Chapter 29

261 73 70
                                        

Nag volunteer ako na ihahatid si Vernon hanggang sa gate. Nang makarating kami sa gate ay humarap siya sakin. I can see his McLaren from here.

"Thanks for today." sabi ko.

He chuckled on what I said. "What for?"

I shrugged. "For coming here?

Yes, there are some guys who have a crush on me. But honestly, madalas mafifeel mo agad kung seryoso sila at mabuti ang intensyon. And those guys aren't serious enough to face my parents.

They just want to flirt with no commitments.

I'm glad Vernon is way more different from them.

Tumawa siya. "Anything for you, Vannesa."

"Mukhang tuwang tuwa sayo si Lola kanina ah."

"She's just so kind like you, also your Mom. But your Dad is quite strict." he placed his hands inside his pocket.

Bakit ba ang gwapo pa rin niya kahit ayon lang naman ang ginawa niya?

Malala na yata ako.

I leaned to the post near me. "Naalala ko lang...uhm.. na parang hindi pa ako pumapayag magpaligaw sayo."

He stared at me intently.

Then the side of his lips rose.

"I know you would say yes eventually. I can't wait for your approval. Baka maunahan pa ko ng iba, mahirap na."

"Tho don't feel pressured on your decision. I waited for you since day one and waiting again for you to say yes won't be hard. " He told me with sincerity, smiling which made my heart race.

And then there, I've decided when to answer him.

I wrinkled my nose para itago ang kilig.

"Sure, sabi mo yan ha. Can you wait after 6 years?" I teased.

"Why 6 years?" he pouted. Mukha siyang bata na inaway ko. How can he be so handsome and cute at the same time! 

Ang unfair ng buhay. Samantalang ako kailangan ko pa mag ayos ng sarili to look presentable.

"I'll finish my studies first before getting myself a boyfriend."

He's still pouting. "Okay,"

"Basta ikaw ang hihintayin, it's fine with me." may binulong siya na hindi ko na narining.

Natawa ako sa reaction niya. Really, he believed that?

"Mabuti pa umuwi ka na. It's getting late." pinagtulakan ko na siya papasok sa kotse niya.

Kahit ayaw pang umuwi ay sumunod na rin siya. Mukhang labag pa sa loob niyang i-start ang kotse.

"Ingat ka." I beamed and waved my hand.

"Yes, ma'am." he saluted like he always did.

---

Mabilis lumipas ang mga araw at may class na ulit kami. And I remember that our exam is approaching. As well as my birthday.

So my friends and I agreed to study and go to the senior high school library.

Mas tahimik kasi doon kaysa sa classroom. Dahil yung mga classmates namin sa room masyadong maingay. Kampante sa lalabas sa exam.

We sat on our usual spot dito sa may gilid, kung saan walang mga estudyante.

"Wait, where are the guys?" Chantalle asked after she noticed that our friends didn't follow.

What If (St. Mary's U Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon