87 - Last Moment

44 5 0
                                    


***Juyeon POV***

Napatago lang ako habang pinapanuod si Erin na mukha may inaantay. Di rin nagtagal dumating rin ang imi-meet nya. Kahit na gabi ay pinuntahan sya nito. Medyo nagtaka naman ako dahil si Soojin pala. Pero ba't sya nandito sya?

Dinig ko naman sa pwesto ko ang pinag-uusapan nila.

"kumilos na ang dad ko. After nya makita ang daughter nya na sobrang broken ay inalam nya ang totoo and guess what his planning to meet juyeon's dad" -may tuwa balita ni soojin at hinawakan ang mga kamay ni Erin

Tinignan ko naman ang reaksyon ng gf ko pero pinanatili nya pa din ang sarili nya na naka-poker face. Hindi nya trip makipagplastikan at matuwa inaagaw ang bf nya.

"Tama ka! May mga love talaga worth waiting. Marami salamat sa mga advice mo. I mean kung di mo sinabi ang mga bagay na iyon ay sumuko na ako~" -ahn soojin

Hindi ko na gusto pa marinig ang iba. This kind of situation ay na-encounter na ni Q at ni Sunwoo kaya malalagpasan din namin yung mga pinagsasabi ni Soojin. Umeksena na ako. Inagaw ko ang kamay ni Erin. Nagtataka naman ang gf ko sa pagsulpot ko.

"Tara na" -aya ko

"magandang gabi Juyeon~" -may ngiti bati sakin ni Soojin pero inisnob ko lang iyon.

Hinila ko na lang si Erin para makapaglakad-lakad kami at makalayo. Wala gusto magsalita sa amin. I was just holding her hand ng mahigpit at nagpapahatak lang sya.

Huminto na ako. Di ko na kasi alam kung saan pa kami dadalhin ng paglalakad na ito. Anong point ng paglayo kung sa huli ay pipiliin pa rin namin bumalik dahil naroon ang lahat. Dahil we can't leave them.

Hinarap ko sya. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na kami naging ganito. Ipinapakita namin sa isa't-isa kung gaano kami nalulungkot at nasasaktan. At kahit may gawin kami paraan mauuwi pa rin sa ganito.

"I'm going to states kasi nandoon si mom" -i said

Kinakaya nya pa rin tumingin sa mga mata ko. Kahit na ako mismo gusto ko iwasan iyon kasi i can't take seeing her being sad.

"I know" -sagot nya

"Aantayin mo naman ako di ba?" -i asked na nakikiusap

Matipid sya ngumiti at tumango.

Tumango sya pero hindi pa rin ako makahinga ng maluwag. Masikip pa rin sa dibdib ang sitwasyon ito.

Niyakap ko na lang sya.

"babalikan kita~ i promise" -i said

Kahit na magkaroon pa ng deal si dad at dad ni soojin. I will stick in my plans. Magpapaalam lang ako kay mom then babalik agad ako. Babalikan ko agad si Erin! Natatakot kasi ako na baka bigla sya mawala. Na baka pagbalik ko ay magtago sya. Nararamdaman ko may gagawin sya na hindi nya na ipapaalam pa at hindi ko hahayaan na mangyari iyon.

*
*
*

***Kevin POV***

Nagdoor bell ako ng tatlo beses. May nagbukas naman ng pinto.

"anata wa dare?" -tanong ng ahjumma

"I'm sorry" -nagbow na lang ako

Bago magsara ang pinto narinig ko pa ang isang pamilyar na boses na tinawag yung ahjumma nag-open ng door sakin.

Napabagsak balikat na lang ako. Hindi nga ako nagkamali ng lugar na pinuntahan. Sya iyon at boses nya iyon. Inaasahan ko na ito. Pero iba pa rin pala kapag nakita ng mga mata mo.

I'm Your Boy (The Boyz ff)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon