sihun's
isang linggo na ang nakalipas pagkatapos nung gulong 'yun.
nahalata kong hindi pa pumpasok si nyxiel, nahalata rin iyon ni eunsang.
parang nakokonsensya na ako. pero bakit.. bakit ako makokonsensiya eh wala naman akong ginagawang masama?
"sihun," dinig kong tawag ni eunsang. tumango naman ako,
"si nyxiel, na confine pala. ni hindi raw kumakain sa loob ng isang linggo. puro puyat na din ginawa niya." nag aalalang sabi ni eunsang.
bakit feeling ko kinakabahan ako, natatakot at nag aalala ako?
bakit ganito nararamdaman ko? nobody lang naman si nyxiel para sa akin.
"sihun, puntahan mo siya. mag sorry ka sa kaniya." giit ni eunsang.
ako.. mag sosorry?
bakit pakiramdam ko gusto kong um-oo na lang?
"a-ah.. sige. s-saan ba siya naka admit?"