nyxiel's
nakita ko 'yung message ni eunsang. natuwa naman ako, agad naman akong kumuha ng pang loob na damit at kinuha uniform ko.
naghanda na ako para maligo pero nakita ko na ang daming pagkain sa mesa.
"karylle, ikaw nagluto neto?" tanong ko. aba, marunong pala magluto 'to?!
"yup. nautusan eh." sabi niya habang naghahanda ng dalawang plato.
"ha? nino?" tanong ko ulit, mahina naman niya sinabi na, "si eunsang mo, gaga."
"ah.. hihi. sige ligo na ako! nakaligo ka naman na 'diba? tagalan ko na maligo. hehe." paalam ko at pumasok sa banyo.
//
break time na, pero hindi ako nakapasok sa canteen, at mukhang hindi na rin makakakain dahil sa dami ng tao.
nakita ko naman si sihun, kasama si diana habang nakangiti.
q*qo ang sakit. ang sakit pala. hahaha.
dinistract ko na lang sarili ko sa pamamagitan ng pag review para sa quiz sa next subject namin.
"hoy nyx! ba't hindi ka kumakain ha?!" dinig kong sabi ni eunsang. wow galet na galet,,, usto manaket
"eh ang daming tao eh! tsaka hindi pa ako nakakapag review eh. tsk." sabi ko. tumabi naman siya sa akin, at naglabas ng lunch box.
eh?
"oh ayan, kumain ka! huwag ka magpapalipas. payat payat mo eh." sabi niya habang hinahanda 'yung lunch box sa harap ko.
"q*qo ka ba? bakit hindi mo kainin 'yan? sa'yo 'yan eh!!" giit ko naman, nag kibit balikat na lang siya at sinabing,
"busog pa ako, nyx. ikaw na kumain neto, ayaw ko namang nagugutom ka."
hindi ko alam pero nakaramdam ako ng mga paru paro sa tiyan ko.
nakita ko sina sihun at diana ulit na kalalabas lang ng canteen, ang sama ng tingin sa akin ni sihun. pero anong pake ko?
"nyx? okay ka lang?" tanong ni eunsang, ngumiti na lang ako at tumango.
"nyx, kung kailangan mo ng tulong sa general info, nandito lang ako ah? kumain ka muna at tutulungan kita mag review." giit niya habang nakangiti.
ang swerte ko kay eunsang, seryoso.