Chapter 39

219 24 46
                                        

This chapter is dedicated to: YuriManggo

Happy reading! Don't forget to vote and leave some comments ❤

I never felt so full like this before. Paano ba naman kasi ang dami nilang binili kanina. May popcorn, ice cream, siomai, milktea, shawarma, tacos at kung ano-ano pa.

Nang mag gabi ay nanood kami ng fireworks. Nakaupo kami ni Vernon sa bench habang sila Vienne at Billy ay nasa harap namin at nagtata-talon sa tuwa. Their small fingers are pointing at the fireworks while laughing as they watch the fireworks.

After the fireworks display, nagikot-ikot pa kami dahil ayaw pa umuwi nila Billy hanggang sa nagpabuhat na sa'kin si Vienne.

"Ate Euri, I'm sleepy na." Vienne yawned and rubbed her eyes with her small hands.

Huminto kami saglit sa paglalakad.

"Uwi na tayo?" tanong ko bago siya binuhat.

"Yes," she uttered and nodded her head.

Sumiksik siya sa leeg ko at yung maliliit niyang kamay ay nakahawak sa balikat ko. Maya-maya lang ay nakatulog na siya. Si Billy naman, nagpapabuhat na rin kay Vernon.

"Kuya Venon, I'm sleepy too." Itinaas ni Billy ang dalawang kamay para magpabuhat kay Vernon.

Vernon crouched down and smiled at my cousin. "Okay, we'll go home na hmmm." He messed Billy's hair and carried him in his arms.

Billy being sleepy just nodded his head. We are now heading to the parking lot, while carrying my cousins. Nakatulog na nga dahil sa pagod.

Naglalakad kami ni Vernon pauwi nang may batang nabangga sa akin.

"Ouch!" the kid winced in pain, sitting on the ground.

Mabuti na lang natulungan siya ni Vernon tumayo kahit na buhat si Billy, hindi ko kasi siya matulungan dahil dala ko si Vienne.

"Sorry po, hindi ko siya napansin." I apologize immediately to the Mom of the kid when she approached us. Tumatakbo kasi yung bata kaya hindi ko na naiwasan.

"No, it's okay. Pasensiya ka na din. Makulit kasi talaga 'tong anak ko, takbo ng takbo kanina pa." pinagpagan niya yung damit ng batang lalaki. Mga kasing edad lang din ni Billy.

"By the way, I'm Lisa." pakilala niya sa sarili, then she looked at me and Vernon. "Kayo?"

"I'm Euri," tapos tumingin ako kay Vernon. He was also looking at me. "and he's Vernon."

"Oh I see. Nice meeting you two. Ang cute ng babies niyo ha!" she commented with a bright smile. "Kanina ko pa kasi kayo napapansin habang nagiikot-ikot kami. Ang cute niyo panoorin. Kahit na medyo... mukhang bata pa kayo para magka-anak." She put her hand on her lips as she laugh.

My cheeks burned, "U-Uhm pinsan ko po sila."

"Oh! I'm sorry." realization hit her. "I thought mag asawa kayo at anak niyo sila." she said pertaining to my cousins.

"Pero mag asawa ba kayo?" She inquired.

Umiling na lang ako dahil nahihiya ako sa itinanong niya.

"Mag boyfriend?"

"No po," si Vernon na ang sumagot saka inayos ang pag buhat kay Billy.

Nailing na lang ang babae habang natatawa. "Kayo talaga. Di ko alam meron na pala ngayon na nag di-date kahit hindi mag boyfriend."

"Pero seryoso, bagay kayo." she added and gave us a meaningful look.

What If (St. Mary's U Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon