{First day}

89 42 2
                                    

Unang araw ko dito sa school. Hindi ako nahihiya, wala akong hiya eh! Sigurado nanaman ako, maraming malalaglagan ng panty dito.

Hindi muna ako pumasok sa room na sinabi ng registrar kung nasaan ang room ko at dito muna ako sa may upuan kasama si Melchev.

"Tol! Uwi na ako." Reklamo ni Melchev. "Inaantok na ako eh."

Humikab naman tong si Melchev nang hindi nagtatakip ng bunganga. Tang ina! Ang baho ng hinginga, joke lang!

"Magtakip ka nga. Baka mamaya may maka-amoy ng hininga mo." Sabi ko naman. Malay mo mabaho hininga niya tapos may maka amoy diba?

"Daming alam." Pagkakamot ng ulo nito. Halatang antok na talaga!

"Sige na! Umuwi ka na kung gusto mong umuwi." Pagtataboy ko naman sa kanya. Hindi ko na siya kailangan ngayon.

Maya-maya naman ay umalis na si Melchev at ako naman ang naiwan dito. So, boring, wala akong kausapi, nag earphone na lang ako at nakinig sa mga kanta ko.

Nakita ko namang may grupo nang mga babae sa akin na papalit. Ayan na nga ang sinasabi ko rh! Dapat may masakara muna ako ngayon.

"Kuya! Pwede pong pa.picture?" Tanong ng isang babae. Sigurado siyang may pakana.

Nahihiya naman akong tanggihan sila kaya naman sinabi ko nang "Sure."

Nagpapicture naman sila isa-isa sa akin. Baka mamaya maubos na yung ngit ko dito! Wala bang magagandang babae na magpapapicture diyan? Okay na yung una, pero sana yung mas maganda naman.

Teka! Tiningnan ko yung orasan ko. It's 12:30. Lagooooooot! Late na ako, late na ako sa first subject ko. Ano nga ulit yung first subject ko, tiningnan ko ito at pumunta na ako sa classroom.

***

"Mam!" Sabi ko sa teacher na nagtuturo na.

Nandito ako ngayon sa corridor ng second floor ng SB. Dito ako naka room. Section ko Aluminum. Ang sabi sa akin pang-apat daw na section iyon.

Nakita ko namang nagchichismisan na ang mga estduyanteng babae sa likod at alam kong ako ang dahilan. Sows naman!

"Class. You have a new classmate. Come in." Ngiting sabi ni Mam Aquino. Siya yung Mapeh teacher namin na ubod ng bait.

Sinabi na kasi ng registrar ang magiging subjects ko at mga ugali ng teacher ko. As of, ang sabi naman niya wala naman masyadong terror! Buti naman, wala.

Pumasok na ako at nagpakilala. "Hi! I'm Sean de Leon. Transferee from Saint Joseph Academy."

Nakita ko namang halos kiligin na ang mga babae dito sa akin! Ayaw ko na, baka ako pa ang dahilan pag bumagsak sila dito sa Fourt Year. Bakit? Baka kasi hindi sila makapag concentrate sa pag-aaral.

"Tol! Dito ka oh!" Offer nang lalaki duon sa gilid. Ayaw ko, mukhang gangster!

Nagsenyas nalang ako at umupo duon sa bandang likod. Syempre, dahil duon may mga babae duon ako. Kaso, wala pa akong ni isang babaeng maganda dito. Baka naman hindi ito yung school na sinasabi ng mga kabarkada ko?

Nagturo naman na si Mam Aquino at ako naman ay hindi makapag concentrate dito dahil sa mga babae. Hindi naman talaga intensyon ko ang mag-aral eh, mga babae, mga magagandang babae.

*Ting *Ting *Ting

Nag ring na ang bell at breaktime na. Meron naman na din akong kaibigan kahit isa. Pogi rin, pero mas pogi ako sa kanya.

"Boy! Sama kaba?" Tanong ko kay Isiah. Isiah pala yung bago kong kaibigan.

"Sige! San tayo?" Tanong naman nito.

"Sa may upuan dun sa malapit sa Admin. Pinapunta ko dun si Melchev." Sabi ko naman. Papakilala ko kasi sa kanya. Tatlo na kami? Pano ba yan!

Lumakad na kami at pumunta ni Isiah papunta dito sa Admin. As always, pinag bubulungan nanaman kami ng mga babae.

"Isiah!" Tawag nang ilang babae. Marami rin kakilala dito si Isiah kasi matagal na siya dito.

"Boy. Wait lang ah?" Sabi naman nito. "Kakausapin ko lang."

"Sige lang." Naka tayo naman ako dito sa gitna ng covered court at nakahawak sa batok. Syempre, para dagdag pogi points.

"Isiah, pakilala mo naman kami sa kasama mo." Bulong na sabi ng babae. "Ang pogi niya kasi eh."

"Mamayang uwian, papakilala ko kaya. May pupuntahan pa kami eh." Sabi naman ni Isiah.

Ipapakilala ako ni Isiah? Wag na! Hanapin nalang nila yung pangalan ko, kahit sa anong paraan wag lang ako mag pakilala! Ang papangit ng mga mukha oh!

"Boy! Tara na. Nandun na si Melchev." Pagyayaya ko kay Isiah.

"Sige. Una na ako!" Sabi naman ni Isiah sa mga babaeng walang kaganda ganda. I'm sure, malalandi yung mga yun.

[Faye's POV]

Tinawag ko si Isiah dahil sa bet ko ang kasama niya. Bagay naman kaming dalawa ah? Maganda ako, pogi siya. Pag nagka-anak kami sure, tandem ang magiging mukha niya. Oh gosh!

"Sige. Una na ako!" Sabi naman ni Isiah at pumunta na sa kasama niya.

Ang pogi talaga niya. Nangangati tuloy ang panty ko ngayon anubayan! Tapos sabi niya ipapakilala niya kami mamayang uwian? Aabangan ko talaga yun.

Sana lang at uwian na! Oh my goodness! Hindi ko kaya kapag nahawakan niya na ang kamay ko. Guguho ang mundo kapag nahawakan ko na siya at hindi hindi ko na siya bibitawan.

"Girls! Alam niyo na? Akin lang siya ah!" Sabi ko naman sa mga kasama ko.

"Huh!" Nagsitalikuran lang naman sila at iniwan ako.

"Oh girls! Girls, wait!" Habol ko sa kanila.

◇ Dream ◇Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon