nyxiel's
sinabi ko na kay karylle na dadaanan na lang kami ni eunsang para kuhanin 'yung mga damit.
"hoy bibe!" nawala naman ako sa thoughts ko nung narinig ko boses ni karylle. ampupu, napaka lakas ng boses neto!
"gaga hindi ako bingi!! bakit ba ha?" sabi ko, tumawa naman siya. hala, baliw?????
"gaga ka rin, hinahanap ka ng eunsang mo- yieeee" binuhat niya 'yung lagayan namin ng mga gamit na damit at dumiretso sa pintuan.
nakipag unahan ako sa kaniya, at siyempre, nauna ako kaysa sa kaniya.
"hi nyx! hi rylle!" bati ni eunsang. hays, ang gwapo talaga niya. hihi.
charot. si sihun pa din.
"HI EUNSAAAAAAAAANG" bati ko naman pabalik. bigla akong binatukan ni karylle, ang ingay ko kasi.
"t*ena naman ang ingay ha. ayan! ikaw magbigay sa eunsang mo. psh." inis na sabi niya at humiga sa bottom bunk niya.
"ay eunsang, pasensya na ha. ganito talaga kami hehe." pagpapaumanhin ko. ngumiti naman siya,
"okay lang sa akin, nyx. para namang hindi ko kayo kilalang dalawa." sabi niya habang nakangiti.
hays, ang gwapo talaga.
pero sihun, bakit ikaw pa rin tinitibok ng puso ko kung nandito naman si eunsang?