***Hyerim POV***Sinadya kong pasobrahan ang binili kong burgers and drinks kasi ipinamimigay ko sa ibang nagwowork din sa company. I know everyone was working hard. Not just me. Kaya kahit yung nakasabay ko lang na maintenance guy sa elevator ay binigyan ko na rin ng pagkain binili ko sa lahat.
Pagdating ko sa may office.
"Guys, bumili ako ng makakain!" -sabi ko na may ngiti
Nakuha ko naman ang atensyon nila lahat.
"Aigoo~ Hyerim-ah!" -sabi ni mimi na natuwa ng makita ako
Syang tayo agad ni Mr.Jo kwangmin at agad na sinalubong ako. Tinignan nya ang bitbit ko.
"Ilan ang akin rito?" -tanong nya
"Kahit ilan. Marami ako pinasobra~" -sagot ko and smile
Tumayo na rin ang ibang mga ka-officement ko at nagsikuha na rin. Si Mimi ang huli dumampot ng drinks and burger.
"Hindi mo dapat ginagawa ito-" -sabi nya sakin
"Bakit naman?" -takang tanong ko
"Baka isipin ng makakakita sayo nakakataas satin na ginagawa ka namin errand girl" -sabi nya
Napailing ako sa sinabi nya.
"Magpapaliwanag ako. Lilinawin ko kusa at boluntaryo ko ginagawa ito dahil team tayo!" -sabi ko
Sa totoo lang. Gusto ko rin sila samahan na mag-overnight sa work pero yung isa sa mataas na posisyon rito sa kumpanya ay binisita pa ako sa lamesa ko para sabihin na kailangan ko mag-out ng sakto sa oras ng uwian. Takang-taka naman ako kung bakit ako lang. Sumagi pa nga sa isip ko na baka naman naisipan na nila magbawas ng tao at ako ang una nila aalisin.
Sa ngayon papasok muna ako at gagawin ang best ko sa trabaho ko. Inihahanda ko na rin ang sarili ko sa mga posibilidad na mangyari. Like ma-fired ako!
Nilapitan ko na ang lamesa ko. Nakita ko yung group picture namin nung graduation na naka-frame. Napapangiti na lang ako habang tinititigan iyon.
Kumusta na kaya sila?
"Hyerim!" -mimi
Natauhan naman ako at napatingin sa kanya na katabi ko lang.
"Iniisip mo rin ba kung bakit pinauwi ka ng maaga kung kailan mas marami pinapatrabaho sa atin. Kung kailan mas kailangan namin ng isang tulad mo na matalino?" -tanong nya
Nagsipag-agree ang iba at pare-pareho na pa Oo nga!
"Wala ako ideya-" -sagot ko
"Hindi kaya nakahanap na sila ng mas magaling sayo. Then anytime ay sasabihan ka na nila talsik ka" -may pagtaas pa ng kilay at ngisi wika ni Ara
"Tumigil ka nga!" -sita ni Mimi na handa ako ipagtanggol
"Isang malaki kawalan sa company si Hyerim. Sila ang mawawalan ng magaling na employee. Saka hindi mababakante si Hyerim. Kahit mapaalis sya o umalis sya rito may isang kumpanya na nakaabang na tanggapin sya. Di ba hyerim?" -sabi ni kwangmin
BINABASA MO ANG
I'm Your Boy (The Boyz ff)
FanfictionIn CreKer Academy you need to be unique, need to standout, have an own color. There's no space for being ordinary. Jung Hyerim is the ordinary girl got luckily accepted at CreKer. How she got accepted? Will she survive? [Start : 042319 Finish : 0131...