73 - Accident

56 5 0
                                    


***Hyerim POV***

Inaayos ko yung ribbon sa uniporme ko habang tinitignan ko ang sarili ko sa salamin.

Iniisip ko lang yung mga nangyari kahapon. Simulan natin kay seungmin na nagconfess. Sa totoo lang iyon ang unang confession na hindi nang galing sa isa sa mga kaibigan ko. Si seungmin ang solusyon sa pinaplano ko noon. Nung ginamit ko si han para mapalabas lang sa mga kaibigan ko na may iba akong gusto at para matigil na sila. Si seungmin na yung hinahanap ko. Pero di ko magagawa tanggapin ang feelings ng tao di ko naman gusto.

Napabuga ako ng hangin. Same! After ko malaman ang ginagawa ni eomma. Si hwall naman. Sya naman ang sumagi sa isip ko. I should just accept him since iyon naman ang gusto ni eomma. Susundin ko na lang ang gusto nila. Wala ng lugar ang sarili ko feelings.

Pero si Sunwoo.. si Sunwoo ang pinuntahan ko. At kung bakit sa kanya ako nagpunta?

Dahil sanay na ako na sya ang nakakakita na umiiyak ako. Gusto ko marinig ang warm na advice nya. Gusto ko maging maayos ang magulo isipan ko. At lahat iyon naayos ng makaharap ko sya.

Dinampot ko na yung bag ko at phone ko.

Pagkababa ko inaasahan ko na pupunahin ako ni eomma.

"Hoy Bata ka! Di ka pa rin ba mamamansin!" -eomma

Dire-diretso ako sa may maliit na aparador ng sapatos. Dinampot ko yung sapatos ko at sinuot iyon. Nagkaroon sya ng pagkakataon lapitan ako.

"Umayos ka nga! Hanggan kailan ka mag-iinarte?! Akala mo naman-"

Pinutol ko ang sasabihin nya at hinarap sya.

"Oo na! Sige na! Sasabihan ko si hwall na kami na at magpakasal na kami para kinabukasan mayaman na tayo! para di na kayo naghihirap. Okey na ba iyon?!" -may pagtaas ng boses na sabi ko.

Hindi ko nasunod yung huli sinabi ni Sunwoo. Hindi ko pa rin napigilan ang sarili ko sumagot at makipagtalo.

Kaya tumama ang malakas na sampal nya sa pisngi ko. Napahawak naman ako sa pisngi ko nasaktan.

"Napakabastos mo ng bata ka!" -she shouted

Hinila nya yung braso ko.

"Wag ka ng pumasok! Napakawalang galang mo! Ganyan ka ba namin pinalaki!" -sigaw na sya ng sigaw sa sobrang galit

Nabawi ko naman ang braso ko. Wala ako sinabi basta itinuloy ko pa rin ang pag-alis ng bahay. She still keep on shouting.

"Yaah! Bumalik ka ritong bata ka!" -my eomma

Alam ko di sya titigil kaya binilisan ko ang paglalakad ko. Kahit nakalayo na ako naririnig ko pa din sya. Mukha hindi sya titigil habang di ako sumusuko.

Napalingon na lang ako sa right side ko nang marealize na tumawid na pala ako ng kalsada. May sasakyan na paparating at matatamaan ako. Halos di ako makagalaw nang mga oras na iyon.

Napapikit ako. Hanggan sa naramdaman ko may tumulak sa akin at bumagsak ang buong katawan ko sa sahig. Binuksan ko ang mga mata ko. Nakita ko paglapit ng mga tao. May pinagkumpulan sila kaya naman sobra ako natakot. Kahit masakit ang katawan ko sa pagkakabagsak ko ay isinantabi ko iyon. Nakisali roon at hinawi ang mga nakaharang. Nanlaki ang mata ko ng makita si seungmin na nakahandusay sa kalsada. Agad ako lumuhod at inangat ang ulo nya. Nakahawak ako ng dugo kaya di ko mapigilan matakot at maiyak.

"Tulungan nyo sya! Tumawag kayo ng ambulansya!" -bulyaw ko sa lahat ng narito at nais lang ata maki-usisa.

*
*
*

I'm Your Boy (The Boyz ff)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon