{Emotional}

73 21 6
                                    

[Ice's POV]

Nakakabasar yung lalaking yun! Kala mo kung sinong pogi. Hindi ako choosy no -_- Kala mo naman ganon siya kapogi. Ohmegesh! Kenekeleg ake. Pero joke lang yun, ang kapal kapal talaga ng mukha niya. Sabihin ba naman niya na girlfriend niya ako pero NBSB nga ako! Waaaaaaaah!

Pumasok na ako ngayon dito sa classroom at sumalubong sakin yung mukha ni Angel.

"Hi!" Bati ko rito sabay ngiti. "Kamusta jogging?"

"Tss." Sabi naman nito at itinapon ang dala niyang papel.

"May problema ba?" Tanong ko rito. Parang badmood siya ngayon ah? Anung meron? May umaway ata sa kaibigan ko ah!

Hindi naman siya sumagot at sa halip ay tumungo nalang siya sa kinauupuan niya pero pinigilan ko siya.

"Teka nga! Teka nga!" Pagpipigil ko sa kanya neto. "Ano bang nangyari? May problema ba?"

Nagtatakang tanong ko rito at hindi rin naman siya sumagot. Makikita mo sa mukha niya na kala mo merong nililihim ang kaibigan niya. Ako, parang may nililihim sa kanya na kahit wala naman. Halata sa mukha niya na napaka dismaya. Bakit ba?

Hindi naman ito sumagot kahit na hawak ko na ang mga braso niya. Ano ba to? Pipi tong kaibigan ko? Sinong gumawa, uupakan ko talaga!

"Okay class. Goodmorning!" Bati nito ni Sir Cosme at halatang pagod na galing sa kakatakbo.

Tiningnan ko ang orasan sa relo ko at siya nama'y late na si Sir kaya halatang pagod na pagod siya sa katatakbo para makapasok agad.

Nabitawan ko naman ang pagkakahawak ko kay Angel at siya nama'y umalis na at tumungo sa kanyang upuan. Wala rin naman akong magagawa kundi ang umupo narin. Ano ba kasing meron, bakit parang may galit siya sakin?

Nagturo lang si Sir hanggang sa matapos din namin ang mga ginagawang activity niya. Natapos narin namin ilan naming subjects at breaktime. Breaktime, ito na siguro ang time na binibigay sakin para maka-usap ko na si Angel. Oo! Tama, kakausapin ko na si Angel kung ano man ang problema.

*Breaktime*

Hindi ko kasabay mag break ngayon si Angel dahil nga sa ewan kong dahilan kung bakit ganon ang mga pag trato niya sakin.

Nakita ko ngayon si Angel na may kasamang mga babae na friend niya siguro na di ko friend. Diba nga, si Angel lang ang kaisa-isa kong kaibigan? Pakshet! Mawawalan na ako ng kaibigan, nag-iisa na nga lang tapos mawawala pa siya sakin? Hays! Oras na para hindi ko siya pakawalan. Mawawala ang pagsasamahan namin.

Lumapit ako sa kanya at narinig ko namang nagsasalita siya. "Ayaw ko sa mga taong mang gagamit."

Sinabi niya rito sa mga kasama niyang babae na tila nakasalubong ang mga kilay at ang sasama ng tingin sakin. Wait, anong sinabi niya, mang gagamit? Sinong tinutukoy niya?

Lumapit lang naman ako sa kanya at nilakasan ang loob para makipag-usap sa mga kaibigan niya.

"Angel," sabi ko rito. "Pwedeng mag-usap muna tayo?"

Pag-aanyaya ko rito pero nakatitig lang naman ang mga kaibigan niya sakin at lalong ganon din si Angel. Ano bang nagawa kong mali na hindi ko alam na nagawa ko? Tsk!

"Ayaw ko sa mga taong mang gagamit." Sabi nito. Ano daw? Oo! Narinig ko, pero, bakit, anong nagawa ko?

"A-a-a-a-ko?" Pautal-utal na sabi ko at hindi ko naman na mapigilan ang mga luha sa mga mata ko at saka naman ito pumatak.

"Oo! Ikaw." Sabi naman nito na napaluha narin at dinudulo niya ang mga daliri niya sakin. Bakit? Anong nagawa ko?

"Ano-bang-nagawa-ko?" Mahinang sabi ko na rito dahil sa mga ungol ko.

"Hindi mo alam ha?" Halatang dismayang-dismaya siya sa tono niya. "Ano ang kumakalat sa campus ha?"

Anong kumakalat? Kumakalat ang alin? Wala akong alam! Ano ba sa tingin nila ang utak ko porket running for valedictorian ako? Tsk!

"Ang alin ha?" Sabi ko naman rito. Luhang-luha na ako dati sa mga sinasabi ng kaibigan ko. Ewan ko nalang kung kaibigan ko na siya ngayon.

"TOTOO BA!" Sigaw na nito ni Angel dahilan na ang lahat ng tao estudyante dito sa campus ay mapa tuon ang pansin sa amin.

"Ang alin ba?" Utal-utal na sabi ko rito. "Hindi kita maintindihan Angel."

"Wag ka nang magma-ang maang Ice! Kumalat na." Sabi nito ni Angel. "Gumanda ka lang dahil sa pera ko, gumanda ka lang dahil sakin. Tapos, ito ang igaganti mo?"

Hindi nalang ako umimik at patuloy parin sa pag-iyak dito. Halos lahat ng estudyante dito sa campus at nakatingin at nakatuon ang pansin sa mga pinag-gagagawa namin. Ano ba kasi ang tinutukoy ng kaibigan ko. Kaibigan ko pa nga ba? Wala naman akong masamang ginawa, bakit ganyan siya kung makaasta.

"Kayo ba ni Sean?" Diretsahang sabi nito ni Angel sa akin. So, ayun pala! Napaka bilis naman talagang kunalat ng chismis ng putchang-inang yan! Si Faye, sigurado ako, si Faye ay may sabi sa kanya nito!

"Hindi totoo yan! Ang kaibigan ko, magagawa kong lokohin?" Hingal na hingal na ako sa pag-iyak at halos mabasa na ang buong uniform ko. "Kanino mo nalaman yan?"

Hindi nalang sumagot si Angel at umalis ng umiiyak. Lumuluha na kala mo ay namatayan ng kamag-anak, parang narin. Kasi, ang turingan namin sa isa't-isa ay parang magkapatid na. Letseng buhay naman to oh! Mapapatay kita Faye sa ginawa mo.

"Plastik! Whooo!" Sigaw dito ng mga estudyante sa campus. Alam ko, ako ang pinaparinggan habang umiiyak na ako't na nakikita nila. Masama ba akong tao? Wala naman akong kasalanan!

Nag wolk-out nalang din ako at hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Gusto kong mapag-isa, gusto ko nang matahan tong pag-iiyak ko. Nasayang lang din ang pera na pinaganda ako ni Angel, nauwi lang din lahat sa wala. Kala ko forever friendship na ang pagkakaibigan namin. Si SEAN! Siya ang puno't ugat nitong problemang to! Sana mamatay na siya kahit na lalaking pinapangarap ko siya. Hindi pwedeng siya ang sisira sa pagkakaibigan namin ni Angel.

Dinala ako ng mga paa ko dito sa centinnial park, ditong mga mag couple kung saan gumagawa or gagawa ng kung anong gusto nilang gawin. Tutal, pagabi narin lang, hindi ko na masyadong makita ang mga tao dahil lalo na't mapuno dito at natatakpan sila ng makakabal na dahon.

Naupo muna ako dito sa may bench at napag-isa at inaala ang mga nangyari kanina. Hindi ko nanamang maiwasang lumuha dahil sa mga narinig ko galing sa kaibigan ko. Wala naman talaga akong kasalanan, nang dahil sa lalaking yon, siya ang dahilan!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 28, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

◇ Dream ◇Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon