This chapter is dedicated to: ullysesganda
"Noted, thank you Doc."
I peeled my eyes open as I heard Trevor's voice and when the door slid open and shut. Tumingin ako sa paligid para malaman kung nasaan ako.
It didn't take me long to know where I am. The white-colored walls and ceiling, fluorescent lights, antiseptic smell, gentle blowing of AC, and the window where I could see the view outside. The place is screaming that I'm in a hospital room.
"Kamusta ang pakiramdam mo?" Mabilis akong napaupo sa kama nang magsalita si Trevor.
"Dahan-dahan lang, wag ka muna bumangon. Na-over fatigue ka daw, for sure dahil yun sa work mo at school." Ang isang kamay niya ay nasa likod ko nakaalalay habang ang isa naman ay sa braso ko. "What's the problem?" tanong pa niya nang mapansing hindi ako nakikinig.
Nagpa-panic akong lumingon kay Trevor. "Nasaan si Magui?! Diba kasama mo siya kanina? Kamusta siya? Narinig ko siyang tinatawag ako!"
He then, cupped my cheeks and softly kissed my forehead. "Calm down, Euri. She's fine."
"Natutulog lang siya."
When Trevor moved a bit, I saw a long cream-colored sofa behind him. Kumalma ako nang makitang nandoon si Magui at natutulog nga.
"She's worried about you kasi bigla kang nahimatay kanina. I explained to her what happened para tumahan siya."
Nasapo ko ang noo nang maalala ang nangyari kanina.
Paano na ang trabaho ko nito? Nandoon pa man din si Xian.
"Ang cellphone ko?" I extend my arm, asking for my phone. "Kailangan ko tawagan si Xian. Nahihiya ako sa nangyari kanina."
Trevor fished my phone out of his pocket. Ibinigay niya sa akin yun saka tinawagan ko agad ang boss ko.
I moved the phone away from my ear and wondering why he is not answering my calls. "Hindi ko siya matawagan," Ano na kayang nangyayari sa shop ngayon?
He started to arrange a bed tray in front of me. And there, he put a plate with fruits, may chicken noodle soup, tubig at gamot.
"You don't have to worry about your work. Xian gave you five days to rest."
Nakahinga ako ng maluwag nang sabihin niya yun. But of course, there's a part of me na nahihiya sa nangyari. "Sige, I'll just message him para mag thank you."
I typed a message for Xian saying thank you for understanding. Pagkatapos nyon ay niyaya kong kumain si Trevor ng dinner para may kasabay at dahil alam kong hindi pa siya kumakain sa kababantay sa amin ni Magui.
Ininom ko ang gamot at tubig na binigay din niya matapos kumain. Nagulat na lang ako nang ilagay niya sa noo at leeg ko ang likod ng kamay niya.
"Mabuti naman bumaba na ang lagnat mo." He sighed in relief.
Unconsciously, I was staring at Trevor. Looking at his cute curly black hair, pointed nose and angelic face, I feel like nothing has changed to him. And I'm glad about that.
From then until now, his care, love and efforts for me didn't change.
At pakiramdam ko...
Unti-unti na akong nahuhulog...
〰️〰️〰️
"Mama, hindi talaga ko pwede sumama?" Magui's lips quivered, her eyes started to water.
BINABASA MO ANG
What If (St. Mary's U Series #1)
Teen FictionEverything seem so perfect. Pero bakit gano'n? Parang may kulang pa din. Is it What or Who? Eurica Vannesa San Diego, the heiress of one of the biggest companies in the country. Kind, sweet and obedient daughter, but will she still be the same after...
