31 - Laugh & Cry

61 8 0
                                    


***Hyerim POV***

Naisipan ko dumaan muna sa isang convenient store. Kumuha ako ng anim na drinks then pumunta sa counter.

"Saglit lang, meron pa~" -i said at muli bumalik sa corner ng fridge at kumuha pa ng anim. Then pagbalik ko sa counter. Pinag-antay ko muli sya at kung ano-ano chichirya ang kinuha ko. Pagbalik ko sa harap nya saka nya lang pinakita may basket sya.

Napatawa na lang ako ng pagak.

"Oo nga pala may basket hahaha" -pero ang totoo nyan nakakahiya. Di na naman kasi ako gumamit ng utak.

Anyway habang inaasikaso nya yung mga binili ko. Napatingin ako sa may tv kung saan ibinabalita si Changmin at Meirin. Still hot topic pa rin sila dalawa. May iba suportado pa rin sa kanila as a couple. Meron iba tuluyan na na-inis kay Mei sapagkat sunod-sunod ang issue ni Q simula na maging sila in public. May mga galit din kay Q. Yung ibang dati nya fan na ngayon ay di matanggap na may fiancee na ito. They felt betrayed. Or dahil reality already hits them. Their delusion is already ended. Just like me. Randam ko sila pero di naman ako pupunta sa point na ihe-hate ko yung tao.

Tumayo na ako sa gilid ng sidewalk at nag-aantay na makatawid. Nang mag-red light na. Nagsimula na ako maglakad ng may kumuha ng isang bitbit ko. Inunahan nya ako ng kaonti at nakilala ko naman sya agad. Binilisan ko na lang ang lakad ko para mapantayan sya.

"Maraming salamat Sunwoo" -i said to him

Di nya ako pinansin at mas lalo pa akong iniwan. Still thankful ako dahil nagkusa sya tulungan ako.

Tyempo nakasalubong namin sila changmin sa may school ground kasama nya si Mei. I greet them brightly.

Pero itong si Mei. Napataas-baba ng kilay and rolled her eyes.

"Naging errand boy ka na pala ng babaeng ito?" -she said to sunwoo

"hindi ako errand. Kusa ako tumulong dahil gentleman ako" -sunwoo said

"gentleman?!" -she just chuckled

"hyerim?" -sunwoo

Napatingin ako sa kanya.

"Akin ng bag mo" -he said

"Bakit?" -pagtataka ko

Pero yung look nya nagsasabi na kailangan ko sumunod or else baka umusbong na naman ang pag-ka evil nya. Kaya inalis ko ang bag ko at inabot sa kanya. In which isinukbit nya naman sa shoulder nya at binitbit ito.

"mukha nabibigatan ka na kaya ako na ang magbibitbit" -sunwoo said at pangisi-ngisi na

"Di naman mabigat" -mahina sagot ko

Pero muli sya nagbalik ng tingin sa dalawa kaharap namin.

"I'm doing this because i'm gentleman. Oh?! Mukha di ata gentleman yang kasama mo" -sunwoo said at halata si changmin ang pinatatamaan.

"Hindi ako pumapasok para maging tagabitbit lang ng bag ng iba" -in poker face na sagot ni Q

"Ow~ Then suwerte pala si Hyerim sakin. Pumapasok ako para siguraduhin di sya nahihirapan sa kahit na ano bagay" -sunwoo then iniakbay nya sa akin ang mabigat nya braso.

"Sige~ may pupuntahan pa kami. Mauna na kami sa inyo" -sunwoo said then binitbit na rin ako paalis roon.

Aalisin ko sana yung braso nya. Pero iniheadlock nya na ako ng tuluyan. Halos masakal ako roon. Buti na lang nasalubong namin sila kevin at sinita sya. Binitawan nya na rin ako.

I'm Your Boy (The Boyz ff)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon