{Add as friend}

94 42 4
                                    

Pagkagising ko ay agad kong kinuha ang cellphone ko dito sa ilalim ng unan ko. Syempre, mag facebook ako. Free wifi naman eh. Hahahaha!

Inopen ko na ang application na facebook. Ang tagal ko narin kasing hindi nakakapag online eh. Online na habang may pagkakataon pa.

Nakita kong 5 friend requests. Ang kunti T_T Pero okay na yan, sino ba namang mag-aadd sa mukhaan ko oh? 1 Message. Sino naman kaya to? Himala, may PM akong natanggap. At higit sa lahat! 50+ Notifications. Oh? Hindi pa ako umaabot ng gantong Notif ah!

Binuksan ko mung ang Friend Requests pero ni isa ay wala akong kilala kaya wala akong in-Accept. Sumonod naman yung Message at nakita kong si Angel. In-open ko yung link na ibinigay niya. Tutal, malakas naman yung wifi ay agad itong nag loading.

Perooooooo! Waaaaaaaa! As in, waaaaaaah! Iloveyou talaga Angel. Ikaw na talaga magaling mag spy! Whooooo. Ang OA -_- Nakita ko kasi yung facebook ng lalaking nambastos sa akin.

Add ko ba? Oo na sige na, tutal hindi naman ako ang picture ko dahil si Rojean. Ang ganda ganda ko sa profile ko. ♡♡

In-Add ko na siya pero ayaw. Nalungkot naman ako, sayang ang pagkakataon. Masyado na siyang maraming friends. Follow ko nalang.

Haaaaays naman! Sayang talaga ang pagkakataon na maging close ko siya pero hindi. Close talaga? Sa mukha kong to makikipag close sakin yun? Hahahaha!

Bumangon naman na ako at iniwan ang cellphone ko sa kama. Magluluto na ako ng almusal namin lahat dito. Ako ang nagluluto tuwing umaga tapos naghuhugas ng plato tuwing gabi.

Syempre, pang breakfast lang niluto ko. Wag niyo sanang mamasamain, masarap akong magluto! Ewan ko ba kung saan ko namana ang pagluluto na to pero masarap talaga eh!

"Ice. Handa naba ang umagahan?" Sigaw ng amo ko. Ang aga aga sumisigaw -_- Hayaan mo na nga siya.

"Opo. Nakahain na po. Kakain nalang." Pagtataray na sabi ko naman. Minsan gusto ko naring umalis dito at mangibang bansa. Whoooooaw!

Bumalik naman na ako sa kwarto ko. Wag niyong akalain na malaki ang kwarto ko ah? Kwarto ko na maliit lang, kasya talaga pang isang tao lang. Medyo malamok pero may kulambo naman.

Kinuha ko ulit ang cellphone ko at nakita ko sa itaas na may nag text. Kanina mesaage ngayon naman text.

Syempre tiningnan ko naman at si Angel ang nag text.

<Ice, nakita mo na yung PM ko sa facebook?>

Nireplyan yan ko naman siya at nagfacebook na ulit.

Maya-maya ay tumonog nanaman ang cellphone ko at nag reply si Angel.

<Yung kasama niya lagi, si Melchev, alam ko rin facebook nun.>

Oh my! Siya na talaga! Siya na. Wag mong sabihing gumagaya na siya kila Faye. Wag Angel, sayang ang ganda mo.

<Ikaw na magaling mag hanap ng undiscovered people. Hahaha! Kita nalang tayo mamaya sa school.> Reply ko naman sa kanya.

Pumunta na ako sa sala at kumain. This time, kasabay ko ang mga maid kumain. Dahil maid lang din naman ako dito, mas maswerte nga ako eh, kasi napag-aaral pa nila ako.

[Melchev's POV]

"Tol! Kain na tayo." Sabi ko kay Sean na tila laging hawak ang cellphone.

Nandito ako ngayon sa condo ni Sean. At dahil mayaman sila, eto nga, may condo siya, sasakyan.

Hindi naman ako pinakinggan ni Sean at tuloy parin siya sa pagdudutdot ng cellphone niya.

"Tol! Ayaw mo kumain?" Tanong ko naman. "Mauuna na ako."

Kumain naman na ako at hindi ko na inantay tong mokong na to. Kay aga aga ang busy potek!

Maya-maya naman ay nakita kong kumilos na siya. "Tol! Alis tayo. Punta tayo Lagro."

Dumiretso nang CR si Sean at ako naman diretso parin sa pagkakain. Anong naisipan nun? Dahilan siguro sa kaka cellphone niya dahil diyan.

Kinatok ko si Sean sa CR at nagtanong. "Tol! Anong gagawin nating sa Lagro?"

"Wag ka nga! Bakla ampota!" Sigaw na sabi ni Sean habang rinig na rinig ko ang tilamsik ng tubig sa baba.

Bumalik nalang ako sa sala at kumain.

◇ Dream ◇Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon