82 - Once in a Lifetime Chance

52 5 3
                                    


***Sunwoo POV***

Nasa may field ako ng dumating si hyerim. Nagtataka ako sa paglapit nya. Tinignan ko pa nga kung may kasama sya o kaya nakabantay na naman si Q sa kanya pero she's all by herself.

"May sasabihin ka ba?" -tanong ko

Kasi pinagmamasdan nya lang ako. Wala naman sya sinasabi.

"Meron" -sagot nya

Ipinihit ko ang katawan ko paharap sa kanya saka nagcross ng arms.

"Ano iyon?" -tanong ko

Nakita ko ang pagkuha nya ng malalim na paghinga. Saka seryoso tumingin sa mga mata ko.

"Pwede bang.." -putol nya

"Pwede bang?" -kumunot noo ako

"Pwede ba ako na lang ang maka-date mo sa Creker Night" -hininaan nya naman this time kaya di pa rin sapat para maintindihan ko.

"Ano? CreKer Night?" -i asked

"SABI KO AKO NA LANG ANG I-DATE MO SA PROM NIGHT!" -pasigaw nya sabi at may pandidilat pa ng mata

Dahil sa sinabi nya yung ibang freshmen player na naglalaro nahinto at napatingin samin. Hindi rin naman ako nakapag-react. Kita sa mukha nya ang pamumula. Hiyang-hiya sya sa ginawa nya

"Pakiusap ba iyon o Utos?" -i asked

"Ay Ewan! Kung ayaw mo iba na nga lang!" -bawi nya at balak sana ako talikuran pero hinawakan ko ang kamay nya para pigilan. Balik-tingin naman sya sakin.

"Last question, ba't ako?" -i asked

Na bigla naman sya sa binitawan ko tanong.

"Ahm.. kasi.." -nagbaba sya ng tingin

"dahil ba sa nagwowork ang dad mo sa company ng dad ko. Wag ka mag-alala ipanapa-monitor ko na sya at pinasisigurado ko wala umaabuso sa kanya roon" -i said

Nagbalik sya ng tingin sa mga mata ko.

"Walang anak na gusto makita ang ama nila nahihirapan. Kaya di ko pinapayagan mag-OT sya dahil lang sa trabaho ng iba" -i said

"salamat~" -response nya at ngiti

"Wala iyon" -sagot ko at pagbitaw sa kanya

"about nga pala sa date since wala pa naman ako inaaya. Fine! Ikaw na lang~" -pagpayag ko

"Eh paano yung girl na nais mo imbitahan? Di ba may naiisip ka na yayain?" -inosente tanong nya

Napangisi ako sa tanong nya.

"hindi ko na kailangan mag-effort. Ininvite nya na ako" -sagot ko saka sya tinalikuran. Habang humahakbang palayo di ko na mapigilan ang ngiti sa labi ko.

*
*
*

***Q/Changmin POV***

"Hyerim"

hinawakan ko ang braso nya para pigilan. Nagtataka naman sya tumingin sakin. Bago ko pa sya malapitan ay napapansin ko na ang pag-ngiti nya ng walang dahilan kaya nagtaka ako.

"About sa makakadate mo sa CreKer Night. Hindi naman siguro si Seungmin yan di ba? Hindi pwede iyon dahil sa ibang school nag-aaral iyon" -pagkukumpirma ko

Ngumiti lang sya at umiling.

"hindi- sinisigurado ko na taga Creker din ang makakasama ko" -isinagot nya

I'm Your Boy (The Boyz ff)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon