sihun's
it's now 4 pm and i assume na nasa dorm na si nyxiel.
nag abang ako sa pinto ng dorm nila ni karylle. kakausapin ko si nyxiel. gusto ko siya kausapin, ulit.
"ay anak ng tok- ay hi sihun!" bati ni karylle. ngumiti naman ako,
"hmm, nandiyan ba si nyxiel?" tanong ko. tumango naman siya,
"yes po, bakit po? hmm?" nakataas pa 'yung kilay niya. psh. bwisit naman na kaibigan 'to. chismosa t*ena.
"wala lang, kakausapin ko lang. puwede ba?" tanong ko ulit, kunwari hindi naiinis.
"puwede naman. pero huwag mo paiiyakin ah? sige na kuya sihun, bye! hehe." sabi niya, ngumiti na lang ako at nagpasalamat.
umalis na si karylle at pumasok ako sa loob.
"hoy karylle 'asan 'yung mga sagi- sihun?" gulat na sabi ni nyxiel.
"hi nyxiel. may sasabihin lang sana ako sa'yo, regarding sa inyo ni eunsang." sabi ko. tumango na lang siya at inimbitahan akong umupo.
"ano ba 'yun?"
"hindi niyo ba alam, pda kayo kanina?"