23 ;;

173 9 2
                                    

nyxiel's

si sihun nga pa rin ba..?

si sihun pa ba mahal ko?

"nyx. sagutin mo 'ko.. mahal mo si sihun 'diba?" tanong ni eunsang habang umiiyak.

"e-eunsang..." giit ko. umiiyak na rin ako. nakatitig lang si sihun sa amin, dumudugo 'yung gilid ng labi niya.

"nyx. si sihun mahal mo, 'diba? nyxiel.." tanong ulit ni eunsang. wala sa sarili akong tumango.

"haha sihun, ang swerte mo! seryoso. sana lahat, mahal ni nyxiel. sana ako na lang ikaw, pre! sana ako na lang si sihun. sana ako na lang. lahat na ginawa ko para sa'yo, nyx. kasi mahal kita. pero sihun pa rin eh, alam ko naman 'yun." umiiyak na sabi ni eunsang habang bumibitaw sa yakap namin.

"eunsang, please-" sabi naman ni sihun. tumawa lang uli si eunsang, umiiyak pa rin.

"nyx, pinapalaya na kita. dati pa lang, crush na kita. hanggang nung high school tayo, hindi na lang pala simpleng crush. love na pala, haha."

"pero si sihun eh.. si sihun mahal mo. pre, alagaan mo si nyxiel. huwag na huwag mo sasaktan iyan, baka mangyari ulit 'to." nakangiting sabi ni eunsang. parang dinudurog 'yung puso ko..

"i love you, nyx. mahal na mahal kita." saad niya, at ngumiti ng mapait at umalis.

t*ena mo, nyxiel.

paasa ;; kim sihun [✓]Where stories live. Discover now