sihun's
nagagalit ako sa hindi malamang dahilan. kasalanan ko ba? o kasalanan niya?
o kasalanan namin parehas?
paano na lang kung siraan ako ni nyxiel.. paano kung masira image ko sa university at matanggal ako sa top 10?
no, baka hindi naman. hindi naman siguro ganoon kababaw si nyxiel para siraan ako dahil lang doon.
pero ang mali ko rin kasi, nasabihan ko siya ng hindi tama at masasakit na salita. i even told her that she was ugly, it hurts, i know.
sobrang sakit nun para sa kaniya. pero totoo naman eh, hindi naman talaga siya kagandahan, si diana ang maganda.
si diana lang ang maganda sa paningin ko.
crush ko kasi si diana, since grade 6 ako. she's a year older than me. she's my senior.
ni hindi ko inakalang aabot sa ganito, hindi ko sinasadyang saktan si nyxiel. hindi talaga.