10:05 PM
nyxiel yoon
active nowkarylle: hoy bebiq
karylle: ano ba nangyare ha
karylle: ba't ka ba umiiyak diyan sa taas ng kama ko ha. sino nagpaiyak sa'yo.
karylle: sasapakin ko.
nyxiel: gaga. puwede ka naman kasing bumangon diyan sa kama mo, huwag ka tamad, yakapin mo 'ko dali.
nyxiel: kailangan ko ng comfort, bebiq.
karylle: gaga ayan na ha sige babangon na. ito na nga lang papatahanin eh. huwag kaya kita i comfort diyan. 🙄🙄
nyxiel: sapakin kita sige.
karylle: iTO NA NGA EH 'DIBA. ATAT NA ATAT
/////
karylle's
agad akong bumangon sa bottom bunk nitong double deck namin ni nyxiel, magka dorm mates kasi kami.
"hoy gaga. si sihun ba rason?" panimula ko. umakyat ako sa kama niya para tabihan siya.
"oo, dai. si sihun kasi. pinaasa ako. pinaasa ako ni mokong." giit niya. biglang uminit dugo ko. not my bestfriend, okay. ako na saktan, huwag lang siya.
"gaga anong ginawa sayo nung loko lokong 'yun?!" tinaasan ko boses ko at niyakap si nyxiel. mas lumakas mga hikbi niya.
"eh kasi naman. nagpakita ng motibo, hindi naman pala totoo. hinarot, pero chinarot!" mabilis na sabi niya, buti naiintindihan ko. mas hinigpitan ko 'yung yakap ko sa kaniya.
"tumahan ka nga muna. huwag mo iyakan 'yung mokong na 'yun! tutulungan na lang kitang humanap ng iba." sabi ko, bigla naman akong hinampas ni nyxiel.
"gaga ka talaga! eh ikaw, balita sa inyo ni midam?" tanong niya. napaisip naman ako,
"ah? kami? wala, mahal ko pa rin, kaso may problema pa 'yun eh. si desiree kasi, eh ayaw ko naman siyang agad agarin." mapait naman akong ngumiti.
////
a/n: plug ko lang story ni -pyongina na photograph. medyo connected sila sa isa't isa, (itong paasa at photograph.) basahin niyo 'yun, kapag 'yun hindi niyo binasa sige wala kayong magiging jowa- charot. HAHAHAHHAHA.