{Prinsipe}

145 48 12
                                    

"Yung ano ko kasi..." Sabi ko na bitin.

Maya-maya ay nilibot ko ang mata ko dito sa quadrangle at may nakita ako. Isang lalaki, isang lalaking gwapo.

Napatakip ako sa bibig ko gamit ang dalawa kong kamay. "Ang aking prinsepe."

Napatulala lang ako sa lalaking nakita ko. Ang lalaking nakita ko sa panaginip ko, nakita ko rito. Mangyayari rin kaya yung scene na nasa canteen kami? Sana oo, mapahiya na ako mahawakan ko lang kamay niya.

[Angel's POV]

"Ano? Prinsipe mo? Sino naman yun?" Gulat na tanong ko kay Ice. May prinsipe na to? May nanliligaw na dito?

Nakita kong tulala lang si Ice at may tititingnan ng maiigi. Tinanaw ko rin naman ang tinitingnan ni Ice.

Lalaking gwapo, maputi at mukhang matalino. Ayan ang prinsipe niya? Oh my! Dinaig pa ako nito, wala ngang nanliligaw sa akin na ganyang klaseng lalaki.

"Huy!" Pag-yuyugyog ko kay Ice. "Nanliligaw sayo yan?"

Hindi naman sumagot si Ice at nakatingin parin siya sa lalaking gwapo. Halos mag laway na siya sa kakatitig eh!

"Huy!" This time binatukan ko na siya. Hindi namang ganon kalakas.

"Ano ba yun?" Galit na sabi ni Ice at tingin parin sa lalaki.

"Tumingin ka kasi dito." Inikot ko naman ang leeg niya para lang makatingin dito. "Nanliligaw sayo yan?"

"Hindi lang siya nanliligaw." Sabi naman ni Ice. "Asawa ko na siya."

Eh? Ang bata bata asawa agad nasa isip? Putcha! Sasampalin ko to para naman mawala yung masamang espirutu na pumasok sa kanya.

Hindi naman na ako naki alam pa at nanahimik nalang. Tiningnan ko rin naman yung lalaki pero ang nakita ko ay paalis na siya. May kasama siyang isa pang lalaki. Parehas niya, pogi rin.

"Huy! Ano? Okay kana?" Nabaling naman na atensyon ko kay Ice.

Ang nakita kong Ice, naglalaway, kala mo gutom na hindi nakakain after how many years. Hay nako! Iba talaga kapag ganyang ang itsura mo no? Ang taas ng mga pangarap.

"Ay. Ano ba yan." Sabi ni Ice at pinunasan ang mga laway. Kulang nalang talaga langawin ang laway niya at makakakain na siya.

"Ano yung tanong mo kanina?" Dagdag na sabi ni Ice. May masama talagang espiritu sa loob niya T_T

"Wala. Sabi ko ang ganda mo!" Sabi ko nang pag-iinarte sabay irap.

"Angel, wag kang ganyan, siya kasi yung lalaking nakita ko sa panaginip at kasama niya pa yung isang lalaking gwapo rin." Masayang ulat ni Ice. Pake ko? Edi siya na mahaba ang buhok.

"Edi ikaw na maganda! Tara na nga!" Sabi ko at tumayo na at pupunta na sa Classroom.

***

"Sir! Sorry, we're late." Sabi ko kay Sir Cosme habang nagtuturo.

Pumasok naman na kaming dalawa ni Ice. Hindi kami magkatabi, ako medyo nasa bandang gitna at siya nasa harapan.

Naka mark tuloy ako sa Attendance na late! Nung umalis naman ako sa bahay hindi pa ako ganung masyadong late pero ngayon. Ba't pa kasi ako sumama dito kay Ice eh T_T

Natapos nalang mag discuss si Sir Cosme at ang iba pa naming mga subjects.

Tumonog na ang bell at breaktime na. Sa amin kasi, kapag breaktime kailangan tutunog muna ang bell bago pa mag breaktime.

Yung iba kasi nag cucutting ng mga subjects nila at rason nila na wala silang teacher o kaya break.

"Tara na sa canteen!" Sabi ko kay Ice at kuha ng bag ko.

Naiirita na talaga ako sa itsura nitong si Ice. Hindi talaga marunong mag-ayos sa sarili. Kaunti nalang at mukhang mangkukulam na talaga siya.

***

"Juice nga po." Sabi ko at abot ng bayad.

Binigay naman agad sa akin ang binili ko. Si Ice, walang pera yan, nagpapalibre lagi sakin yan.

"Ano Ice, hindi kaba kakain?" Tanong ko kay Ice na nasa likod ko lang. Parang buntot ko lang yan pero hindi.

Hindi naman siya umimik at maya-maya ay may dinukot siya. Pumunta siya sa harap. Ay! May pera siya ngayon ah?

"Pabili po ng hamburger at shake." Sabi ni Ice. Waw! Kailan pa siya kumain ng ganyan? Oo nga! May pera siya, inabot niya na ito at kinuha na ang order niya.

◇ Dream ◇Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon