45 - Nothing Like Us

61 6 0
                                    


***Hyerim POV***

Nandito kami sa hotel room. Napakalaki ng room pero dalawa lang kami gagamit. Kung marami kami girls na kasama sigurado mas masaya. Pero ngayon kami dalawa lang. Wala man lang usap-usap na nagaganap. Hindi naman kami ganun kaclose. Namiss ko tuloy bigla si Erin.

Napabuntung-hininga ako. Nang tumunog ang phone ko dahil may nagmessage.

"Pumunta ka 25th floor. Nandito kami" -New message

Tumingin ako kay Soojin na patuloy pa din nag-aayos ng gamit.

"Nasa 25th floor daw sila. Gusto mong sumama?" -i asked

"Susunod na lang ako" -sagot nya

Tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa kama at nagmartsa papunta pinto.

"Pupunta ka ng ganyan ang suot mo?" -she asked

Huminto ako para lang tignan sya.

"Oo, may problema ba?" -i asked

Nakasuot na kasi ako ng usual na pormahan ko sa bahay. Oversize t-shirt and a short. Nasa hotel nga ako pero nakapang-ordinaryo pa rin ako. Wala naman batas dito na dapat may class ka pumorma.

"bahala ka" -she said na may pailing-iling pa

Anong problema rito? Mas komportable nga ako ganito. Nagpatuloy na ako. Nang may napansin ako sumakay ng elevator. Nagmadali pa ako para habulin kung sino iyon pero sumara na.

Sigurado ako si Unni Lian yung nakita ko o namamalikmata lang ako?

May narinig naman ako pamilyar na boses. Pagkalingon ko nakita ko si Missie kasama si Yoona. Panay utos si Missie sa nag-aassist sa kanila staff ng hotel.

Tinakpan ko ang mukha ko ng kamay ko para di nila ako mapansin.

Dumaan naman sila ng di ako pinansin. Saka bumukas ang elevator at agad ako sumakay. Nakahinga naman ako ng maluwag ng nagsara na iyon.

"Pero bakit nandito sila?" -napatanong ako sa sarili ko

Nakarating ako sa 25th floor. Pagkabukas nun agad ko nilapitan yung malaki pinto at pagbukas nun isang malaki pool party. Indoor pool pala ang narito.

"Hyerim! Tara dito!" -aya ni jacob ng makita agad ako

Nilapitan ko sila na nag-grigrill ng karne. Iniligid ko naman ang tingin ko. Lahat ng the boyz narito. Tapos si Hyunjae at Younghoon nagpapaligsahan sa pagswiswimming.

"Bukas sa dagat na tayo pupunta. Ngayon kasi pagabi na kaya rito muna tayo" -changmin said

"Ganun ba~ Gusto nyo ba ng tulong?" -I asked

"Hindi na- doon ka na lang kay nila Juyeon. Kaya na namin ito" -jacob said with a smile

Lumapit naman si Hyunjae na umahon na pala sa tubig. Expose na expose ang perfect body nya tapos tumayo pa sa tabi ko kaya otomatiko ako umalis at naglakad na papunta sa pwesto nila Juyeon. Ayoko tignan baka kung ano isipin nun. Hahaha.

I was walking sa gilid ng pool na medyo basa. Kaya nadulas ako. Mahuhulog sana ako pero maagap ako nahawakan ni Sunwoo at hinila para di mangyari iyon. Ang resulta nagkalapit at nadikit ako sa kanya.

"Hello!" -Soojin

Agad ako lumayo kay Sunwoo ng marinig ang boses na iyon. Pareho namin tinignan si Soojin. Na  napaka-sexy nang suot at ready na magswim. Nagets ko na kung bakit pinuna nya yung suot ko bago pumunta rito.

I'm Your Boy (The Boyz ff)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon