64 - Lock Room

45 5 0
                                    


***Hyerim POV***

Napatingin ako kay sunwoo after sya bigyan ng maingay at medyo mapang-asar na bati ng mga kaibigan nya.

"Nandito na pala ang dancer ng barkada!" -pag iintroduce ni hyunjae

"ipinagpalit ang soccer sa pagsasayaw" -gatong ni younghoon

"Tigil-tigilan nyo nga ako!" -sabi ni sunwoo at dumiretso na sa desk nya

Hindi pa rin papaawat ang dalawa. Pagkatapos kasi ng nangyari celebration party kagabi. Sa di inaasahan pagsayaw ni Sunwoo. Nakahanap nang mai-aasar ang mga kaibigan nya sa kanya.

Napangisi na lang ako at napapailing na nagbalik ng tingin sa inaaral ko.

"Hyerim-" -Juyeon

Nag-angat muli ako ng tingin para tignan naman ang tumawag sakin.

"Baka naman pwede mo na ibalik kay Sunwoo yung title nyang God dahil nagawa nya ng sumayaw" -paalala nya

Bahagya napa-awang ang bibig ko ng maalala iyon.

"Oo nga noh" -napa-agree si New at idinikit ang pen na hawak sa chin nya na parang napaisip.

"So ibig sabihin ba nun.." -nagsasalita pa ako ng inunahan nya na ako at parang nagrarap sa bilis ng pagsasalita.

"Tumigil ka! Hindi totoo iyon! Inaral ko iyon dahil gusto ko hindi para tawagin mo ulit akong God" -sunwoo said

"Okey~ sabi mo eh" -di naman ako makikipagtalo sayo. Masyado defensive.

Nagbalik na ako sa pag-aaral pero di ko mapigilan mapangiti. Deny-deny pa. Si Sunwoo talaga.

Napuno ang araw ng pagtawag sa kanya ng God ng mga kabarkada nya.

*
*
*

Another Sunday!

Sumunod lang ako sa utos ni eomma bumili sa may pharmacy ng gamot nang nagkataon may nakasabay ako na agad ko nakilala.

"Unni Lian!" -may tuwa tawag ko

Napatingin naman sya sa akin at natuwa rin na makita muli ako. Dahil maaga pa. Naisipan namin mag-ice cream sa isang ice cream shop.

"Nasa may real hospital na kasi ako pinag-duduty. Well, miss ko na ang school pero mas challenging kasi ang hospital. Iba't-iba sakit at pasyente ang nakikita ko. Stressing pero keri pa din" -kwento nya

"mukha busy-busy ka. Paano na yung hinahawakan mong fanclub ni sunwoo?" -i asked

"Ah, yun ba~" -napasimangot sya

"namimiss ko na si Sunwoo. Siguro kailangan ko din grumaduate sa pagfafangirl sa kanya. Unti-unti na rin naman natatahimik yung fancafe namin simula nang di na sya nakikita sa field" -she said

Nakaramdam din ako ng panghihinayang at lungkot sa minention nya.

"kumusta na ba sya?" -tanong nya

"Ayos lang, Alam mo bang.." -ngumiti ako at unti-unti rin naglaho iyon

excited sana ako magkwekwento kaso nagdalawang isip ako. Baka di na sya interested.

I'm Your Boy (The Boyz ff)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon