Finale : 4Ever

90 4 1
                                    


***Sunwoo POV***

Infront of her parents. Kinakabahan pa din ako. Kahit na naging staff ng company dati ang appa nya at maganda naman ang trato namin sa kanya. Iba pa din ngayon kaharap ko sila as my gf's parents.

Kinuha ng ina ni Hyerim ang kamay ko. Medyo na bigla ako pero di ko pinahalata.

"Maraming Salamat sa pag-alaga sa anak namin" -wika nya

"Wala po iyon at mas lalo ko pa po sya aalagaan kung papayagan nyo po kami na tumira na ng magkasama" -paalam ko at bahagya nagbow din.

Ideya ni Hyerim iyon pero sabi nya dapat ipaalam ko daw. Hindi nya nga ako sinamahan dito para man lang suportahan ako kaya ito at kabang-kaba ako.

Nagtawanan ang magulang na kaharap ko kaya nagtataka ako nag-angat ng tingin upang tignan sila.

"Gusto mo ba sabihin ay ninanais mo na sya pakasalan?" -tanong ng ina nito

"Ho?!" -me in confuse

"Hindi naman kami tumututol kung gusto mo na sya pakasalan" -sabat ng tatay nya

"Maraming Salamat po" -awkward ko ngiti.

*
*
*

Visiting at her Bookstore

Sinusundan ko sya habang abala sya sa paglalagay ng libro sa mga pwesto nito.

"Paano ba kasi ang pagkakasabi mo?" -tanong nya

Pinuntahan ko agad sya para sabihin na mukha na misunderstand ng parents nya yung term ko.

"I ask for a permission na mag-iistay na lang tayo sa iisang tirahan" -sagot ko

Tumigil sya sa ginagawa nya at napahinga ng malalim saka napatingin sakin.

"Tingin ko nga mamimisunderstand nila tayo dahil di uso sa panahon nila ang leave-in partner. Sa mga matatanda kasi naniniwala sila na magsasama lang kayo sa iisang bubong kapag kasal na kayo. Hindi nila alam na sa henerasyon ngayon marami na nag-iistay together kahit di kasal" -she said

"So your into the new generation?" -i asked

Tumitig sya sakin.

"Ayaw mo ng kasal?" -tanong ko

Pansamantala sya nanahimik. Saka sya tinawag ng staff nya kaya umalis sya ng di sinasagot iyon.

*
*
*

At Sangyeon Place!

"Baka nga ayaw nya ng kasal" -sabi ni jacob

Itinuro nya si Hyunjae nag-aasikaso ng ibang costumer.

"Sya! Sya yung sample ng nagsasama pero di kasal at may anak pa!" -jacob

Sakto naman nilapitan kami nito at nakiupo.

"May balak din kami magpakasal. Aayain ko sya pagkagraduate nya" -hyunjae said

Napatingin sya sakin at napansin ata ang pagkaseryoso ko. Painom-inom lang pero malalim ang iniisip.

"Ayaw ni hyerim magpakasal?" -tanong nya

"Hindi ko alam" -sagot ko at inom muli

"Ikumpirma mo. Tanungin pagkatapos nyo saksihan ang kasal ni Hak" -hyunjae

"Oo nga pala, next week na iyon di ba?" -jacob

"Naeexcite ka na ba? Pupunta tayo doon sa isla" -parang bata naeexcite si hyunjae

I'm Your Boy (The Boyz ff)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon