94 - Totally Different

50 4 0
                                    


Author's Note : this chapter is for Erin & Haknyeon.. bawi-bawi din nawala sila sa ilang page. 😂

*
*
*

***Erin POV***

Umaga na kaya kumilos na ako. Lumabas na ako ng mumunting tirahan namin. Habang naglalakad sa malupang daan.

"Erin"

Sinabayan ako maglakad ng tumawag sakin.

"Pupunta kang bayan?" -tanong sakin ni ahjumma seol.

Tinulungan ko naman sya magbuhat ng basket ng gulay na dala nya.

"Ganun na nga po. May hindi na naman po kasi umuwi~" -sabi ko

Natawa lang sya.

"Inantay mo ba? Naku! Kung hindi mo lang idinedeny na asawa mo sya. Talaga iisipin ng lahat na asawa mo nga sya" -sabi nya

Pagak ako tumawa. That was the funniest joke i ever heard.

Nakarating kami sa maliit na pamilihan ng lugar na ito. By the way nasa isang island kami na bilang lang ang tao. This peaceful island na nagkakaisa ang mga tao. Keeper Island.

Dadaanan ko lang sana yung mga matatanda na naglalaro ng cards. Kaso tinawag nila ako.

"Miss Ganda!"

"Magandang araw po" -nagbow ako

"Hinahanap mo ba ang asawa mo?!" -tanong ng isa sa harabeoji ng isla

"Hindi-" -di ko na tinuloy ang pagsasalita. Kahit ilang beses ko pa sabihin di ko asawa iyon. Di nila paniniwalaan. Atsaka matanda sila kaya mabilis nila makalimutan

"Nasan nga po pala sya?" -tanong ko at ngumiti

"Nasa may tabing dagat sya buong gabi" -sabi ng isa pang matanda

"Ano naman ginagawa nya sa may tabing-dagat?" -tanong ni lolo2

"Binabantayan nya mabasag yung mga itlog ng pagong" -sagot ni lolo1

Nagtawanan ang mga matanda. May tumapik naman ng balikat ko kaya napalingon ako.

"Pasensya na at hiniram ko muna ang asawa mo. Naroon sya sa may bakuran ko~" -paalam naman ni ahjumma byun

Nagsimula na ako maglakad patungo roon na medyo badtrip. Kasi naman asawa sila ng asawa.

Hindi ko asawa ang isang tulad nya..

Nahinto na ako ng makita sya nakaupo lang at tinititigan yung batang baboy.

"Bilisan mo lumaki gguk dahil kakainin ka pa namin" -haknyeon said. Sabi nya doon sa baboy.

I chuckled at nagpameywang.

"Hoy! Ju Haknyeon!" -tawag ko

Tinignan nya naman ako pero nagbawi lang din ng tingin at tumayo. Ang lamig pa ng pagkatingin sakin. Ano bang ginawa ko sa lalaki ito?!

Naka-jumper sya at sumbrero na gawa sa banig. Yung kahit pang countryside na sya pumorma eh nag-iistand out pa rin ang visual nya. Dumampot na sya ng pala at nagsimula maglinis ng dumi ng baboy.

Nilapitan ko pa sya. Kasi ramdam ko talaga galit sya.

"Galit ka ba?" -i asked

I'm Your Boy (The Boyz ff)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon