4 a.m. Gising na gising ako habang nagrereview ulit ng lessons ngayon, para may masagot ako sa exams mamaya. Aba mahirap na, baka bumagsak ako kapag masyado akong kampante. And what's new is that, I'm already done reviewing Physics. Thanks to my very thoughtful friend.
Akala ko pa nga hindi ko na naman matatapos aralin iyon gaya ng dati. Usually, I wasn't be able to finish reading all our lessons, kasi matagal bago ko maintindihan yung mga lessons, minsan nag Y-Youtube pa ako para sa tutorial or easiest ways on how to solve some problems kasi may mga hindi ako maintindihan noong discussions.
Buti na lang binigay ni Vernon sakin iyong book niya last year nang mag Grade 12 din siya. Helpful yung mga notes and explanations na nakalagay dun. As in! Kasi sa bawat problem na isosolve, may explanations yung bawat steps doon kung paano nakuha yung mga sagot.
Meron din nakasulat dito yung shortcuts kung paano magsosolve pati na din formulas. May sticky notes din akong nakita.
What do you get when you mix sulfur, tungsten, and silver?
SWAG
Speking of Vernon... after that awkward hug, sobrang hiyang hiya ako sa kanya! Nagpapasalamat naman ako kasi umuwi din siya kaagad. Dahil kung magtatagal pa siya dito sa bahay, hindi ko na alam ang gagawin. And here I am now, tinalo pa ang nagkape dahil hindi ako makatulog at hindi makaramdam ng antok because of what happened earlier.
Kasi naman Euri bakit may pag yakap?! Hindi ba pwedeng mag thank you na lang?
But honestly, if that will happen again, yayakapin ko pa din siya. I don't know, I just want to hug him that time.
Natapos akong mag aral ng mga 6 o'clock. Pagkatapos ay naligo ako at nag bihis na ng white long sleeve, dark blue coat at skirt. Nag sapatos na din ako para after mag breakfast aalis na ako agad.
I walked towards to our marble top dining table, I took a chair and sat down. Yaya placed the bacon, hotdog, egg and garlic rice at the table.
"Bilisan mo, Euri. Baka malate ka sa exam mo." paalala ni Yaya.
"Opo..." sagot ko.
Nasa kalagitnaan ako ng pagkain nang makita kong bumaba si Kuya sa hagdan at bihis na bihis, wearing white long sleeve inside his maroon coat, and maroon pants.
Nanlalaki ang mga mata at nagtataka ko siyang tinignan.
"You're staying, Kuya?" hindi makapaniwala kong tanong.
Naupo siya sa harap ko at saka uminom ng kape.
"Yeah, para bantayan ka." he said in a normal tone.
"Pero akala ko sa Paris ka pa din magaaral?" nalilito kong tanong sa kanya.
"Not anymore, I can't leave you here. Kung babalik ako sa Paris, I'll bring you with me." he said.
"I'm sure, wala namang problema kila Dad iyon." he added.
"Bakit kasama ako? Naneun yeogi gwaenchana, Oppa."
*Translation: I'm fine here, Kuya.*
Hinawakan ko ang kamay niyang nasa lamesa at nginitian siya.
"Na-e daehae geokjeonghaji mala."
*Translation: Don't worry about me.*
He look worried to me and then he sighed.
"If you just know, Euri... if you just know everything, you'll understand me."
Hindi ko maintindihan kung bakit ako biglang nakaramdam ng kaba sa sinabi ni Kuya.

BINABASA MO ANG
What If (St. Mary's U Series #1)
Teen FictionEverything seem so perfect. Pero bakit gano'n? Parang may kulang pa din. Is it What or Who? Eurica Vannesa San Diego, the heiress of one of the biggest companies in the country. Kind, sweet and obedient daughter, but will she still be the same after...