"How dare you?! Mangaagaw ka!" Galit na galit na sigaw ni Quisha. Pulang pula ang mukha niya sa galit. Nasa loob siya ng room kasama yung isa pang babae na kausap niya.
Magkalayo sila dahil si Quisha nasa middle row ng mga upuan namin then yung girl is nasa malapit sa board. Nakakainis lang dahil yung iba naming classmates na nasa loob hindi sila inaawat.
Well, I can't blame them. Just by seeing Quisha that mad. Wala talagang may gugustuhing umawat sa kanya.
Pati tuloy kami nila Carlynn hindi makapasok sa room. So, we stayed at the corridor. Actually, Quisha's a good friend kahit papaano. But when she's mad, mas pipiliin mo na lang talagang nasa labas ka ng room para hindi madamay.
Hindi ko alam kung anong nangyari. As far as I know everything's okay naman kanina before our break time. When we came back ito na yung inabutan namin.
"Hindi ako, kundi ikaw!" sigaw pabalik ng kaaway ni Quisha, na taga ibang year. "Ikaw ang nangaagaw ng boyfriend, b*tch!"
"What the... ako pa talaga ha?!" Napatingin siya sa side niya at binalik din sa kausap ang tingin. "I'm his girlfriend! Ako ang nauna sayo!"
"How can you be so sure? Do you have an evidence? Ako ang una niyang niligawan kaysa sayo." sabi nung babae.
Mukhang hindi na mapigilan ni Quisha yung galit niya. Pumunta siya sa row kung saan yung upuan namin nila Carlynn.
'Please wag naman sana' is what I keep on telling to myself.
She took my book then threw it at the girl in front of her. Maybe she's not yet satisfied so she picked up my book again then used it to slap the girl's face.
Oh, God.
Sabi ko na nga ba. Sana hindi ko na lang iniwang naka labas yung Physics book ko. Nakatingin lang ako sa book kong nasa sahig na. Gusto ko ng kunin para di na madagdagan pa yung sira.
I looked up to them. They're now pulling each others hair but thankfully inaawat na sila ng classmates namin saka dinala sa labas.
After entering our room, I instantly picked up my book from the floor. Bumuntong hininga na lang ako nang makita ko yung front cover, as in sira na talaga. Hihiwalay na sa mismong book kung wala lang plastic cover.
"Just buy a new one, Eurs. Ang pangit na niyan at ang dumi." comment ni Carlynn nang tignan din niya yung book ko.
Chantalle shook her head. "Kaya hindi ko rin iniiwan yung mga books ko sa desk dahil sa kanya e."
"Same here!" Si Carlynn. "Last year I bought 2 books of BasicCal and PreCal. Like seriously? Kung ano pa yung important books yun pa ang hinahagis niya." She rolled her eyes.
She's right. I also bought 2 Research 1 last year dahil kay Quisha. Hindi ko alam bakit ang hilig niya maghagis ng libro pag galit.
"Hayaan niyo na. It's okay. I can still use this. Hindi naman yung buong book ang nasira."
"Isang beses pa mangyari 'to sa isa satin. I'll make sure makakahanap siya ng katapat niya." Carlynn crossed her arms.
I just shrugged. Wala naman na akong magagawa. It already happened. Kahit na pinaka iingatan ko lahat ng books ko, I still can't bring myself to talk to Quisha about my book. Kung tutuusin maliit na bagay lang naman 'to sa kanya. Kaya I decided na palampasin na lang ulit 'to. Ayoko naman kasing ako ang susunod na kaaway niya.
〰️〰️〰️
"Euri," tawag sakin ni Chantalle isang araw nang nasa school library kami.

BINABASA MO ANG
What If (St. Mary's U Series #1)
Teen FictionEverything seem so perfect. Pero bakit gano'n? Parang may kulang pa din. Is it What or Who? Eurica Vannesa San Diego, the heiress of one of the biggest companies in the country. Kind, sweet and obedient daughter, but will she still be the same after...