{We're beautiful}

88 39 1
                                    

[Ice's POV]

"Ano naman ang gagawin natin diyan sa loob?" Nagtatakang tanong ko! Siguro, magpapaganda nanaman to si Angel. Hindi na nakuntento sa ganda niya?

"Para san ba ang beauty salon diba?" Birong sabi naman nitong si Angel. Sige, salamat sa magandang sagot! -_-

"I mean, sinong magpapaganda?" Seryosong tanong ko naman sabay irap. Nakakaloka lang kasi T_T

"Eh sino pa ba?" Sabi naman ni Angel. Oo, alam ko ako ang dapat na magpaganda pero wala akong pera! At tsaka, kuntento na ako sa ganda ko no!

"Pero-" Hindi na ako pinatapos ni Angel at siya naman ang nagsalita. "Wala nang pero pero, pumasok na tayo."

Nag no sign lang naman si Angel at tuluyan na kaming pumasok dito sa loob. Hindi niya ako pinakinggan, dahil diyan ililibre niya ako! Tsaka, ayaw ko talagang magpa opera. Ay buang? Opera agad! Wahaahaha.

"Hi Angel! Napabalik ka?" Bungad ng bading na nagbabatay dito sa salon. Mas okay na maging ganito ang itsura kesa maging bading eh =_=

"Kaano-ano mo?" Ngisi naman sa akin ng bading. "Alalay mo?"

Bumulong lang ito kay Angel pero akmang narinig ko naman ang sinabi niya! Umuusok nanaman ang mga ilong ko at taenga ko sa inis. Mukha ba akong alalay? Malamang, dahil sa kasama ko'y ganito kaganda.

"No. She's my friend." Ngiti namang sabi ni Angel sabay tingin sakin. "Ice, this is Kyle. Kyle, this is Ice."

"Nice to meeting you." Inunahan na sabi ko sa bading. Nakita ko namang inirapan ako nitong baklang walang suso na to! Aba, gusto mo pasara ko tong salon niyo at mawalan ka ng panlalaki mo? Nakoooo!

"Girls! Girls! Girls, assist this." Sabi nang bading habang nagpapalakpak. It means na dalian daw nila. Oo, tama! Dalian nila, kung hindi baka malate kami.

Inayusan lang ako ng inayusan ng mga babaeng naka palibot sa akin. Habang si Angel naman naka upo lang habang nagbabasa ng dyaryo. Minsan, nakikita ko silang nag-uusap ng bading na kabayo na to! Lahat na ata nasa kanya. Wag lang yung matitibay na hayop. Wahahaha!

Ayos. Ayos. Ayos. Ayos. Ayos. Ayos. After an hour.

Haaaay! Nakagising nalang ako ng bigla nang matapos na ang pagpapaganda sa akin. Nag stretching naman ako sa harap ng mga babaeng nag-aayos sa akin.

Nagsialsian naman tong mga beauty parlorist habang nag iistretch ako ng kamay. Hala? Mabaho ba kili-kili ko? Nag deodorant naman ako kanina ah! Oh baka naman mabaho hininga ko, hindi rin kasi nag mouthwash ako kanina. Ang overacting ng mga tao dito ah?

Tumingin naman ako sa salamin at nagulat ako sa itsura ko. Hinimas-himas ko lang ang mukha ko at ang kinis. Anung ginawa nila dito? Opera, hindi naman! Yung buhok ko, waaaaaaah! Rebonded? Bakit ganun. Ang ganda ganda ko na talaga!

"Ang ganda ko." Bulong na sabi ko sa sarili ko. Maniwala man kayo o hindi, wala akong paki. Basta, papaniwalaan ko ang sarili ko ngayon. Waaaaaah! Maraming salamat ng marami talaga Angela. Hero? Miracle? Ano? Haaaay Angela, ang swerte ng makakapang-asawa sayo.

Maya-maya ay tumayo na ako pinuntahan na si Angel. Nakita ko naman binabayaran na ni Angel ang bill. Ohmy! Sa kanya ang lahat? Tapos ako lang ang nagpaganda! Pero, may dala akong isang ddan dito.

Kaya naman pala niya ako pinadala ng One hundred is for this. Nakoooooo! Baka pagalitan naman ako nito ng Amo ko, anong ginawa ko sa sarili ko. Looooord, please. Ikaw nang bahala sa terror kong amo.

"Angel! Salamat sa lahat lahat ha?" Masayang sabi ko sabay yakap sa kanya.

Hindi ko maiwasang umiyak ngayon dahil sa sobrang saya ko siguro. Ngayon, hindi na ako malalait, hindi na ako pagtitripan ng mga nang titrip sa akin. Ito ang tinatawag na tears of joy. Hanggang sa napalakas na ang iyak ko kay Angel at sa malapit nang mabasa ang kanyang PE.

"Tara sa Bon's." Yaya sa akin ni Angel.

Yung bon's yun yung photography. So, magpapapicture kami? As in, kaming dalawa? Waaaaah! First time naming magpapicture ng kaming dalawa. Puro kasi kaming selfieng dalawa. Tapos ngayon, dslr pa ang gagamitin.

Nag fill-up na kami ng form at nagbayac na kami tapos kulang nalang ay tawagin ang pangalan namin.

After an minutes..

Tinawag na kami at kailangan na naming umakyat sa taas. 4 pics ang naka lagay sa fill-up form namin kaya naman kailangan naming gumawa ng iba't-ibang peys.

Habang pinoprocess ang mga picture namin at nakita na rin namin ito.

Nagsalita si Angel at sinabing. "We're beautiful."

(AUTHOR'S NOTE)

Sorry kung medy pangit na ang pagkaka lagay ko ng mga word dito sa bandang huli, masyado naring shoort cut pero ganon parin naman yun.

Read. Comment and Votes guys! Yun lang salamay ○○

◇ Dream ◇Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon