang ginawa ko. Napakasarap sa pakiramdam na kayakap ko ang aking mahal. Pumikit pa ako habang nakayakap sa kanya.

"Thank you, Brix. I love you."

Goosebumps. Hindi maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko dahil sa huling sinabi niya.

"I love you too."

***

Kinabukasan, hindi nakapasok si Mitch kaya hindi rin kami nagkita. Stress siya sa mga nangyari sa bahay nila kagabi kaya minabuti niya munang magpahinga mula sa trabaho, kahit na isang araw lang.

Ngayong Martes ko siya ihahatid sa trabaho, at ito rin ang araw na magpopropose ako sa kanya na maging girlfriend ko siya. Alam niya ang planong gagawin ko ngayong araw na 'to. Unique ba ako o sadyang weirdo lang? Kasi ako 'yung tipo ng manliligaw na pinapaalam ang plano ko sa maraming bagay. Pati ang araw ng proposal ko na maging girlfriend siya, ipinaalam ko sa kanya. Anong magagawa ko, ganito ako. Puwede ko namang baguhin, pero ayoko.

Suot ko 'yung blue checkered long sleeve polo na siyang sinuot ko noong Dance Social nang bagong uwi pa ako galing sa mission. Tinernuhan ko ito ng parehong pantalong sinuot ko sa nasabing kasiyahan. Pati ang buhok ko na nakabrush-up noon ay ganu'n din ngayon. Ganitung-ganito ako nang unang beses kong makita si Mitch pag-uwi ko galing mission.

Ilang minuto rin akong naghintay sa kanya sa sakayan ng jeep hanggang sa dumating siya. Bahagyang namilog ang mga mata niya nang makita ako pero naging normal din ulit. Kagaya ng nakasanayan, kinuha ko 'yung gamit niyang pagkabigat-bigat na mabuti na lang ay kaya niya pang bitbitin mag-isa sa katawan niyang napakapayat.

Normal lang ang naging biyahe namin. Paminsan-minsan, pinapahinga niya ang ulo niya sa balikat ko. Tuwing ginagawa niya iyon ay hindi ko mapigilang mapangiti. Nakarating kami sa apartment niya at iniwan doon 'yung mga gamit niyang hindi na kailangan sa trabaho.

Nang makarating kami sa tapat ng building kung saan siya nagtatrabaho, niyakap niya ako at akmang aalis na pero nahawakan ko ang palapulsuhan niya at muli siyang niyakap.

"'Yung tankng ko, anong sagot mo doon?"

Nagbigay kasi ako ng sulat sa kanya at nandoon din 'yung proposal ko na maging girlfriend siya. Dahil nakayakap ako sa kanya ay hindi ko makita ang mukha niya, pero naramdaman kong tumango siya. This time, lumayo ako ng kaunti sa kanya sapat para makita namin ang isa't isa, pero magkayakap pa rin.

"Mitch, puwede ba kitang maging girlfriend?"

Bago ko siya muling yakapin ay narinig ko sa wakas ang matamis niyang oo.

Mitch & Brix: Walang ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon