30 ;;

178 7 9
                                    

eunsang's

"eunsang, salamat ah." rinig kong sambit ni nyxiel nang mahawakan ko 'yung door knob.

"hm? para saan?" naguguluhan kong tanong. ngumiti naman si nyxiel,

"sa pagsabi kay sihun." saad niya.

bakit ang sakit, nyx?

bakit ang sakit pa rin, akala ko ba hindi na ikaw 'tong tinitibok ng puso ko?

bakit ganito? akala ko okay na eh.

"a-ah. doon ba? ano ba, wala 'yun. you're always welcome, nyx. nako po, yie may love life na siya." biro ko. weh eunsang weh, masakit 'diba?

"utot mo, eunsang! nag sorry lang si sihun. hindi ko nga alam kung gusto niya rin ako eh." malungkot na sambit ni nyxiel.

nyx, ako na lang. ako, mahal kita.

"bahala nga kayo! haha. 'uy nyx, uwi na ako, chat or text me na lang if may kailangan ka. si karylle naman magbabantay sa'yo, diba?" tanong ko uli,

"ah oo, bye eunsang! ingat ka." nakangiti niyang sabi.

ngumiti ako pabalik at tuluyan nang lumabas sa room.

habang naglalakad ako sa hallway ng ospital, hindi ko alam pero naiyak ako, ang sakit talaga eh.

binilisan ko na lang para makasakay sa huling bus, umupo ako sa may bandang bintana.

oh shoot. umulan pa.

wrong timing naman. kung kailang nagddrama ako, doon pa talaga umulan. ano, iyakan na lang ba?

"t*ena eunsang, ipaubaya mo na si nyxiel kay sihun." sambit ko sa sarili. mas lalo lang akong naiyak.

sinuot ko ang earphones ko at nagpatugtog, umaasang makauwi na sana ako.

//

pagka uwi ko, agad agad akong pumunta sa kwarto ko at umiyak.

"eunsang, please. tama na, nasasaktan ka na eh 'diba? please, ipaubaya mo na si nyxiel kay sihun.. masakit talaga pero kailangan." sabi ko sa sarili habang sinusuntok 'yung pader.

mas lalo akong umiyak, humihina ang mga suntok sa pader hanggang sa bumagsak ako sa lapag.

"t*ena. nyxiel, mahal kita."

paasa ;; kim sihun [✓]Where stories live. Discover now