{Lagro high school}

181 49 11
                                    

Kararating ko lang dito sa school na pinapasukan ko. At dahil mahirap lang ako, scholar ako sa paaralan ito. Hindi naman porket mahirap scholar na, syempre meron naman rin akong utak.

Tingin ako ng tingin sa orasan ko pero wala parin si Angel. May usapan kami ngayon na sabay kami papasok.

"Uy girls! Ice kaba?" Tanong ni Faye sa mga kasama niya.

Si Faye ang pangalawa sa ranking dito sa batch namin at ako naman ang nauuna. Wala naman akong ginagawa sa kanyang masama pero ang laki laki ng galit sa akin.

"Bakit?" Sabay na sabi ng mga kasama niya.

"Ang Ice's kasi ng mukha niyo eh. Mukhang mangkukulam!" Mayabang na sabi ni Faye.

Nagsitawanan naman ang lahat na kasama ni Faye. Minsan, hindi ko na kaya ang mga biro nila sa akin dahil sobrang sakit na sa kalooban.

"Oy! Oy! Oy!" Tumatakbong sumingit si Angel. "Ikaw. Faye kaba?"

"Bakit?" Sabi naman ng mga girls na kasama ni Faye.

"Kasi ang Faye ng ilong mo eh! Halatang retokada." Banat naman ni Angel at parang gusto pang magka gera.

"Owwwww!" Sabi nang mga girls.

"For your Imformation, hindi to retokada no!" Ma angas na sabi ni Faye. Akmang gusto rin niya ng gera.

"Oh bakit! Papalag ka ha?" Banat ni Angel. Pinigilan ko naman tong si Angel.

Agad na umalis naman ang mga kasama ni Faye at syempre siya. Hindi niya naman kaya si Angel eh.

"Tara na nga! Pasok na tayo. Baka mapatay ko pa yang si Faye eh." Maangas na sabi ni Angel. Mapatay agad? Hindi ba pwedeng mabugbog muna.

"Patay agad? Grabe ka naman." Pabirong sabi ko at binunggo ko naman siya. "May dala kang kutsilyo?"

"Huy! Hindi ako ganyang klaseng tao no." Pagtatanggi naman ni Angel. "Tara na! Pasok na tayo."

Dumiretso na kami ni Angel sa gate at pumasok.

***

Naglalakad kami ngayon ni Angel sa quadrangle ng school habang nagkekwentuhan.

Hindi ko maikakailang maraming tumitingin sa amin dahil sa maganda si Angel at ako namang kasama niya ay hindi marunong mag-ayos ng sarili.

"Angel. May ikwekwento ako sayo." Masayang sabi ko. Ikwekwento ko lang naman yung napanaginipan ko.

"Diba nagkwekwentuhan na tayo?" Pabirong sagot ni Angel sabay tawa. "Peace. Ano?"

"Maupo muna tayo." Sabi ko at pumunta sa upuan.

Umupo kami dito malapit sa canteen at nag-usap. Syempre pag-uusapan namin ay yun. Kenekeleg naman ako! Yung mga time na yun pinangarap ko talaga.

"Ano kasi." Pigil na sabi ko. Baka kasi pag sinabi ko hindi naman siya maniwala.

"Ano? Maganda ba yang kekwento mo?" Excited na tanong ni Angel. Pero pag nalaman naman niya baka wala lang sa kanya.

"Ano kasi. Tungkol sa panaginip ko kanina." Paliwanag ko naman sa kanya.

"Oh, ano namang panaginip mo?" Sabik na sabik na tanong ni Angel.

"Huwag kang mawalang bahala kapag sinabi ko sayo ah?" Tanong na sabi ko naman. Sure ako, wala talaga tong pakialam kapag sinabi ko.

"Oo na! Ano ba yun?" Nagtatampong tanong na ni Angela. Ang tagal ko naman kasing sabihin eh -_-

"Yung ano ko kasi. Yung..." Pigil na sabi ko.

◇ Dream ◇Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon