59 - man-to-man fight

49 4 1
                                    


***Hyerim POV***

Di ko sure kung dito pa rin sya sa tech school nag-aaral. Pagka-second year ko kasi di ko na sya naging kaklase pa. Hindi ko na rin sya nakikita simula nun. So wala ako kasiguraduhan sa bagay na ito. Gusto ko pa rin icheck baka sakali makita ko sya lumabas sa school na ito.

Napatingin ako sa oras sa phone ko. Mga 30 minutes na rin ako nag-aantay. Marami-rami na rin ang mga estudyante dumaan sa harap ko. Hindi sana kami magkasalisihan nito. Sya na lang ang pag-asa ko. Wala na ako maisip na iba.

Tumunog ang phone ko dahil sa mensahe ni new.

"Nandito kami sa bowling center. Punta ka" -nilalaman ng mensahe

Agad naman ako nagreply roon. Tapos bago ko isend napaangat ako ng tingin. Hindi ko na talaga na isend ng makita na ang syang inaantay ko. Bigla ako nabuhayan at agad sya nilapitan.

"Excuse me~"

Sinadya ko talaga harangan sya para lang makausap. Gumuhit naman sa mukha nya ang pagtataka.

"bakit? may problema ba?" -tanong nya

Ginalaw nya ang suot nyang eyeglasses. Kitang-kita pa rin ang dating sya.

"naaalala mo ba ako? naging magkaklase tayo nung first year" -paalala ko sa kanya

Napapilig lang sya ng ulo. Siguro pinipilit nya alalahanin o maaari di sya naniniwala kasi Creker uniform na ang uniporme ko ngayon.

"sino ka ba?" -inosente tanong nya

Ngumiti muna ako sabay lahad ng kamay para sa maayos na pagpapakilala.

"I'm Jung Hyerim. Anyway, maaari ba kita maaya mag-frappe man lang sa malapit na shop rito" -imbita ko

Tingin ko kasi mahaba-habang kwentuhan ang mangyayari.

Tinanggap nya naman ang pakikipagkamay ko.

"Okey~ I'm Minho" -ngumiti sya ng matipid.

*
*
*

***Changmin POV***

Gaming place?! No! No! Kapag nasa lugar kami na maaari pagsimulan ng paligsahan. Yung imbis na kasiyahan at laro lang. Nagiging bloody battle. Medyo exaggerated ang word na bloody. Kaya papalitan ko na lang na man-to-man fight. Kung saan wala ni isa nais magpatalo at malamangan.

Napabuntung-hininga ako.

Inabutan naman ako ng drinks ni kevin.

"Ba't nagpass ka today?" -he asked

"Para maiba naman" -sagot ko at napasandal sa plastik na bench rito.

Pinapanuod namin maglaro ng bowling si jacob na ang teammates ay si hwall at new. Team sangyeon na ang teammates ay si Juyeon at si Younghoon. At team ni Hyunjae na ang teammates ay si Eric at si Sunwoo.

Si Haknyeon lang ang madalas wala. May ideya naman kami kung ano pinagkakaabalahan nun. Yung race cars nya o si Erin.

Medyo nalulungkot ako kay Juyeon. Aware kami sa feelings nya. Aware din ang dalawa iyon sa kung ano nararamdaman ni Juyeon. Pero mukha nagpapatay-malisya ang dalawa.

"Si Hyerim toh ah!" -wika ni kevin na nakatutok sa phone nya.

Dahil sa sinabi nya nakitingin ako at ang iba. Wala na pumansin sa strike na ginawa ni hyunjae.

I'm Your Boy (The Boyz ff)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon