10 - Plans

90 9 0
                                    


***Sunwoo POV***

"Kung anong sinabi sayo ng doctor mo iyon ang sundin mo" -she said

"doctor ka din naman di ba?" -i asked

"Oo, pero hindi kasing professional ng mga nasa malalaki hospital" -sagot nya

Napatitig ako sa kanya at napakunot-noo.

"kung ganun ba't ka nandito?" -tanong ko

"huh?" -hindi nya naman inaasahan iyon

"i mean ang lugar na ito ay para sa magagaling lang. Mga nag-iistand out na student, pati teacher dapat ikaw din!" -i said

Napayuko sya at di na kinaya tignan pa ako ng diretso.

"hindi ka naman pala magaling. Wala ka karapatan pakelaman ang isang tulad ko" - inalis ko yung cast sa paa ko at tumayo na.

"wag mo ko pakekelaman. Maglalaro ako" -i said at nagmartsa na paalis ng clinic. Matigas talaga ang ulo ko at lagi ako nakakahanap ng rason para di sundin ang syang tama gawin.

Balak nya naman ako sundan pero di ko pinakinggan ang mga pahabol na sinabi nya. Nagpasok lang ako ng daliri sa tenga na parang naglilinis.

"Kim Sunwoo? Magaling ka na?" -tanong ng tatlo babae nasalubong ko

Nginitian ko lang sila at binigyan ng thumbs up. Kilig na kilig naman sila kahit na nalampasan ko na.

"Wag ka rumampa na parang ok ka na" -Juyeon

Naabutan ko sya nakasandal sa isang pader. Aakalain mo nagpipictorial. Pero ganyan yan kapag bigla may pumapasok sa isip nya. Bigla susulok at mag-iisip ng malalim na parang nakakaculate nya na ang lalim ng dagat at lawak ng kalawakan.

Huminto ako sa tapat nya.

"inaantay mo ba ako dahil sasamahan mo ko mag-ensayo?" -i asked.

Maaasahan talaga sya. Sa labing-isa kaibigan ko sya ang pinaka-pinagkakatiwalaan at inaasahan ko. Di nya ako binibigo. Tapos pareho pa kaming gwapo.

"Naalala ko nga pala may gagawin pa ako" -he said at umalis agad

Like what... binabawi ko na lahat ng sinabi ko!! Walang kwenta!!

*
*
*

***Hyerim POV***

Nakakailang pa lang pumasok ng maaga sa classroom.

Bawat isa kasi na narito may kanya-kanya style ang desk. Parang iyon yung nagpapakita kung ano sila. Like yung table nung isa puno ng pink stuffs, yung isa naman puro halaman at may isang inilalabas ang lahat ng gadgets nya at inilalagay sa desk. Hindi na nga ata sapat ang isang desk sa mga gamit nya.

May isa pang nakakailang. Nagkwekwentuhan sila at sinasadya nila lakasan. Pinagmamayabang nila ang mga achievements nila sa buhay at kung anong prize nun.

Ayos lang naman ako as long as di nila ako papansinin. Hindi naman nila talaga ako papansinin dahil di ako kapansin-pansin.

This kind of setting ang safe moment ko. I feel more relax and free.

"Jung Hyerim?"

Napatingin naman ako sa tumawag. Napatingin rin ang iba nasa room sa nagsalita.

I'm Your Boy (The Boyz ff)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon