Episode 13

12 3 1
                                    

Isa't kalahating oras din ang tinagal ng biyahe namin. Nakakahiya nga, eh. Kasi siya ang nagbabayad ng pamasahe sa tatlong jeep na sinakyan namin. Ayaw niya ko payagang magbayad. Mamaya na lang daw ako magbayad kapag pauwi na siya. Ibig sabihin, sarili ko lang ang babayaran ko. Hindi ko siya malilibre.

Walang tao sa apartment niya nu'ng dumating kami. Sa totoo lang, napagkasunduan daw nila ng mga kasama niya dito sa apartment na bawal magpapasok ng lalaki, pero pinapasok niya pa rin ako. Kunwari lang daw ang rule na 'yon kasi lahat naman ng mga kasamahan niya ay nagdala na ng lalaki dito. Maliban na lang pala sa isa, 'yung tinituring daw nilang "good girl".

4:50pm na. Nakaupo lang kami sa sahig sa salas ng apartment niya. Maliit lang naman ito. Yung sala, du'n na rin sila natutulog. Naglalatag lang sila ng kutsyon. Mula dito, tanaw rin ang lababo at mga kagamitan sa kusina, at sa gilid nito ay ang comfort room. Nagkuwentuhan lang kami at kumuha ng picture gamit ang cellphone niya. Sabi ko sa kanya, ipasa niya na lang sa messenger, pangit kasi 'yung kamera ng phone ko, o mas tamang sabihing pangot 'yung phone ko.

"Hindi ka pa ba uuwi? Mag-aalas singko na, oh."

"Mga thirty minutes."

"Sige, ikaw bahala. Basta 5:30 umuwi ka na ha? Baka maligaw ka pa kung magpagabi ka."

Nag-ayos siya ng mga gamit niya. Kinuha niya 'yung plastic box na naglalaman ng mga notebook at libro. Pinakita niya 'yung journal niya.

"Ang sipag ko dati magsulat ng journal. Ang hahaba pa kada araw. Pero ngayon, wala na. Haha."

"Ako nga, nu'ng nasa mission pa ako, araw-araw, nagsusulat din ako sa journal ko. Pero pag-uwi ko, 'yon, unang araw lang ako nagsulat, wala nang kasunod."

Kapwa kami nagtawanan. Humiling ako sa kanya na mabasa ko 'yung journal ko. Hindi siya pumayag. Nakakahiya na nga ang mga pinagsusulat niya doon, pangit pa raw ang grammar niya sa English. Pero makulit ako. Sinabi kong ayos lang sa akin. Sa huli, pumayag din siya. Pero doon lang sa piling mga pahina. Nagsimula akong basahin ito.

Grabe talaga si kuya. Nakakainis! Inaasar na naman ako sa apat na 'yon. Puro sila nasa mission ngayon, eh. Tapos sa kanila pa ba raw ako asarin. That is not funny, right? Haha.

Si Edz? Hay naku, insan ko 'yon, eh. Ilang beses ko na 'yon sinabi kay kuya, eh. Pati si Iseng, inaasar na rin tuloy ako. Kainis, eh.

"Talaga? Inaasar ka rin pala kay Edz?"

"Oo, mga baliw 'yun sila kuya tsaka Iseng, eh. Insan ko lang 'yon, hanggang do'n lang 'yon."

"Ah, ok."

Napatingin siya sa akin, kaya tumingin rin ako sa kanya. Ngumiti siya kaya tinanong ko siya kung bakit.

"Namiss ko 'yang reply mo sa text nine years ago. 'Yung may tuldok, ha?"

Nagtawanan na lang kami bago ako magpatuloy sa pagbabasa. Nakakamiss nga naman.

Si Teteng? Haha. He's just one of my best friends. Sabi nila, first love niya raw ako. Kaya nga siya na lang pinili kong maging last dance nu'ng debut ko. Pero hanggang best friend lang talaga, eh.

Mitch & Brix: Walang ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon