sihun's
"midam hyeong! kamusta na kayo ni desiree?" masigla kong tanong kay midam hyeong, bigla naman siyang lumungkot.
"ah? kami. ayos lang kami." sagot niya, pero alam ko namang nagsisinungaling lang siya.
"hyeong, alam kong hindi ka nagsasabi ng totoo. sabihin mo, dali." sabi ko, mas lalo akong lumapit sa kaniya. nakikita kong patulo na luha niya, kaya agad naman akong naalerto.
"ginamit niya lang pala ako." malungkot na saad niya. hindi ako makapaniwala. grabe naman si desiree. paano niya nagawa kay midam hyeong 'yun?!
"ginamit niya lang ako para pagselosin si seobin." dagdag pa niya. seobin? wait.. hindi ba kapatid ni nyxiel 'yun?
what the hell?
mas lalong kumulo dugo ko kay nyxiel. kahit na hindi siya 'yung gumawa, kapatid niya pa rin 'yun.
humanda siya sa'kin.